“I love you Ken please listen to me,” pakiusap nito.
Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ito sa mga mata. “Pardon?”
“Mahal na mahal kita Kennerly,” ulit nito.
Totoo ba itong naririnig niya? Mahal din siya nito? pero ano ang ibig sabihin ng mga nakita niya kanina?
“Pero nakita ko kayo kanina—
“Hinalikan niya ako kanina,” putol nito sa iba pang sasabihin niya. “Pero hindi ako ang nanghalik.”
“Pero pumayag ka! Dalawang beses pa,” muli nakaramdam siya ng pinong kirot sa dibdib.
“Hindi ko alam na gagawin niya iyon. Pumayag akong sumayaw kami pero bigla niya akong hinalikan at nabigla ako.” Napabuntong hininga ito. “Nakikipagbalikan siya sa akin kanina pero right there and then I realize something,” hinawakan nito ang kanyang mukha at dinampian ng halik ang kanyang labi. “Mahal na kita or maybe matagal ko ng alam iyon pero hindi ko lang magawang aminin sa sarili ko.”
Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito kaya agad naniwala ang puso niya.
“Humiling siya na kong pwede ay halikan niya ako sa huling pagkakataon” dagdag pa nito. “yon ang pangalawa’t huling nakita mo na hinalikan niya ako. Pagkatapos n’on ay nagpahatid na siya. Please Ken believe me hindi ko na siya mahal.”
Para siyang nakalutang nang mga sandaling ‘yon. Mahal din siya ng lalaking kay tagal na niyang pinangarap makasama habang buhay.
Naglapat ang kanilang mga labi wari’y sabik sa isa’t isa. Naghiwalay lang iyon ng kapusin na sila pareho ng hininga.
“Mahal na mahal kita Keach mula noon hanggang ngayon.” Namalisbis ang kanyang mga luha ngunit sa pagkakataong iyon ay luha na ng kaligayahan.
‘Eto na siguro ang tamang pagkakataon para sabihin niya rito ang lahat.
“Fourteen years old palang ako n’ong una kitang mahalin.” Napasigok siya.
“What do you mean?” bakas sa anyo nito ang pagkalito.
“A-ako si Kimberly. Kimberly Torres. ‘Yong girlfriend mo dati.” Paliwanag niya
Talagang nabigla siya sa sinabi nito. Kanina lang ay sinabi niya sa sariling kalilimutan na ito ngunit ngayon ang babaeng handa na niyang kalimutan at ang babaeng handa na niyang mahalin habang-buhay ay iisa?
“Umalis ka nang araw na ‘yon. Sabi mo tatawag ka bago ang flight mo pero hindi mo ginawa.” Nasa boses nito ang hinanakit.
Naalala niyang hindi talaga niya ito tinawagan noon kahit gustong-gusto niyang gawin dahil alam niyang iiyak lang ito at pipigilan siya.
“Naghintay ako pero buwan na ang lumipas wala pa rin akong natatanggap na tawag o sulat gaya ng pangako mo.”
Niyakap niya ito. Ramdam niya ang hirap at sakit na naranasan nito dahil ganoon din naman ang naranasan niya. “I’m sorry it was my fault.”
“Lagi akong tumatawag at nagte-text sa dati mong number pero lagi nilang sinasabi na hindi ka nila kilala. Minsan pa sinasabi nilang may asawa ka na.” yumugyog ang balikat nito. “Ang sakit-sakit.”
Lalo niyang hinigpitan ang yakap nito upang kahit papaano ay mapawi ang nararamdaman nito. “I’m so sorry love I didn’t know.”
Nang bumalik siya sa Pilipinas ay tinanong niya ang pinsan na siyang pinag-iwanan ng kanyang dating numero kung tumatawag ba ito sa kanya ay hindi ang isinagot sa kanya.