II

84 4 0
                                    

"Good Morning Ma," sabi ko kay Mama pag dating ko ng kitchen.

"Good Morning din Aya. Maupo kna dyan at mag almusal para makapasok ka na." sabi niya at nilapag ang niluto niyang hot cake sa tapat ko. Kumain lang ako at nag tooth brush bago umalis.

"Una na po ako ma. Pasok na ko." paalam ko dito at humalik sa pisngi niya.

"Ayos ka lang ba anak? Mukhang matamlay ka." alalang tanong ni Mama.

"Ayos lang po ako Ma. Sige po, pasok na po ako." sabi  ko naman at nginitian ito.

"Sigurado ka? Osige. Mag iingat ka." sabi niya. Bahagya akong tumango dito at tuluyan ng umalis.

****

"Good Morning Bheeeeest!!!!!" agad na salubong ni Kate sa akin pag kakita niya sakin sa gate ng school.

"Good Morning din." sagot ko at nginitian ito.

"Oh?! Para ka nanamang pinagsukluban ng langit at lupa!" sabi niya.

"Ganto naman ako lagi." walang gana kong sagot.

"I know naman. Pero di ba parang palala ng palala sa pag lipas ng araw???" sabi niya na medyo worried. Oo. Medyo lang. may halong pang aasar kasi sa tono niya =____=

"Parang hindi naman." sagot ko.

Hindi na sya umimik pag tapos nun kaya dire-diretso lang kami papunta sa room namin.

"Good Morning Class." bati ni Sir Glenn sa amin pag pasok niya sa room.

"Good Morning Sir." sagot naman namin.  Marketing ang subject namin ngayon. Nag didiscuss si sir pero wala akong pakielam. Tinatamad ako makinig eh =___= nag drawing nalang ako sa notebook ko.

"That's all. We will have a quiz next meeting about this. So review." sabi ni Sir at umalis na. Grabe naman! Kung kelan di ako nakinig?! Aish!!

"Guys! Listen." pukaw sa atensyon namin ng aming Class President at napatingin kaming lahat sa kanya.

"Okay... Wala si Ms. Claire. Kaya self study tayo today. Okay? Walang maingay ha?! Kung gusto niyo lumabas, mag paalam kayo sa VP natin. At wag kayong magtatagal sa labas. Kung nagugutom na kayo, bumili kayo food then bumalik agad dito. Dito na lang kayo kumain, wag na lang kayo magkalat. Get that?!" anunsyo niya.

Nagsi tanguan lang kami. Yung iba nag umpisa nang mag daldalan. Yung iba naman lumabas.

"Uy bhest, kanina ka pa tahimik ah? Anong problema?" sabi niya.. Nag aalala na.

"Nah, masama lang pakiramdam ko." bagot na sagot ko.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

"Wag na. Kaya ko pa."

"Sigurado ka? Sa clinic ka nalang kaya mag pahinga? Tahimik dun."

"No Kate, Im fine."

"Okay.. If that's what you want." pagsuko niya kahit labag sa loob niya. This is what I like about Kate. She really cares too much to the people around her. Specially to those who are important to her. Napatingin ako sa kanya na nakayuko ito. Alam kong nakasimangot ito at nagaalala pa din.

"Fine. If hindi ko na kaya, sasabihin ko sayo at samahan mo ko sa clinic. Okay?" sabi ko. Inangat niya ang ulo niya at may ngiting naka rehistro sa mukha niya. Tumango tango ito bilang sagot, Nginitian ko naman ito at dumukdok ulit sa desk ng upuan ko.

"Do you want to eat?" tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot. Tumahimik naman sya after nun. Ramdam kong nakatingin lang ito sa akin at alam kong nag aalala pa din. Minsan lang kasi ako magka ganito kaya alam kong sobrang nag aalala ito.

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon