MABILIS lumipas ang mga araw. At lumalalim ang pagkakaibigan nilang dalawa.
“Have you tried to falling inlove?” tanong ni Keach sa kanya.
Naghahanda na sila ng pinsan niya para matulog ng tumawag ito.
Natawa siya “Tumawag ka sa ‘kin para tanungin lang ‘yan?
“Actually yes.” Pabuntong hiningang sagot nito.
“Hindi pa eh. Bata pa ko para d’yan.” Nagtataka man ay sinagot din niya ang tanong nito. “Bakit mo natanong.”
“Wala lang. Alam mo bang inlove ako ngayon.?
“Talaga?” disappointment she feel for her self yet happy for him. “Ibig sabihin niyan eh nakapag-move on ka na sa ginawa sayo ng dati mong girlfriend.”
“Maybe” maikling sagot nito.
“Congrats. Siya ba ‘yong sinasabi mong idi-date mo?”
“Oo Kim siya nga.” Bumuntong hininga ito. “Kaya lang hindi ko pa siya nakikita eh.”
Napakunot noo siya.”Pardon?”
Muli itong bumuntong hininga. “I said I’m inlove to a girl whom I didn’t seen yet.”
Lalo siyang napakunot noo. “How come?” tanong niya. “Posible ba ‘yon?”
“Maybe. I only have her picture.”
Lalong nadagdagan ang disappointment na nararamdaman niya. Ibig sabihin hindi sa kanya inlove ito dahil wala naman siyang picture dito. Painting meron.“Oh ‘di ligawan mo na?”
“Yes I will but first thing first.”
“Ha?”
“Matulog ka na and don’t forget to drink your milk para lumaki ka na.”
Natatawang nagpaalam na siya rito.
“Anong sabi?” tanong kagad sa kanya ni Clarence sa kanya.
“Inlove raw siya.” Simpleng sagot niya.
“Talaga? Kanino raw?” pangungulit nito.
“Hindi sinabi eh and as if naman kahit sinabi niya ang name eh hindi naman natin kilala.”
“Oo nga naman.” Tumalikod na ito sa kanya.
“Pero sabi niya inlove raw siya sa Babaeng hindi niya pa nakikita. May picture lang daw siya nito.”
Napabangon ito at humarap sa kanya ng upo. “Hindi kaya ikaw ‘yong tinutukot niya?”
“Isa ka din, ang weird niyo naman pareho kayo ni Keach.” Hinampas niya ito ng unan.
“Kasi tignan mo ha, hindi pa naman kayo nagkkita ‘di ba?”
“Eh wala naman akong picture sa kanya ‘no.”
“’Di ba pi-naint ka niya no’n? baka ‘yon ang sinasabi niyang picture?”
Kinabahan siya. Paano nga kaya kung siya ang tinutukoy nito? “Matulog ka na nga.” Tinalikuran na niya ito.
Kinulit pa siya nito ngunit hindi na niya ito pinansin hanggang sa kusa na itong sumuko. Abala ang isip niya sa sinabi ni Keach at ng pinsan n iya.
May point ang huli, pa’no nga kaya kung siya ang tinutukoy nito? Handa ba siyang mawala ang friendship na nabuo sa pagitan nila?
LUMIPAS ang tatlong araw mula ng huling tumawag sa kanya si Keach. Hindi pa inaantok ang magpinsan kaya naglaro muna sila ng scrabble. Nasa kalagitnaan sila ng paglalaro ng makatanggap siya ng text mula kay Keach.