NAGING matamlay siya nang mga sumunod na araw. Hindi na uli nagparamdam sa kanya si Keach.
Ganito pala magmahal sa una lang maligaya, sa una lang masaya, sa una lang masarap. Lahat nang saya, ligaya at sarap ay may kapalit na sakit at walang tigil na pagluha, naisip tuloy niya bakit pa niya nakilala si Keach kung masasaktan lang din naman siya.
Isang buwan ang matuling lumipas. Tinext niya si Keach upang kumustahin. Kahit naman hindi ito nagti-text sa kanya ay patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng mga message dito. Tutal ay boyfriend pa rin naman niya ito. Hindi naman sila nagbreak kahit hindi sila nagkakaunawaan ng huli silang magkita.
She was so happy when she receive a text at number nito ang nakaflash sa screen ng CP niya. But to her dismay simleng “hu u” ang reply nito sa kanya.
Nasaktan siya. Akala ba niya hindi ito mababaw magmahal pero bakit ngayon parang kinalimutan na siya nito.
“Keach c Kim 2.” Reply niya rito.
Nagsisisi siya ng husto sa mga sinabi niya rito nang huli silang mag-usap. Did he consider it as their break up? Napahikbi siya.
Kung nasaktan siya kanina ay mas nasaktan siya ngayon sa reply nito. “TGILAN MO N C KEACH. WAG K NG MGTTXT SKNYA ULI DHIL MY ASAWA N SYNG TAO!”
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha niya. Ang paghikbi ay naging hagulhol. Parang dinudurong ang puso niya. Bakit siya niluko ni Keach? May asawa na pala ito pero bakit siya nito pinaibig?
Malinaw na ang lahat sa kanya. Sa simula lang siya binibigyang pansin nito pero nang sagutin na niya ay unti-unting nawalan na ito ng oras sa kanya ‘yon pala ay dahil may asaswa na ito.Marahil ang tumatakas lang ito kapagtinatawagan o tini-text siya. Marahil ay asawa niya ang nakatext niya ngayon. Nanliit siya sa sarili.
Binato niya ang kanyang cellphone at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad. Umiyak siya ng umiyak. Daig pa niya ang namatayan sa dami ng iniluha niya. Nakatulog na siya sa kaiiyak ngunit ng magising siya kinaumagahan ay mahal pa rin niya ito. Nasaktan siya ngunit hindi nabawasan ang pagmamahal niya rito.
Makalipas ang isang linggo ay muli siyang nakatanggap ng text mula kay Keach. “Hi luv, I mis u so much. Maglo2d lng me den il call u.”
Natuwa siya dahil makakausap na uli niya ang mahal niya ngunit dagli itong napalis ng maalala niyang may asawa na nga pala ito. Parang kinurot ng pinong pino ang puso niya. Ano pa ba ang gusto nito? Bakit hindi pa siya nito tigilan gayong may asawa na pala ito?
Nang tumunog ang telepono niya ay agad niya itong sinagot ngunit hindi siya nagsalita.
“How are you Kim?” tanong nito.
“’Eto buhay pa rin” malamig na tugon niya na ipinagtaka naman nito.
“Is there any problem?”
“Sa tingin mo Keach may problema ba ‘ko?” sarcastic is in her voice.
“You tell me Kim.”
“Damn you! Bakit mo ba ako sinasaktan? Ano bang nagawa ko sa’yo para ganituhin mo ako?” umiiyak nanaman siya.
“Don’t damn you me Kim.” Mariing wika nito “Wala akong ginagawa to deserve that word. Whats your problem?”
“Ikaw, ikaw ang problema ko!” napataas na ang boses niya. “Ano bang kasalanan ko sa’yo? Bakit mo ‘ko ginaganito? Bakit mo ako niloloko? I hate you!” tuloy-tuloy siya sa paghagulgol. Kulang ang salitang nasasaktan siya para matukoy ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon.
“What do you mean bakit kita niloloko?” mababakas ang inis sa boses nito.
“Huwag ka na ngang magmaang-maangan Keach. Alam ko na lahat, may asawa ka na pala. Bakit kailangan mong gawin sa ‘kin ‘to?”