Final Battle

122 6 0
                                    

Dua pov

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Natalo ko si Uno... kaya kailangan kong talunin silang lahat bukas... ako ang nakatalo sa lahat.. pero isa sa mga nakalaban ko ang iba ang pakiramdam ko...parang kilala ko ito.

Narinig ko na may nag ring sa labas ng condo. Oo nandito ako sa Condo ni Rai... dito ako tumuloy mula pagdating ko. Hindi ko sinabi sa kanya dahil alam kong magagalit ito.... Nagulat ako ng makilala niya ako. Walang sinuman ang nakakilala saakin... paanong nakilala niya agad ako?

Bumangon ako at pinagbuksan ang nasa labas.

Hindi na din nako nagtataka na pupuntahan niya ako dito.

" Dua!..." alam kong sesermonan niya ako.

" Pumasok ka muna...."

Pumasok ito at pagalit niyang binagsak ang phone niya sa mesa.

" Saan ba hahantong ang galit mo Dua?!"

Hinarap ko siya. Naging seryoso ang mukha niya ngayon... halatang galit ito sa mga desisyon ko.

" Gusto ko ng katarungan para kina mommy... at kay Rai...."

" Katarungan?? Kaya pinasok mo ang labang ito!?.... hindi ako pumayag na magtraining ka sa korea pero pinagbigyan kita.... pero ang pumasok sa gangster world ay wala sa usapan!.. hindi ako makakapayag na gawin mo ito... "

" At ano ang gusto mong gawin ko Uno??? Umupo? Humiga?! hihintayin ang mga letcheng mga imbestigador na binayaran para hindi gawin ang trabaho nila??... ang umasa sa wala??... hindi ako papayag na hindi magawa ang paghihiganti ko Uno... ngayon palang ako humahakbang pasimula....! "

Napahilamos ito ng mukha.

" Dua...inaalala ko ang kaligtasan mo!... ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin....dadalawa nalang tayo....natatakot ako na iwan niyo akong mag isa...lahat nalang ng mahal ko sa buhay iniiwan ako...Dua.."

" Uno... hindi ako mawawala... kailanman ay hindi kita iiwan...intindihin mo sana ako Uno... masakit para saakin na nawala sila na hindi man lang makuha ang hustisiya... Uno... please! Gusto ko ako ang humarap sa kanila. "

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim.

" Bukas....hindi ko alam ang mangyayari ngunit gagawin namin para makuha mo ang Rank 1...pero huli na yan Dua...wala ng pangalawang kahilingan... "

Lumapit ako sa kanya at niyakap.

" Salamat Uno....umuwi ka na... Ok naman ako dito."

" Kung nasaan man si Renz alam ko binabantayan ka niya parati... "

" Siya ang lakas ko Uno....kahit wala siya...nandito pa rin siya sa puso ko. "

" Alam ko... nandiyan TALAGA siya.."

Di na din nagtagal si Uno.

Uno pov

Kinausap ko ang ka gang ko para sa laban bukas.

" Bakit biglang nag iba ang rules? Hindi naman ganyan noong nakaraan... " Tres.

" yung na daw... Kailangan natin matalo ang lahat bago natin matalo si Moonlight Princess..." paliwanag ko.

" napaka gulo ng rules..." Dos

Isang tawag ang pumukaw sa atensyon namin.

" Uno yung phone mo may tumatawag.... - ay si Ate Rash pala " Sigaw saakin ni Cass.

I fell inlove To Miss Talkative (Uno's. Story)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon