“Labas naman tayo.” Paglalambing niya kay Keach ng hapong iyon. Tinawagan niya ito gamit ang telepono sa bahay dahil hindi pa nito alam na may cellphone siya.
“Mag-oover time ako ngayon Ken bukas nalang.”
“Gano’n ba?” nanlumo siya sa sagot nito.
“Bukas nalang ha? Babawi ako promise.” Pang-aalo nito sa kanya.
“Oo sige bukas nalang.”
“And huwag mo na akong hintayin kasi baka gabihin ako. I-lock mo nalang ang pinto may susi naman ako.”
Lalo siyang nanlumo sa sinabi nito. mukang nararanasan nanaman niya ang naranasan noon. Palagi nanaman itong busy nang mga nakalipas na araw. Pero pilit niya itong inuunawa.
Nang sumapit ang alas-singko ay nagpasya siyang lumabas ng bahay upang pumunta sa mall dahil naiinip siya. Nang madaanan ang isang sasakyang nasa garahe ay napangiti siya, gagamitin niya iyon.
Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang susi nito maging ang kanyang drivers license.
Nang makarating sa mall ay nag-ikut-ikot siya at namili ng ilang personal na gamit.
Nang mapagod ay nagpasya siyang bumili nalang ng pagkain at dadaan siya sa opisina ni Keach upang sabay silang kumain. Napangiti siya sa naisip. Genius ka talaga Ken.
Naisama na siyang minsan doon ni Keack kaya madali nalang niyang mapupuntahan iyon.
Pakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho ngunit ilang metro palang ang layo nito sa opisina ay namataan niyang paalis doon ang kotseng gamit ni Keach.
Saan ‘yon pupunta? Akala ko ba over time? Sinundan niya ito ngunit naglaan ng sapat na distansya para hindi siya nito mapansin. Baka uuwi na, buti nalang bumili ako ng pagkain kung hindi wala kaming kakainin.
Ngunit nagtaka siya ng kabigin nito pakaliwa ang sasakyan. Hindi naman ito ang daan pauwi ah?”
Dahil sa kuryusidad ay sinundan pa rin niya ito hanggang sa makarating ito sa tapat ng isang bar. Bigla siyang kinutuban ng mabasa ang pangalan ng naturang bar, ELLAINE’s PLACE.
Ilang minuto muna ang lumipas ng mapagpasyahan niyang sundan ito sa loob ngunit hindi siya magpapakita rito.
Agad na kumirot ang kanyang dibdib ng mahagip ng kanyang mga mata ang mga ito. Nakaakbay ito kay Ellaine at nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nito.
Masamang-masama ang kanyang loob kaya nagpasya siyang umupo sa isang sulok kung saan hindi siya mapapansin ngunit makikita niya ang bawat kilos ng mga ito at umorder ng kanyang iinumin.
Akala ko ba over time! At may paakbay-akbay pa!
Maya-maya ay tumayo ang mga ito at tumungo sa dance floor at sumayaw na lalong ikinangit-ngit ng kanyang kalooban.
At bakit nga ba hindi, napakasweet ng mga ito at halos magkayakap na dahil malumanay ang tugtuging pumapailanlang.
Bakit ko pa ito kailangang makita?
Napapikit siya ng makitang nagtagpo ang mga labi ng mga ito at agad na naglandas ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
Sila na ba uli? Paano naman ako?
Samantala, si Keach ay nabigla at hindi kaagad nakakilos sa ginawang iyon ni Ellaine.
“I still love you Keach,” wika nito ng bitiwan ang kanyang mga labi.
Napabuntong hininga siya. “You’re drank Ellaine.”
“No I’m not,” umiling pa ito.
“May asawa ka na Ellaine at best friend ko pa.”