XVII

53 3 6
                                    


"Sisteeer!!!" sigaw ko ulit pagpasok namin sa kumbento dala ang pinamili namin sa mall kanina.

"Tara kayo dito sa kusina." salubong samin ni Sister Mary, kakalabas niya lang galing sa kusina.

"I'll help sa cooking!" pag prisinta ko.

"You cook?" tanong ni Kristoff sakin.

"Of course! HRM student kaya ako!" sabi ko at napa-pout pa. Kainis ah!

"Fine. Fine. Sorry i forgot." nakangiting sabi ni Kristoff. Ngumiti din naman ako at nag suot na ng apron.

"Maybe.. I'll go play with the kids nalang muna. Sister, pwede po ba?" rinig kong tanong ni Kristoff habang naghihiwa ako ng mga gulay.

"Good! Go now!" sagot ko.

"Sige Ijo. Pasensya ka na, medyo makukulit ang mga bata." sabi naman ni Sister. Ngumiti lang si Kristoff bilang sagot at saka lumabas ng kitchen.

"Sister, si Mika po pala?" tanong ko, hindi ko kasi siya nakita sa labas kanina. Baka nasa kwarto nanaman siya.

"Nasa kwarto pa. Lalabas yun pag nalamang nandito ka." naka ngiting sagot ni Sister sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Boyfriend mo Aya?" tanong ni Sister.

"Nako! Hindi po Sister. Kababata ko lang po si Kristoff. Real life Superman na rin." ngiting ngiti kong sabi.

"Ganun ba? Bagay kayo." sabi ni Siter at ngumiti. Ramdam kong pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon.


Hindi nalang ako sumagot at nag simula na ding magluto. Menudo at Chopsuey ang niluluto namin. Yun daw kasi ang request ng mga bata. Bilib din ako sa mga bata dito, hindi kasi sila masyadong mahilig sa karne at puro gulay lang ang gustong kainin.


"Sister..." napalingon si Sister sa may pintuan ng kitchen dahil sa maliit na boses na nadinig namin.

"Oh Mika, may problema ba? Nagugutom ka na ba? Maluluto ang pagkain." sagot ni Sister Mary pagtapos lapitan ang bata.

"Hindi pa po ako nagugutom. Si Ate Aya po kasi.." rinig kong sabi niya. Agad ko siyang nilapitan pagkaraan takpan ang kawaling pinaglulutuan ko ng menudo, papalambutin nalang kasi ang karne doon.

"Bakit Mika?" nakangiti kong sabi sa kanya at yumuko para magka lebel ang mukha namin. dala niya ang kulay puting teddy bear na bigay ko sa kanya noon.

"Namiss po kita ate." nakayuko at nahihiya niyang sabi. Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya.

"I miss you too baby." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya din naman ako pabalik. Umalis si Sister para tignan ang niluluto namin.


Si Mika, siya yung unang bata na ang approach sakin sa pangalawa kong punta dito. Mabait siya, maganda, matalino, pero tahimik. Wala siyang kaibigan noon, pero ngayon may mga kinakausap na din siyang mga bata pero hindi siya masyadong nakikihalubilo sa kanila. Kaya nagulat ako sa sinabi sakin ni Mother Superior noon na ako ang pinaka unang inapproach ni Mika, na ako ang unang kinausap niya.


"Are you hungry?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa po ate." sagot niya. Tahimik pa din siya.

"Wait here, tatapusin ko lang ang niluluto ko." sabi ko at pinaupo siya sa dining table.


Natapos ang niluluto ko at kumain na kaming lahat ng sabay sabay, pati si Mother Superior ay sumabay sa amin.

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon