IV

53 4 0
                                    

Third Person POV

Huminga muna ng malalim si Aya bago mag simula, pigil pa din ang kanyang pag iyak.

''Kurt is my ex boyfriend.'' panimula niya. Nakita niya naman ang bakas ng pagkagulat sa mukha ng kaibigan.

"We were so happy back then, Maaga kong nakasundo ang barkada ni Kurt, maliban kay Sharlice, ayaw niya sakin umpisa pa lang, lahat kami hindi alam ang dahilan kung bakit. Si Matthew, 3 days palang ata mula nung ipakilala ako ni Kurt sa kanila, Ayababes na ang tawag niya sakin. Dumating pa nga sa point na nilalayo talaga ako ni Kurt sa kanya. Haha. Nakakatawa si Kurt at Matthew nung mga oras na yun, iiwas niya ko kay Matthew, Pero si Matthew lalapit at lalapit sakin. Iniinis talaga si Kurt. Ang kambal naman, maaga ko ding nakasundo. Ate agad ang tawag nila sakin after akong ipakilala ni Kurt sa kanila. Alam mo ba bhest, pinagselosan din ni Kurt yung kambal. Haha! Pero si Sharlice, ewan ko ba, ayaw niya talaga sakin." Huminto muna si Aya sa pag sasalita at tiningnan ang kaibigan. Tumango naman si Kate sign na ipagpatuloy ang pag kwekwento.

"Sa sobrang pagka disgusto ni Sharlice sakin, kapag may gala ang barkada nila, at alam niyang isasama ako ni Kurt, gumagawa siya ng excuse para hindi makasama sa amin." Gumuhit ang mapait na ngiti sa mukha ni Aya. "At sa tuwing nagkikita kami sa tambayan nila, kung hindi niya ko iirapan, titingnan naman niya ako ng masama at aalis sa tambayan nila. Sabi nila Matthew, hayaan ko na lang daw siya, naninibago lang daw siguro. Pero, after a month, bigla siyang nagbago. Bumait siyang bigla sa akin. Hindi ko na kinuwestyon kung bakit bigla siyang nag iba, kasi sa simula palang gusto ko ng magkasundo kami. We were like sisters back then, minsan kinikidnap niya ko kay Kurt, minsan naman bigla nalang siyang mag papaalam kay Kurt na may pupuntahan daw kaming dalawa." Biglang natawa si Aya ng may maalala siya, napansin naman niyang kumunot ang noo ng kaibagan, kaya kinuwento niya kung anong naalala niya.

"Dahil nga magkasundo na kami ni Sharlice, one time nung nagpaalam si Sharlice kay Kurt, narinig ko ang binulong niya, "Mas okay pa nung hindi ka niya gusto, lagi kitang nasosolo sa date natin, walang istorbo. Kaysa naman ngayon, mas madalas na siya ang kasama mo." Pffft. Nakakatawa talaga si Kurt nung mga oras na yun. But not until that time..." lumungkot na ulit ang mukha nito.

*FLASHBACK*

(Still Third Person POV)

Masayang nakatambay sila Aya at Kurt kasama ang barkada sa Green House ng kanilang School. As usual, nag aaway nanaman ang kambal.

"Ate oh!! Inagaw ni Chloe yung choco ko!" maktol na sumbong ni Cleo kay Aya.

"What? Inagaw?! Its a BIG NO NO Cleo! Hiningi ko to, okay?!" pagtatanggol ni Chloe sa sarili.

"Hiningi?! Oo hiningi mo nga! Pero binigay ko ba?! Hindi naman ah! Kaya inagaw mo yan!" sagot naman ni Cleo sa kambal niya.

"Stop it both of you!" mahinahon ngunit maawtoridad na sambit ni Hans. At dahil si Hans ang nagsalita, tumigil na agad ang dalawa. Nakanguso lang si Cleo kasi hindi na niya nabawi sa kapatid ang chocolate niya. "Pfft. Cute~" nasa isip ni Aya

"Pffft. Wag ka na malungkot dyan Cleo, ibibili na lang kita okay?" pang aalo ni Aya kay Cleo.

"Talaga???!!!" sagot ni Cleo. Pero bago pa man makasagot si Aya....

"Cleiii~" pa sweet na tawag ni Chloe kay Cleo. Napatingin naman ang lahat kay Chloe, ngayon lang kasi nila ito narinig na maging ganun ka sweet ang boses at tinawag pang Clei si Cleo.

"Kyaaaaaaaaaaaah!!!!!" sabay na sigaw ni Cleo at Aya at niyakap ng mahigpit si Chloe. Nagulat naman silang lahat sa inasta nung dalawa.

"Waaaah! Ate Aya! Cleo! Di na ko makahingaaaaa!" pilit na sigaw ni Chloe. Napabitaw naman agad ang dalawa.

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon