Uno pov
" Kean... Ano na?" kasi sinet na nila sa mismong Fam day dito sa Probinsya. Gabi na kasi...
" Magrelax ka nga Uno... sabi ni Mal ay ok na daw..."
" Si Tres asan ba siya?"
" NagCCR... kinakabahan ata hahaha" sabat ni Basilio
Dito sa Probinsya kasi gaganapin ang fam day namin. Ang Family day ay naimbento hahaha... makaimbento naman sorry...
Ang Family day ay ginaganap every first Sunday ng buwan.... napaisip isip kasi nila Lolo na gawin tradisyon ito sa aming angkan para lalo kaming mapalapit.. hindi kasi kami ganun kalaking angkan. Mga Small Family kasi kami... Nasa dugo na din namin ang pagiging torpe...hindi pala chicks, pero kami yung totoong magmahal,yung bang ipaglalaban sa patayan talaga... hahaha obvious naman sa kwento...Mga Probinsyano mga stick to one..
Kinakabahan kasi ako dahil wala akong idea sa binalak nila Kean at Basilio.
Lumapit ako kay Andrei na todo text sa asawa.
" Andrei... ano na? Asan na daw sina Dua?"
" Malapit na daw sila..."
" lintik naman kasing tampuhan na yan eh...ayaw nilang sumabay saatin.."
" Dami mong reklamo Uno... sana marunong kang manglambing sa asawa mo para hindi umabot sa ganito." Andrei
Oh.. Sinisi na naman ako.
" Eh bakit ako lang? Ikaw ginawa mo ba eh dalawang araw kang di natulog sa bahay niyo... Ako isang gabi lang " sabat ko.
" Isang araw nga pero iniwan ka naman mag isa dahil umuwi sila sa bahay ng magulang niya...
" pero sa guestroom na ako natulog sa sumunod na araw... ikaw labas pa din ng bahay...tsaka ikaw nga di mo kayang lambingin si Dua..." dagdag ko.
NYETA nito...
" Eh kilala mo ang kakambal mo...halos mag atake ng sandata ang pag salubong niya saakin..."
" Hoy andito na sila... Kean ano na gagawin namin? "
" Hunter, Zach, Light... Takpan niyo na mga mata nila... "
Nagulat naman kami sa inutos niya.
Piniringan nga nila kami. Tapos pinahawak ang mga bouquet ng bulaklak....
" papatayin namin ang ilaw... Tumayo lang kayo dyan.... hintayin niyo hudyat ko... " Kean
" Punyeta ka Kean... Anong klaseng hudyat yan?" paano naman namin malalaman yung hudyat na sinasabi kung nakapiring kami
" listen to my instructions Uno...para sa Future mo ito.. " dagdag pa niya
Future my ass!
Pinakinggan nalang namin ang paligid.
" Andrei... Uno... Tres... dahil sa kalokohang ginawa niyo sa mga asawa niyo. Nandito tayo ngayon upang masaksihan-----"
" Hoy Kean.. Ang sabi namin surprised para sa kanila bakit kami ata masusurprise sa ginagawa mo... parang ikakasal mo kami"
Toink!
Binatukan lang nila ako. Hindi ko alam kung sino gumawa nun saakin pero natatandaan ko ang bigat ng kamay niya kaya humanda yun.
" Makinig ka nalang Uno.... Ngayon bibigyan namin kayo ng isang challenge para makilala niyo ang kabiyak niyo... Kahit nakapiring kayo dapat alam niyo at kung sino sakanila ang asawa niyo nagkakaintindigmhan ba tayo?" Kean
BINABASA MO ANG
I fell inlove To Miss Talkative (Uno's. Story)
RomanceBunganga nalang niya naririnig sa school pati ba naman sa puso ko siya din sinisigaw nito? AKO si JUNO APOLLO GRAZRER a.k.a Uno the Great.