XIV

37 4 0
                                    

Sorry for the long wait. eto na. lame to -___- sorry. Typos might encounter. unedited.

*Aya*

“Laro tayo Guys!!” sigaw ni Katie. Napatingin lang kami sa kanya at hinihintay yung susunod niyang sasabihin.

“Spin the bottle!” masaya niyang sabi.

“Pambata Katie! Ano ba yan? Wala bang iba? Yung mas exciting naman!” reklamo ni Matthew.

“Kyaaah! Gusto ko yan! Revealan time!!” excited na parang kinikilig pang sigaw ni Chloe. Oh my ghad! NOOOOO!!!

“I’m IN!” sigaw na sagot ng halos ng lahat ng tao sa table na to.

“Im In.” – Hans. Whaaat?! Tiningnan ko ng hindi makapaniwala si Hans at parang sinasabi ko sa tingin kong yun na “Are you serious?” pero pilyong ngiti lang ang natanggap ko sa kanila.

“Sali din ako!” sigaw ng katabi ko. Nanlalaki ang mga mata ko siyang tiningnan! Pati ba naman si Kristoff? Tiningnan ko naman siya na parang sinasabi ko “Humannda ka sakin mamaya.” Pero nagkibit balikat lamang ito. Aaaaah! Bwisit!

“Ikaw Sharlice? Kurt? Dylan? Aya? Sasali ba kayo?” tanong ni Matthew.

“Hindi.” Agad kong sagot.

“Kayo bahala.” Kurt.

“Pambata. Pero syempre Sali ako, mukhang magiging masaya to.” Sagot ni Dylan. Akala ko, man of few words to. Pa-cold lang pala sa first day of class. Tsss.

“Ikaw Sha?” tanong ni Kevin ng hindi ito sumagot. Pero hindi siya pinansin nito.

“Ok? Kasali siya.” Deklara ni Katie, hindi naman umangal si Sharlice kaya naman nakatingin silang lahat sakin.

“What? I won’t join you guys!” saad ko.

“Oh c’mon! KJ mo!” sigaw ni Katie sakin. Bestfriend ko ba to?

“Mag join ka na samin ate Aya! Please? Minsan lang naman to eh! Tsaka for sure, masaya to!” pangungumbinsi ni Chloe sakin. Pano magiging masaya to? Eh feeling ko may hindi magandang mangyayari dito.

“Aya, time to face everything.” Bulong ni Kristoff sakin kaya mas lalo akong natense, kinabahan, at natakot. Oras na ba? Eto na talaga? Kaya ko na ba silang harapin? Oh ghad!

Hinawakan ko sa kamay si Kristoff at marahang iniling ang ulo ko. No, not now, hindi ko pa kaya.

“I’ll be here. I won’t leave you. I’ll protect you.” Sabi ni kristoff na this time siya naman ang humawak sa kamay ko. I calmed a bit because of what he said, pero may panginginig pa din ang kamay ko. Kaya hinigpitan ni Kristoff ang hawak niya sa kamay ko.

“Everything’s gonna be okay. Don’t worry.” Pang aalo niya sakin. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata. Tumango siya ng bahagya at sinabing “Im here. I won’t leave you.” Pagkaraan ay nginitian niya ko, gumanti ako ng weak smile at tumingin sa mga kasama namin na akala mo nanunuod ng sine at tumango.

“YES! Simulan na!” sigaw ni Katie.

“Wait!” sigaw ni Matthew ng papaikutin n asana ni Katie ang bote.

“Ano?” inis na tanong ni Katie.

“Rules. We need that.” Sabi niya. Napatango tango naman ang mga kasama ko.

“Like what?” tanong ni Katie.

“Hmmm… Like, pwedeng mag pass pero 1 time lang.” sabi niya.

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon