"Hoy babae! tali-talino ang tamad tamad mo naman! Gayahin mo nga Ate mo! Matalino na! Masipag pa!" bunganga sakin ng aking Ina. Hindi ko na lang sya pinansin at nagsimula ng gawin ang Assignment ko.
Aish! bakit ba kasi kailangang i-compare ako kay Ate?! si Ate yun eh! Ako to. Pano kami magiging parehas?! Aish! nakakainis talaga! Ayoko pa naman sa lahat yung kino-compare ako sa ibang tao! Nakakainis kaya yun! diba?! Pero dahil mabait akong anak, deadma na lang sa mga ganyan. Sundin ang gusto nila. Sanayan na lang din siguro :/ ..
Ako nga pala si Aya Fuentes. Pang mayaman ang apelyido diba? Pero hindi kami mayaman. May kaya naman kami sa buhay. 17 years old at 3rd year college na. Wag na kayong magtaka kung bakit 17 palang ako, eh 3rd year college na agad. 5 years old palang ako, grade 1 na ko.
May dalawa akong kapatid, si Ate Claire at si Kuya Ray. Si Ate Claire graduating na, Accountancy ang course niya. Matalino siya, medyo inggit nga ako eh. Si Kuya Ray naman, naka graduate na sa kursong Architecture. Madalas wala si Kuya Ray dito kasi busy sa trabaho niya.
Enough na sigurong Intro yan noh? baka maiyak pa kayo at ako pag kinuwento ko pa lahat. Maiyak sa sobramg boring at inip. Haha! Boring kasi ng buhay ko eh!
***
"AYAAAAA!!! Bunangon ka na dyan! Sumabay ka na sa Ate mong pumasok sa eskwela!!!!"
Aish! agang sigaw naman! tsk.
"Opooooo!!" tanging sagot ko na lang at bumangon na at nag ayos.
"Ayaaaaaa!!!! Imissyou best!" salubong sakin ni Kaitlyn pag kakita niya sakin aa entrance ng school at niyakap ako ng mahigpit. First day of class ngayon. Another school year for me as a 3rd year student.
"Imissyoutoo." walang gana kong sagot.
"Ay? walang gana best?! ano to?! sasalubungin mo first day ng ganyan ang feslak mo?! hindi mapinta! sayad na sayad ang baba mo!! Ay nako! Bruha ka talaga! Umayos ka nga kung ayaw mong sapakin kita!" sabi pa nito. Brutal talaga ~_____~
"Aish! Brutal mo talaga! How could you?! Mukha na nga lang meron ako, sisirain mo pa! Grabe ka talaga!!" sagot ko naman. Haha! makapal na kung makapal! eh sa nagagandahan ako sa sarili ko eh! HAHAHA!!!
At dahil hindi sumagot ang walanya kong bestfriend, tiningnan ko ito. at the eff!!! alam niyo ba kung anong itsura niya?!!!!!
O________O -> ganyan lang naman. actually mas malaki pa dyan eh. Grabe na talaga! makaladkad nga at ng magising. Bwahahahaha!!
"Leche ka talaga Kate! Tara na ngaaaaaa!!!" at kinaladkad ko nga! Grabe! halos madapa dapa na sya sa pagkaladkad ko sa kanya. HAHAHAHA!! Kate nga pala tawag ko sa kanya. Haba ng Kaitlyn eh! ;D
"Ayy pusa! Teka nga Ayaya! Argh! wag mo nga ko kaladkadin! Kaya ko maglakad noh!!" sabi nito. Binitawan ko naman siya agad. Aba nakakatakot kaya to =___="
"Mehehe ^_^" sarreh~ ikaw kasi eh! lakas mo mang asar!!! +_+" sabi ko. Naglakad na sya kaya sinundan ko na lang.
***
"Good Morning Class" sabi ni Prof namin. Di ko kilala eh. First day kaya.
"Good Morning Mam" sagot namin. Fortunately, mag classmate kami ni Kate. Sa gitnang row kami pumwesto, syempre dun ako sa favorite sit ko, sa tabi ng bintana. Si Kate naman sa tabi ko.
"First day, of course Introduction. Let's start to.... hmm.." sabi ni Mam. Nakita ko namang nag gagala ang mata niya, naghahanap ng unang mag i-introduce.
"You! Ms. na nakaupo sa tabi ng bintana." sabi niya at ngumiti. Tiningnan ko naman lahat ng nsa tabi ng bintana at nakita kong ako lang ang nagiisang babae sa hilera na yun.
"Oh nice. First day, First one to introduce." sabi ko. Nagulat ko ng nag chuckle si Kate. Narinig pala ko ng loka. Napa smirk na lang ako. Pumunta na ko sa harapan at tiningnan isa isa yung mga kaklase ko.
"State your name, age, and tell us something about yourself." sabi ni Mam. Dami namang arte nito.
Huminga muna ako ng malalim at nagsalita.
"Aya Fuentes, 17. Otaku." walang gana kong sabi at umalis na sa harapan. Pero bago pa man ako makalayo, tinanong ako ng Prof namin.
"What is an Otaku?" tanong niya. Tiningnan ko ito ng may pagkagulat. Seriously?
"Otaku is what we call to people who are animeholic." simple kong sagot. Tumango naman si Mam at sinabing pwede na daw ako maupo.
Hays~ pero ang totoong ibigsabihin talaga ng otaku is, super duper as in to the highest level ang ka-adikan sa anime. I can't call myself an Otaku kasi Anime Lover lang ako, pero para sosyal pakinggan, im using the word "Otaku" Hahaha!
"Dylan Montemayor, 18, Varsity Player." Napukaw ng mokong na to ang atensyon ko, ang cold kasi ng boses niya. Man of few words din. Umalis na sya sa harapan at si Kate naman ang nagpakilala.
"Kaitlyn Buenaventura here! Kate nalang ang itawag niyo sakin :) , 17 years old, Chocoholic." sabi nito at umupo na.
"Okay class, I am Ms. Claire Santos. Bago lang ako dito kaya pinag intoduce ko kayo. Although kilala niyo na ang isa't isa kasi Block Section kayo. At dahil First day, wala muna tayong gagawin. Class dismiss." sabi ni Mam Santos. Isa isa namang naglabasan.
"Uy bhest, di ba tayo lalabas?" tanong ni Kate sakin.
"Tinatamad ako." tipid kong sagot. Nilibot ko ang mata ko at nakitang mga nerds na lang ang natira sa room. At yung lalaking nakakuha ng atensyon ko kanina, nakakimutan ko na pangalan niya eh. Transferee ba to? Shifter? Ngayon ko lang kasi sya nakita. Naramdaman ko namang siniko ako ni Kate. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Gwapo noh?!" sabi niya na medyo kinikilig pa. Binigyan ko naman siya ng What-are-you-talking-about-look.
"Si Dylan." sabi niya ng kinikilig. Tiningnan ko naman siya ng Who's-that-Dylan-Guy-look.
"OMG BHEST! Kelan ka pa naging pipi?! Shocks!" sabi niya na nanlalaki pa mata.
"Tigilan mo nga ko sa kaartehan mo! Sino ba kasi yung Dylan na yun?!" medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya napatingin sila sakin, including Ms. Santos, di pa pala sya umaalis.
Naramdaman ko namang may nakatayo sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya. Yung lalaking bago lang.
"It's me. Why?" sabi nito. Ah, so Dylan pala pangalan niya.
"Wala. Ang gwapo daw kasi ng lalaking nagngangalang Dylan, kaya tinanong ko kung sino yun." sagot ko with blank look on my face.
"Thanks." sabi niya, nakita ko namang nakatingin siya kay Kate. At pagtingin ko kay Kate, eto hitsura -> O////////O
"W-We-Welcome." uutal utal niyang sabi. Tsk. Tinamaan ata talaga bestfriend ko sa lalaking to. Ano nga ulit pangalan niya? Di.. Di.. Ah! Dylan! matandaan ng nga. Tutal naman interesado si Kate sa kanya.
Umalis nadin naman siya sa harapan ko pagtapos sabihin ni Kate yun. At ang gaga, siniko pa ko. ~______~
"Ano ba?!" sabi ko sa kanya. Tss. Parang kamatis ang mukha. Haha!
"K-kainis ka! A-ano ba y-yan! Na-Nakakahiya!!! Bakit mo ba kasi sinabi yun???!!!" sabi niya sakin. Pfft. nakakatawa mukha niya! hahahahha!!!
"Tss.. gusto mo din naman! Tara na nga! Mukha kang sira! pulang pula mukha mo! Duh?! kanina pa sya umalis noh! at yang mukha mo, pulang pula pa din! my ghad!" sabi ko at hinatak ko siya. Nakasabay pa namin si Dylan sa pinto. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako. Tss.. Feeling Close. Pasalamat siya gusto siya ng bestfriend ko. Pumunta naman kami ng CR ni Kate.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!! GRABE TALAGA BHEEEEEESTTT!!! OH MY GHAAAAD!!! I CAN DIE NOW!!! KYAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!"
Literal na napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses ng babaeng to! putek! sakit sa tenga!
"KAITLYN BUENAVENTURA!!!" sigaw ko din sa kanya. Natahimik naman ito at nag peace sign pa ^^v
"Good." sabi ko at lumabas na. Sinundan naman niya ko.
Alam niyang pag tinawag ko siya sa buong pangalan niya, ibigsabihin nun naiirita/naiinis na ko sa kanya.
Natapos ang araw na wala kaming ginawa maghapon.
BINABASA MO ANG
Trap Between Three Guys
Teen Fiction[H-I-A-T-U-S] Paano kung bumalik ang Ex mo pero naka move on ka na? Eh ang kaso, gusto niyang makipag balikan ka sa kanya? Paano kung magparamdam sayo ang dati pa palang may gusto sayo? Paano kung yung gusto ng bestfriend mo, ligawan ka? An...
