chapter 10

2 0 0
                                    

“Hi guys, how are you?” lahat ay napako ang tingin sa bagong dating na babae. Matangkad at maganda ito at puwedeng sabihing modelo sa ayos palang at pananamit.

“Bakit parang nakakita kayo ng multo?” tanong nito. “Happy birthday Elisa,” nilapitan nito ang huli at hinalikan sa pisngi. Ibinigay rin nito ang paper bag na hawak.

“Kailan ka pa bumalik Ellaine?” si Elisa.

“Kahapon lang friend,” bumaling ito kay Keach. “How are you Keach?” mababasa sa mga mata nito ang kasabikan sa muling pagkikita nila ng lalake.

Lahat ay napako ang tingin kay Keach at inaabangan ang magiging reaksiyon nito.

Siya pala si Ellaine, maganda siya. May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib dahil kababakasan ng hinanakit ang mga mata ni Keach ng titigan niya ito. Siya pa rin kaya hanggang ngayon?

“After what you did?  What do you think?” balik tanong nito sa babae.

Tumabi ito ng upo sa lalake. “Guys can you Live us for a while?”

Unti-unti namang nagsi-alisan ang mga ito at nang akma siyang tatayo upang sumunod sa mga ito ay pinigilan siya ni Keach.

 “You don’t need to go Ken.”

Tinitigan niya ito at nasa mga mata nito ang pakikiusap.

“Anyway I would like you to meet my girl friend, Kennerly. Love this is Ellaine.” Bahagya pa nitong pinisil ang kamay niya na hawak nito na wari bang gustong ipahiwatig na sakyan nalang niya ang mga sasabihin nito.

“Hi,” kiming bati n’ya  rito ngunit irap lang ang isinagot nito sa kanya. Sungit naman nito.

“I’m sorry Keach,” baling nito sa lalake “Alam ko nasaktan kita ng husto sorry talaga.”

“Magal na kitang napatawad Ellaine,” malamig na sagot ni Keach.

Napayakap ito kay Keach, “Talaga?” nagniningning sa katuwaan ang mga mata nito. “Thank you Keach.”

Tahimik lang siyang nakamasid sa mga ito. Gustong-gusto na niyang baklasin ang pagkakayakap nito kay Keach dahil nagseselos na talaga siya.

Narinig ba nito ang sinabi ni Keach na girlfriend siya nito? Bakit kung makayakap ito sa kanyang mahal ay parang wala siya sa tabi ng mga ito.  At ang herodes bakit pa siya pinakilalang girl friend nito gayong muka namang gustong-gusto nitong niyayakap ng babae. Bago pa siya tuluyang mainis ay hinila na niya ang kanyang kamay na hawak pa rin nito at lumabas ng bahay. Sarap pag-untugin.

Dumiretso na siya sa kotse at doon nalang niya hihintayin ito. Doon na rin niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong umalpas sa kanyang mga mata.

Bakit ganoon? Bakit parang mahal pa rin niya si Ellaine? Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya pinatawad pa rin niya ito? Pa’no naman ako?

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kaya nagulat pa siya ng bigla nalang bumukas ang pinto sa may driver seat at lumulan ito. Huli na para punasan ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya dahil nakita na nito ang mga ‘yon.

“You’re crying,” pinunasan nito ang mga luha niya gamit ang daliri nito. “Why?”

“Wala,” pagkakaila niya. “Gusto ko ng umuwi masakit ang ulo ko.” Ipinikit niya ang kanyang mata upang hindi na ito mag-usisa pa.

Tahimik na pinaandar nito ang sasakyan ngunit wala pang kinse minutos ang nalalakbay nila ay muli itong huminto at pinatay ang makina.

Nagdilat siya ng mga mata “Bakit may problema ba?” tanong niya rito.

My Love, My Love TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon