Aya's POV
Mag ti-three weeks na mula ng nangyari yun, hindi na muli nagtagpo ang landas namin ni Sharlice. Baka iniiwasan nanaman niya ko. Haaaay... Hindi na din naman binanggit or nagtanong pa si Kate tungkol dun. Matalino naman yun. Naiintindihan na niya lahat. Madalang na din kaming magsama sama ng grupo nila Kurt. Pero madalas pa din akong puntahan ng kambal. Minsan pag sabay ang lunch break, imbis na sumama sila kila Kurt, sa amin sila ni Kate sumsabay. Sabi pa nga nila nung minsan sinuway ko sila na baka magalit na sila Kurt sa kanila, ang sagot nila, "Hindi yun! Sus! Sawang sawa na nga kami sa mukha ng isa't isa eh!". Oha! diba ng galing ng dalawa?!! Hahahaha!
"Beeeeeeeeeeeeesssstttt!!!!!"
"Ay palaka ka!" arrgh! muntik ng lumabas puso ko dun ah!
"Ghaaad best! Sa lahat ng pwedeng hayop palaka talaga?!!!! Hindi ako echosera noh!" nanlalaki at parang di makapaniwala ang boses at itsura niya habang sinasabi yan.
"Leche ka! Bakit ka ba kasi nanggugulat?! Kita mo nang ang lalim ng iniisip ko eh! Nanggugulat ka pa!" sigaw ko sa kanya
"Ano nanaman ba yang iniisip mo ha??!!! Yung babaeng echosera nanaman ba?! Yun ang dapat na tinatawag na palaka eh! Saktong sakto! Mukha ng Palaka! Echosera pa!" inis ba sabi niya.
Tsss.. sino pa ba tinutukoy niya?! Alam niyo ba? Alam niyong si Sharlice un diba?!
"Tsk. Tumigil ka nga! Ano bang kailangan mo at nagsisisigaw ka dyan!''
"Ay oo nga! Bwisit kasi ung palaka na yun eh! Nakalimutan ko tuloy sasabihin ko."
"So ano nga! Tagal tagal!!!"
" Aba! bakit?! may lakad ka?! Makapag madali ka diyan!"
"Sasabihin ko ba o hindi?!" ma awtoridad kong sagot sa kanya.
"Sasabihin na nga eh! Highblood neto! Samahan kaya kita sa Clinic?! Pa-BP ka muna! baka 200 over 90 na blood pressure mo! Masama yan best!" sabi niya. Lechugas talaga to!
"Ano baaaaaa??!!!!" sigaw ko sakanya.
"Waaaah! Huuu! baka mag super sayan ka na best! kumalma ka na! baka biglang dumating si Freeza o kaya naman si Cell dito! my ghad! mawawasak ang planet earth!"
"KAAAAATEEEEEE!!!!!!!!!" naiinis na talaga ko sa babaeng to! kung di ko lang to kaibigan gagawin ko silang magkaibigan ng pader! Dinamay pa si Freeza at Cell! Langya!
"Aaaaaaaah!!! Ayaaaaa! Huminahon ka ngaaaaa!!! Baka magalit si Mother Earth at biglang lumindol o kaya mag avalanche dahil sa sigaw mo! Kawawa naman tong school natin!!!" Ay pota! Pamura isa! Sinabi ko bang matalino sya kanina?! Ha?! Pwes! Binabawi ko na!!
*Boooooogssshh*
Hep! Di ako yan!
Napatingin kami sa malakas na tunog! Tsss! si Dylan lang pala. Nagising ata =_____=
"Taena! Kung magsisigawan kayo! Dun kayo sa Field! Putek! Natutulog yung tao eh!" sigaw niya sa amin at napatayo pa talaga! Halatang inis dahil sa bitin ang tulog niya! Loko to ah! kami pa sisihin! Napatingin ako kay Kate dahil bigla itong tumahimik. Aba ang loka natakot ata sa inasta ng lalaking to.
Nakita ko namang akmang aalis na siya, pero bago pa siya makalapit sa pinto nagsalita ako...
"Aba't sino may sabi sayong pwede mo kaming sigawan?! Ha?! FYI! Hindi ito silid tulugan! Kung gusto mo matulog umuwi ka sa inyo! At wag mo nga kami murahin! Minura ka ba namin ha???!!!!" Naramdaman ko ang pagpisil ni Kate sa braso ko, sign na pinapahinto niya ko. Nakita ko naman ang mukha ni Dylan. Dumilim ito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko! Huh! anong akala niya?! Takot ako sa kanya?!

BINABASA MO ANG
Trap Between Three Guys
Teen Fiction[H-I-A-T-U-S] Paano kung bumalik ang Ex mo pero naka move on ka na? Eh ang kaso, gusto niyang makipag balikan ka sa kanya? Paano kung magparamdam sayo ang dati pa palang may gusto sayo? Paano kung yung gusto ng bestfriend mo, ligawan ka? An...