chapter 5

6 1 0
                                    

NAGISING siya sa mahinang katok sa pinto. Nakatulog na pala ako kagabi. Nang tignan niya ang kanyang relong pambisig ay nagulat pa siya nang makitang alas- nuebe na pala.

Agad niyang tinungo ang pinto upang buksan ito. Katulong na nga pala ako sa bahay na iyon mula ngayon. Napangiwi siya.

“Naku pasensiya na po Aling Mameng tinanghali ako ng gising.” Bungad niya rito.

“Ayos lang iha alam ko naman na pagod ka.”

“Pasensiya na po talaga.”

“Halika na at ng makakain ka na ng agahan.”

“ Mag-aayos lang po ako ng sarili ko, susunod nalang po ako sa baba.”

“O siya sige. Nasa kusina lang ako. Sumunod ka nalang.” Wika nito at tumalikod na at tinungo anag hagdan.

Napabuntong hininga siya. “Ano ba ‘tong pinasok ko?” tanong niya sa sarili. Mabilis niyang inayos ang kanyang higaan. May sariling banyo ang ibinigay sa kanyang silid kaya naligo muna siya at ng ayos na ang kanyang sarili ay bumaba na siya.

“Halika na at kumain.” Wika ni Aling mameng sa kanya ng makita siyang papasok sa kusina. Ipinaghain pa siya n ito.

“Naku hindi niyo naman po kailangan gawin iyan ako na po ang bahala sa sarili ko.”

“Naku hayaan mo na kumain ka nalang riyan at marami akong ituturo sa iyo mamaya.”

“Kayo po hindi po ba kayo kakain?” tanong niya rito.

“Tapos na ako iha. Sabay kaming kumain ni Keach kanina.” Umupo ito sa silyang katapat niya.

Napapahiyang nagyoko siya ng ulo at nagsimulang sumubo. “Nakaalis na po ba si kuya Keach”?  tanong niya sa pagitan ng pagnguya. Nailang man ay kailangan niyang tawaging kuya si Keach o mas dapat ay sir ang ang itawag niya rito.

“Maagang umaalis ‘yon ng bahay alas siyete palang ay umaalis na ‘yon dito.”

Tumango nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Matapos kumain ay nagsimula na siyang sabihan  ni Aling Mameng ng mga dapat niyang gawin. Madali lang naman ang kanyang gagawin dahil marunong naman siya sa mga gawaing bahay. Hindi na siya kailangang turuan at naipagpasalamat niyang tinuruan siya ng kanyang ina ng mga gawaing bahay kahit na may katulong sila. Hindi rin siya mahihirapan dahil katuwang niya ito sa lahat ng gawain.

Isa lang ang ipinagbilin nito, ito na raw ang maglilinis sa silid ng kanilang amo.

Sayang naman naisip niya. Pero pasasaan ba’t makakapasok rin siya sa silid nito. Sana nga siya ‘yong Keach na minahal ko piping dasal niya.

Nagsimula na siyang maglinis sa sala samantalang ito ay sa kusina naglinis.

Wala naman talagang masyadong lilinisan dahil malinis naman ang buong kabahayan, konteng walis lang ay ayos na kaya ipinagtataka niya kung bakit pa nito kailangan ng makakasama.

Siya na rin ang sumagot sa tanong niya. marahil ay naghahanap ito ng makakausap. Ikaw ba naman ang mag-isa sa napakaling bahay at walang makausap. Kung siya siguro ay nababaliw na siya.

Nang matapos siya sa paglilinis ay nagpaalam siya sa matanda na pupunta muna siya sa swing. “Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan kayo.” Wika niya bago nagtungo sa swing.

“I like this place” bulong niya sa sarili. Ito pala ‘yong paburitong tambayan niya dagdag pa ng isip niya.

Nasa gilid lang ito ng pool at nalililiman ng puno ng mangga. Mula rito ay may matatanaw na naggagandahan at makukulay na mga bulaklak.

My Love, My Love TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon