Rash pov
Linggo na ngayon at plano naming magsimba ni Levi. Well after that kasi magdedate kami hahaha hindi ako kinikilig ha, pero parang ganun na din. Gusto ko din kasing itanong yung about gang na sinasabi ng mukhang paa na yun noong friday.
Nagkita kami sa mismong simbahan ni Levi.
" Love saglit lang ha, bibili lang ako ng kandila." sabi ko.
" ok sure love"
Pagkabili ko ay pumasok na kami sa sumabahan.
A few hours later..
Natapos din ang simba kaya dumeretso na kami sa Mall.
" love saan tayo kakain?" tanong niya saakin.
" kahit saan nalang kinakain ko naman lahat" sambit ko. Napaubo naman ito.
Ano ba nakakaubo sa sinabi ko? Eh kahit naman may allergy ako eh kinakain lahat, ano pa silbi ng gamot 😁
" korean restaurant nalang tayo.." sabi niya
"Ok lang sa akin."
Pagpasok palang namin nabunggo ko ang isang babae.
" Sorry" sabi ko.
Pero parang wala lang ito. Naiihi na siguro ito dahil patakbong tinungo ang Cr.
Habang nag oorder kami isang boses ang narinig ko. At kilala ko ang boses na yun.
" ano ba akin yan.. Maduga ka talaga Mendez!?" kahit pala saan pumunta ang panget na ito ay panget din ang asal sa harap ng pagkain.
" Uno may ipapadate ata sina tita sayo" sabi ng kasama niya.
" hindi ko gusto, masermonan nalang ako at bugbogin ng babaeng madaldal na yun mas gugustuhin ko pa kesa makipag date sa hindi ko gusto.. Akina na nga yan!"
"... Tsaka mas mahal ko si Aprohdite no kesa kanino"
Bugbogin ko daw? 😂 😂 Animalistic talaga ang loko.
Aprohdite?? Sino naman kaya siya? Malas naman niya.
Nakikinig ako sa usapan nila ng kalabitin ako ni levi.
" Love are you with me? Kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mo?"
" ay hehehe sorry.. Kahit na ano."
Patay! ... Hikain pala ako bakit sa korean restaurant kami pumunta.
" Ok..."
Nakita ko ang babaeng nabundol at dumeretso sa table nila Panget.
" Renz napapansin ko bakit parati mong nakakasama sina Daddy. Anong ginagawa niyo? "sabi ng babae.
Biglang may dumating na waiter sa kanila.
" Miss Aprohdite..? " tawag ng waiter
" doon sa table namin.. Thanks! "
pasimple kong tinignan ang tinawag nilang Aprohdite. Siya pala,. Maganda pala ito.. Mas maganda nga lang ako.
" love saglit punta lang ako sa comfort room"
" Ok"
Papasok na sana ako sa cr ng may humatak sa braso ko.
" Ano ba!?"
" wag kang maingay..."
Tinignan ko si Panget pala.
Hinatak ako palabas ng restaurant..
BINABASA MO ANG
I fell inlove To Miss Talkative (Uno's. Story)
RomansaBunganga nalang niya naririnig sa school pati ba naman sa puso ko siya din sinisigaw nito? AKO si JUNO APOLLO GRAZRER a.k.a Uno the Great.