NAMANGHA si Kennerly sa mall na pinasukan nila dahil sa gitna nito ay may malaking fountain na napapalibutan ng iba’t ibang kulay ng ilaw. Ngayon lang siya nakakita ng mall na may fountain sa loob.
“Dito ako nagpapalipas ng oras kapag wala akong ginagawa at gusto kong magliwaliw,” narinig niyang sabi ni Keach mula sa kanyang likuran.
“Bakit may fountain dito sa loob?” hindi iya maiwasang itanong, talagang nagagandahan siya dito wala siyang pakialam kung sabihan siyang ignorante ng mga nakakarinig sa kanya.
“Sa pagkakaalam ko isa ‘yang trade mark dahil lahat ng Robinson na napasukan ko ay may Fountain sa loob,” inakbayan siya nito at iginiya sa scalator .
Para siyang robot habang naglalakad, nakaramdam siya ng tila kuryenteng nanulay sa kanyang buong katawan dahil sa pag-akbay nito sa kanya. Dinig na dinig din niya ang mabilis na tibok ng puso niya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata, kay tagal na niyang pinangarap ang eksenang tulad nito. When can I call you mine again Keach? Tanong ng puso niya.
“Are you okey?”
Napamulat siya at napapahiyang yumuko. Nag-init ang kanyang pisngi, “Yes I’m fine.”
Dinala siya nito sa boutique na kung saan punong-puno ng mga teddy bear at ibang staff toys. Tinanggal nito ang pagkakaakbay sa kanya at hinayaan siyang makapaglibot.
Sa pag-iikot niya ay may isang teddy bear na nakaagaw sa pansin niya. May kalakihan at kulay light brown ito, meron ding ribbon ito sa leeg na kulay dark brown naman. May hawak itong hugis puso na animo unan at may nakaprint na I LOVE YOU sa gitna.
Napangiwi siya ng tignan niya ang presyo, three thousand pesos. Ang mahal naman, naisip niya. Hininaplos niya ito at pinisil-pisil.
“Ma’am less thirty percent pa po ‘yan, kunin niyo na,” wika ng sales lady na hindi niya namalayang lumapit sa kanya.
Ngumiti siya sa babae at umiling, “Sorry miss hindi ko afford.” Tinalikuran na niya ito at nilapitan si Keach na nakita niyang nagbabayad ng binili sa may counter.
Matapos abutin ang binili nito ay lumabas na rin sila at naglibot. Ilang mga boutique pa ang pinasok nila at nadiskure niyang kwela rin pala ito at masarap kasama.
Alas-tres na nang magpasya silang magmeryernda muna. Dumiretso sila sa isa sa mga snack house na nasa first floor para makumain. Tig-isang slice ng black forest cake at ice tea ang inorder nito para sa kanila. Magana silang nagkukwentuha habang kumakain. Naroon ang magbitaw ito ng mga jokes, tumatawa ng malakas, napaka-care free nito ng mga sandaling iyon at nasisiyahan siya na nakikita niya ang ganoong side ng pagkatao nito at wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao, what matters to her was they were both happy and they enjoy each others company.
“Excuse,” sabi nito ng tumunog ang cellphone nito. Lumayo ito ng kaunti sa kinauupuan nila bago sinagot ang tawag.
Malaya niyang napagmamasdan ang anyo nito habang nakikipag-usap sa telepono.
Puting collared shirt ang suot nito na nababakat ang mga muscle sa katawan. Nakamaong pants ito at puting rubber shoes ang sapin nito sa paa. Very casual lang ang suot nito pero lumalabas ang kaguwapuhan ito. Mas bagay pala rito ang casual wear kaysa sa business suit na laging suot nito.
“Umiinom ka ba?” tanong nito ng bumalik sa kanilang mesa.
“Nang tubig? Oo naman bakit?”
“Silly, I mean umiinom ka ba ng alak?”
Natawa siya, “Oo naman, sa’n ka ba naman nakakita ng taong naninigarilyo pero hindi umiinom?”
“Malay ko ba kung ikaw ang una kong makikitang gano’n.” nangingiting sagot nito.