Wala siyang kasama ngayon sa bahay kaya inabala niya ang sarili sa mga gawing bahay. Nang matapos siya ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto at nagbabad sa banyo. Nang makapag-ayos na siya ng sarili ay humiga siya sa kanyang kama at ang balak ay umidlip muna ngunit napabalikwas siya ng bangon ng maalalang hindi pa nga pala niya natatawagan ang kanyang mga magulang.
Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang kabinet. Sadya niyang itinago iyon upang hindi makita ng mga kasama niya sa bahay. “Gano’n na ba ako nawili sa bahay na ito at nakalimutan kong tawagan ang mga magulang ko?” tiyak ay nag-aalala na ang mga ito, tatlong linggo na siyang nasa Batangas pero hindi pa niya tinatawagan o tini-text man lang ang mga ito.
Tinawagan niya ang kanyang ina. Nakailang ring muna ito bago may sumagot sa kabilang linya.
“Bakit ngayon ka lang tumawag nag-aalala na kami sa’yo,” bungad ng kanyang ina.
“Ma I’m sorry nalibang lang ako dito,”
“Nasaan ka ba ngayon at bakit nakapatay palagi ang telepono mo, masyado mo kaming pinag-alala.”
“Nandito po ako ngayon sa Batangas.”
“Ano?” napalakas ang boses nito “ano ang ginagawa mo d’yan ang paalam mo ay sa Maynila ka lang pupunta?”
Matapos niyang makuha ang result ng kanyang board exam ay nagpaalam siya na magbabakasyon sa bahay ng kanyang kaibigan sa Maynila. Agad naman siyang pinayagan dahil may tiwala naman ang mga n’ya sa kanya at ayon pa sa kanila ay nasa tamang edad na siya at alam na niya ang tama at mali. Basta ma-iingat lang siya.
Hindi na rin siya nagpahanda ng malaman nilang nakapasa siya, hiningi nalang niya ang perang panghanda at ‘yon ang dala niyang lumuwas ng mMaynila.
Hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang na pupunta siya ng Batangas para magsoul searching dahil tiyak na hindi siya papayagan lalo pa at wala silang kamag-anak o kakilala sa lugar.
“Nagta-trabaho ako dito ma. Nag-aalaga ako ng matanda,” pagsisinungaling niya “don’t worry I’m safe.”
“Sigurado ka?” pangungulit pa nito.
“Yes ma. I have to go tell papa I’m safe okey. I love you.” Pinutol na niya ang linya dahil ayaw na niyang madag-dagan ang kasinungalingan niya at kilala niya ang kanyang mama tiyak na mauuwi ang usapan nila sa pagpapauwi sa kanya ng wala sa oras. I made it for good intention bulong niya sa sarili.
Muli siyang nahiga at maya-maya pa ay nakatulog na siya. Napasarap ang tulog niya kaya nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng magising siya. Napabalikwas siya ng bangon ng maalalang kailangan pala niyang magluto dahil wala si Aling Mameng.
Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silild. Nakahinga siya ng ,aluwag ng makitang madilim pa rin ang kabahayan, senyales na hindi pa dumarating si Keach. May oras pa siya para makapagluto.
Agad siyang nagsaing sa rice cooker at naglabas ng karne sa ref. tinuruan din siya ng kanyang ina na magluto ng ilang putahe kaya nakakapagluto siya kahit papaano.
“Bakit kaya wala pa si Keach?” siya na ri ang sumagot sa sariling tanong, “siguro nag-over time.”
Magsisinigang na baboy nalang siya para madaling maluto. Matapos isalang ang karne sa kalan ay nagsimula na siyang maghiwa ng mga isasahog.
Napangiti siya, umaandar nanaman ang kanyang imahinasyon. Kunwari asawa ko si Keach at ipinagluluto ko siya, pinagsisilbihan. ‘Yan ang role ko ngayong wala si Aling Mameng at muli ay matamis siyang ngumiti.
Noong bata pa siya ay pinangarap niyang mapagsilbihan ang lalake at ngayon ay nabigyan siya ng pagkakataong matupad ito.
Alas-seyete na ng matapos siyang magluto. Inihanda na rin niya ang mesa para pagdating nito ay kakain nalang sila. Nanood muna siya ng TV habang hinihintay ito ngunit lumipas ang isang oras ay hindi pa rin ito dumarating, naghintay pa rin siya.