NANG dumating ang hapunan ay magkakasabay silang kumain. Nakakailang man ang katahimikang namamayani sa komedor ay walang magawa si Kenerly.
"Saan ka sa Baguio nakatira?" basag ni Aling Mameng sa katahimikan.
Tiningnan muna niya si Keach bago sumagot. "Actually po sa Benguet po kami." Umaasa siyang may maalala ito sa naturang lugar but to her dismay blangko ang eksrpesyon nito at mukang wala itong pakialam sa presensiya niya.
"Maganda ba sa Baguio?" si Aling Mameng uli.
"Opo, marami pong puwedeng pasyalan."
"Sana makapasyal ako roon bago man lang ako mamatay."
"Hayaan ho ninyo ipapasyal ko kayo don 'pag nakaro'n ako ng time." sabat ni Keach sa pagitan ng panguya. "Saka matagal pa kayo mamatay yaya."
Marunong din naman pala magsalita
"Pangako 'yan ha?"
Tango lang ang isinagot nito. " Siya nga po pala, 'di ba ngayon dapat ang dating nong kinukuha nating makakasama niyo rito sa bahay?"
"Tumawag iyong nanay nong bata, hindi na raw siya tutuloy dito dahil mag-aaral daw siya sa Maynila ngayong pasukan." May pag-aalala sa boses nito.
"Pa'no ho 'yan ngayon."
"Katulong po ba ang hinahanap niyo?" sabat ni Kenerly sa usapan ng dalawa.
Sabay na tumango ang dalawa. May munting bumbilyang umilaw sa kanyang isip.
"Pwede po bang ako nalang ang kunin niyo?"
Nagkatinginan ang dalawa. Gulat ang mababakas sa mukha ng mga 'to
Si Aling Mameng ang unang nakabawi sa pagkabigla. "Sigurado ka iha?"
"Opo. Maghahanap rin po talaga ako ng trabaho pag-uwi ko sa amin."
"Pero hindi bagay sa'yo ang maging kasambahay. Isa kang nurse di'ba?
"Okey lang ho." Tiningnan niya si Keach. "Sanay ho ako sa gawaing bahay."
"Ano sa tingin mo Keach?" baling nito sa lalake.
"Kayo ho ang bahala tutal kayo naman ho ang laging makakasama niya." Pormal na saad nito.
Yes thank God. I have now the chance to know him better. Thank to her mother dahil pinalaki siyang hindi tamad at marunong sa gawaing bahay.
"Sige iha bukas ay tuturuan kita kung ano ang mga dapat mong gawin.
"Sige po, maraming salamat."
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo na sa silid nito si Keach, siya naman ay tinulungan si Aling Mameng na magligpit ng pinagkainan nila.
Nang masigurong ayos na ang kusina ay dumiretso na rin siya sa silid na inilaan sa kanya. Sa kabila ng pagod na nararamdaman ay naging mailap ang antok sa kanya.
Hindi niya maiwasang gunitain ang alaala ng kahapon.
Summer vacation noon ng magbakasyon si Kenerly sa bahay ng tito niya sa Maynila. She was just fourteen back then. Dahil walang magawa ang magpinsang Kennerly at Clarence ay napagdiskitahan nila ang cellphone.
"I-text mo itong number na 'to." Mungkahi ni Clarence sa kanya.
Kinuha niya ang notebook na hawak nito at tiningnan ang tinutukoy nito. Norman ang nakalagay na pangalan.
"Sino naman 'to?" tanong niya.
"Hindi ko alam i-text mo nalang."
Sinunod niya ito. "Hi can u be my frend?" ang tinipa mensahe at isinend sa naturang numero. Makalipas ang limang minuto ay saka palang sila nakatanggap ng reply mula rito.