X

52 3 0
                                    

"Hi." simpleng bati niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Alam niya kaya? Pano kung bigla nalang niyang i-bring-up yung tungkol sa amin ni Kurt? Kilala na ba niya ko dati pa? Bakit tuwing pupunta ko sa bahay nila Kurt hindi ko naman siya nakikita? Alam niya ba? Paano nga kung alam niya? ANong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Mag-e-explain ba ko sa kanya? Teka,Para saan pa kung mag eexplain ako sa kanya? . Naputol ang pagiisip ko ng maramdaman ko ang paghinga niya malapit sa mukha ko at sinabing...

"Baka matunaw ako." sabay smirk.

Tsaka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Aish!  Katangahan Aya! Ano ba yan! Nakakahiya!

"A-anong gi-ginagaw mo di-dito?" oh ghad! bakit ba ko kinakabahan?!

"Natutulog sa itaas ng puno pero dahil may "Master" na dumating at inutusan ang slave niya, naistorbo ang pagtulog ko." sagot niya.

"So-Sorry. Aalis na ko." Sabi ko sabay tayo, akmang aalis na ko ng hawakan niya ang braso ko para mapigilan ako.

"Inistorbo mo pagtulog ko tapos bigla ka na lang aalis? Tsss.."

"Edi matulog ka na lang ulit. Kaya ng aalis na diba, para makatulog ka na ulit, wala ng iistorbo sayo." sagot ko. Binitiwan niya ang braso ko pagtapos niya kong iharap sa kanya.

"Anong problema mo?" tanong niya. Kunot-noo ko naman siyang tinignan. Pinahid niya ang pisngi ko sabay sabing..

"May tumutulong luha galing sa mata mo. Manhid ka na ba para di mo maramdaman na umiiyak ka?" sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata at hinawakan ang pisngi ko. Umiiyak nga ako. Aish! bakit ako umiiyak?!

"H-Ha? Ah.. eh..." di ko malaman kung anong sasabihin ko. Pero ganun na lamang ang gulat ko ng hatakin ako ni Dylan palapit sa kanya at yinakap ng mahigpit. Sinubukan kong kumawala sa yakap niya nung makabawi ako ngunit lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin.

"Ssshh... Hindi ko hahayaan na saktan ka ulit ng gago kong kapatid. Babantayan kita." sabi niya.

Ano ba tong sinasabi niya? Nababaliw na ba siya?

"Gusto kita Aya." dugtong pa niya.

*DUG DUG DUG*

"A-ano bang sinasabi mo? Sinaniban ka ba? Anong masamang hangin ang nasinghot mo habang natutulog ka? Kung ano ano sinasabi mo." sagot ko sa kana ng humiwalay siya sa pagkakayakap niya sakin.

"Hindi ako nagbibiro Aya." sabi niya at tinignan ako ng seryoso.

"Babantayan kita at hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng kapatid ko. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." dagdag pa niya.

"Ano bang sinasabi----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako.... Hinalikan niya ako sa pisngi.

****

"Aya... Aya.." rinig kong tawag sa pangalan ko, unti unti kong minulat ang mga mata ko.

"Nasan ako? Hans?" tanong kong luminaw ang aking mga paningin at maaninagan si Hans sa tabi ko.

"Nasa likod ka ng Gym, Tapos na klase ko, sabi ni Renz puntaan daw kita dito." paliwanag niya. Oo nga pala. Aish teka anong oras na ba?

"Anong oras na Hans? Yung gamit ko? Nasayo ba?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Napapikit ako sandali dahil sa ihip ng hangin ng maalala ko ang aking panaginip. Te-Teka.. Panaginip? PANAGINIP? Si Dylan... Kiniss ako sa pisngi.. Panaginip.... Isang MASAMANG PANAGINIP!!!!

"Aya! Huy! Ayoska lang ba? Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka. Bakit mo ba kasi naisipan matulog dito?" alalang sabi niya. Napahawak ako sa mukha ko unconciuosly.

"Huy! Naririnig mo ba ko? Ayaaaa!" sigaw ni Hans sa akin.

"Maka-sigaw Hans? oo. naririnig kita." sagot ka.

"Tss.. Kung nagsasalita ka kasi diyan diba? edi hindi na kailangan sigawan ka pa." reklamo niya.

"Hay nako! Tara na nga! Hahatid na kita sa inyo." sabi niya at inalalayan akong tumayo. Hindi na ako nagreklamo at sumunod na sa kanya.

*****

SHORT UD! Siningit ko lang kasi nag rent kami dito sa comp shop. Haha.

Enjoy! :)

Trap Between Three GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon