chapter 7

6 0 0
                                    

DALAWANG linggo na siya sang 'nagta-trabaho' sa bahay ni Keach ngunit kibuin dili siya nito. Parang hindi siya nag-e-exist kahit nasa harapan siya nito. Tuwing makakasulubong niya ito o ngingitian niya ay tango lang ang isinusukli nito.

Naiinis na siya. Gusto naniyang magpakilala rito ngunit nangangamba siyang baka hindi na siya nito maalala. Maghahanap muna siya ng tamang pagkakataon.

Hindi siya makatulog kaya nagpasya siyang lumabas ng bahay . Nagsindi siya ng sigarilyo at dumeretso siya sa swing. Huli na ng mapansin niyang may tao pala roon. At dahil nakita na rin siya nito ay lakas loob siyang lumapit. It was Keach.

"Can I join?"

"Sure" pagpapaunlak nito "Bakit Gising ka pa?" tanong nito.

Nagkibit balikat siya "Hindi ako makatulog."

"You smoke" mas komento ito kaysa tanong.

"Yes." Inalok niya ito at laking gulat niya ng inabot nito ang pakete ng sigarilyong inaabot niya rito. Kumuha ito at sinindihan.

Marunong ang loko.

"Since when did you start to smoke?" tanong nito matapos humit-hit sa sigarilyo.

"Since my first love left me" tinitigan niya ito. "I was fourteen back then."

Ang paninigarilyo ang hindi niya nahinto sa lahat ng mga bisyo niya, ang pag-inom naman ay ginagawa naman niya tuwing may okasyon nalang.

Napakunot noo ito "How old are you now?"

"Tweenty two," humit-hit siya "You, when did you start to smoke?" tanong niya sa pagitan ng pagbuga ng usok.

"Since Ellaine left," mapait na sagot nito.

Parang tinusok ng karayom ang dibdib niya. Si Ellaine pa rin ba hanggang ngayon? Nais niyang itanong ngunit hindi pa nito p'wedeng malaman kung sino siya, hindi pa siya sigurado.

"How's Ellaine?" iyon ang nanulas sa labi niya.

"I don't want to talk about her," itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa gilid ng swing at tumayo na. " You better sleep now young lady," tinalikuran na siya nito ngunit nakakailang hakbang palang ito ay muling humarap. "I don't want to see you smoking again," nasa boses nito ang awtoridad at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng bahay.

Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago sumunod dito.

Sungit talaga no'n naibulong pa niya sas sarili bago tuluyang pumasok sa kanyang silid.

KATATAPOS lang ng luncheon meting niya with Mr. Hirigawa. Isa itong Filipino-Japanese na gustong kumuha sa kompanya niya ng tela upang dalhin sa Japan. Matapos pirmahan ng papeles ay naghiwalay na ang dalawa.

Tinatamad na siyang bumalik sa upisina kaya nagpasya na siyang umuwi nalang. Dumaan muna siya sa isang outlet ng red ribbon at bumili ng cake. Black forest ang kinuha niya, it was Kim's favorite naisip niya. Kumusta na kaya siya?

Matapos bumili ng cake ay dumeretso na siya sa bahay. Bumaba siya at pumasok sa gate, mamaya na niya ilalagay sa garahe ang kanyang kotse.

May naulinigan siyang kumakanta sa may kusina. He was so sure it was Kennerly who is singing.

Dahil mahal, mahal na mahal kita.Hindi ako matatakot, mahihiya.Ano man ang sabihin nila

He was stunned.

Dahil mahal kita...

'Yon ang kantang kinanta sa kanya ni Kim when he requested her to sing.

Gagawin ko ang lahat pangako mo lang di ako iiwan. Dahil mahal, mahal na mahal kita.

My Love, My Love TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon