XVIII

17 2 0
                                    

UNEDITED.

*Aya*

Weeks have passed mula nung dineklara ni Dylan na liligawan niya ko. Grabe lang sya! Araw araw may naabutan akong kung ano mang bagay sa ibabaw ng desk ko. Madalas flower, minsan chocolates, bears, candies at kung ano ano pang bagay! Naiirita ako! Nakakairita kasi! Tuwing tumitingin ako sa kanya kinikindatan niya ko tapos ngumingisi! Kabwisit! Ayoko sa kanya kaya hindi ko tinatanggap lahat ng naabutan ko sa ibabaw ng desk ko, lagi ko yung sinasauli sa kanya. But of course, hindi niya yun tinatanggap kaya siya na mismo ang nagtatapon nun sa basurahan pag isinasauli ko ang mga bigay niya.

"Huy Aya! Ano ka ba naman? Sayang yung mga binibigay niya sayo ah! Tapos tinatapon niya lang pag sinasauli mo!" nanghihinayang na sambit ni Katie.

"Tss. Wag ka nga Kate! Alam mong ayaw ko sa Dylan na yun! Ayoko sa Montemayor!" singhal ko sa kanya.

"Tsk. Hay nako Aya, hindi naman porket ginawa sayo ni Kurt yun, eh ganun na din ang gagawin sayo ng kapatid niya."

"Whatever Katie. Ayoko sa kanila. Tsaka duh?! Kapatid siya ng EX ko! Ang sagwa tignan kung magiging kami, although walang magiging 'kami' kasi hinding hindi mangyayari yun! My goodness!"

"Hay nako Aya! Bahala ka nga."

"Tigilan mo nga ko Katie! Alam kong gusto mo si Dylan!" pangaasar ko dito.

"Hindi na noh! Nung una siguro oo." sagot nito kaya napalingon ako sa kanya pero nakatingin ito sa field.

"Mukha mo Katie! Wag ako ang lokohin mo, iba nalang." sabi ko at ngumisi.

"Tsk. Ok fine! crush ko pa din siya!" pagsukong sagot niya. "Let's go? Time na." sabi nito pagkaraan tumingin sa watch niya. Tumayo na din ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa next subject namin.

"Ayababes!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa di kalayuan. Si Matthew yun! Sya lang tumatawag sakin ng ganya eh! Nilingon namin siya ni Katie.

"Hmm?" tanong ko nang makalapit siya samin.

"Sabay tayo uwi?" pa-cute na tanong niya.

"Sus! Akala ko kung ano na! O sige ba. Anong oras last class mo?" tanong ko dito.

"4pm-5pm." sagot nito.

"Oh? pareho pala tayo. O sige, san tayo makikita?"

"Hintayan tayo sa baba ng building niyo. Naka-motor nga lang pala ko. Ayos lang ba?" alangang tanong niya.

"Sure. Are we going there?" tanong ko.

"Where is 'there'?" singit ni Katie.

"Secret Place Kate. Sorry." sagot ko dito. Tumango naman siya.

"Do you want to? We can go there if you want." nakangiting sagot ni Matthew.

"Hmm? Let's see. Late na din kasi mamaya. Hmm, let's decide nalang later." sagot ko ng nakangiti. Tumango naman siya ay nagpaalam na. Pumasok na kami sa room may nakita nanaman akong maliit na bagay sa ibabaw ng desk ko.

Letter.

Kinuha ko ito at binuksan.

"Meet me on the Green House after Class. I'll tell you something."
- Dylan

Napailing nalang ako sa nabasa ko. Hinanap ng mata ko si Dylan pero wala siya sa loob ng room. Di rin nagtagal at dumating na ang professor namin.

Paminsang sumasagi sa isip ko ang note na galing kay Dylan at ang usapan namin ni Matthew. Gusto kong pumunta dun sa pinuntahan namin ni Matthew dati pero nacu-curious ako sa sasabihin ni Dylan kung sakaling pumunta ako mamaya sa greenhouse. Hay. Do I really need to choose? Hindi naman diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon