1 week nalang matatapos na ang Slave-Master drama namin ni Renz. Haha. Ang bilis ng 1 month. Dapat ata 3 buwan ang sinabi ko. Hahaha.
Anyways, nandito kami sa archery club. Nakita kasi kami nila Renz at inaya kami mag punta dito. Member pala ng Archery Club si Kevin.
"Whooo!! Go Kevin!" cheer ni Chloe. Haha. Ang cute talaga ng batang to.
"Alam mo ba Ate, may tournament na sasalihan yang si Kuya Kevin. Papanuorin namin, gusto niyong sumama?" saad ni Cleo.
"Eh? Talaga? Saan? Sige, manunuod ako. Ikaw ba Katie?"
"Sure!" walang lingon na sagot sa akin ni Katie. Tsk. Masyadong nakatitig kay Kevin. Haha. Trip niya kasi ang Archery.
"Yeah. Manunuod kami. Saan ba? Tsaka kailan?" tanong ko.
"Sa Sabado na Ayababes." biglang sulpot ni Matthew at singit sa usapan. Tumabi naman ito sa akin. Eh? San si Katie? Sya yung katabi ko ah?
"Argh! Matthew ano ba! Singit ka naman eh! Ganda ganda ng pwesto ko dyan! Ugh! Bwisit!" Oh Em! Magwawala na niyan si Katie.
"R-Renz.. Pigilan mo si Katie. Baka mag Super Saiyan yan! Daliii!" sabi ko kay Renz. Dali namang tumayo si Renz at pumunta sa pwesto ni Katie.
"Hep! Offlimits ka Katie! Wala tayo sa labas. Nandito pa tayo sa loob ng campus!" awat ni Renz sa kanya.
"Argh! I know! Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Katie kay Renz. Agad namang binitawan ni Renz si Katie dahil baka siya pa ang masapak nito.
"Fine. Fine. Relax." sabi naman ni Renz at pumunta na ulit dito sa tabi ko.
"Psst. Huy Matthew. Mag sorry ka kay Katie." sabi ko. Rumehistro naman ang takot at gulat sa mukha niya. Pfft.
"Dalii! Nakoo pag nagalit ng ganun yun, mahirap yun suyuin." sabi ko.
"Wah! di ba pwedeng bukas nalang? or Mamaya?" sabi naman niya.
"Pagtapos niya manuod, mag sorry ka agad! Okay?!"
"Yes ma'am" sagot niya.
"Grabe pala magalit si Ate Katie." may halong takot sa boses ni Cleo ng sabihin niya ito.
"Oo. Kaya wag niyo i-istorbohin yan pag gusto niya ginagawa or pinapanuod niya. Istorbuhin niyo man, kausapin niyo ng maayos." sabi ko.
"Nakakatakot si Katie." -Matthew.
"Pfft. Ichura mo Matthew. Ayusin mo. Para kang nakakita ng multo."
"Eh sa nakakatakot yang bespren mo Ayababes eh!" maktol niya.
"Kaya nga mamaya, mag sorry ka. Maayos, Sincere at mahinahon. Okay?"
"Yes Mam."
***
"Let's go." Aya ni Hans. Tiningnan ko ito ng "where-are-we-going-look"
"Sa Club Room. Nandun na sila." sabi niya. Eh? Nilibot ko ang paningin ko at kaming dalawa nalang pala nandito. Kelan pa natapos mag practice si Kevin?
Ngumiti ako ng alanganin kay Hans at iniabot ang kamay ko sa kanya upang tulungan akong tumayo.
"Lalim ng iniisip mo ah? Nakakalunod ba yan? Kaya kahit ang pag sigaw ni Katie sayo hindi mo narinig?" sabi ni Hans habang naglalakad kami papuntang Club Room. Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Ayabaaaaabeeeees!!!!!" salubong sakin ni Matthew pagbukas ni Hans ng pinto ng Club Room.
"Oh bakit?" tanong ko. Mangiyak-ngiyak kasi ang itsura nito.

BINABASA MO ANG
Trap Between Three Guys
Teen Fiction[H-I-A-T-U-S] Paano kung bumalik ang Ex mo pero naka move on ka na? Eh ang kaso, gusto niyang makipag balikan ka sa kanya? Paano kung magparamdam sayo ang dati pa palang may gusto sayo? Paano kung yung gusto ng bestfriend mo, ligawan ka? An...