THIRD PERSON POV
ISANG malutong na sampal nanaman ang ibinigay ni Hari ng Dark Kingdom na si King Hallious Demon Greefen.
"WALANG KWENTA!" huling sabi ng Hari bago lumabas sa silid na pinag lagyan nila kay Allisha o mas kilala sa kanyang bagong mundong kinagagalawan bilang si Princess Sapphire.
Agad na na nag init ang ulo niya dahil sa salitang binitawan ng lalaki. Napaisip tuloy siya na sa mga ito nalang niya ibabaling ang inis sa mga taong nakasalamuha nya nitong mga nakaraang araw. At least kabawan kahit konti.
Kaya pinag masdan niya ang paligid ng silid para makahanap ng pwedeng magamit. Malay ba niya kung may naligaw na sandata o kahit anong pwedeng gamitin na naandoon sa silid.
Ngunit sa kasamaaang palad ay wala siyang nakita.
"T-ng -n-.." pabulong na sabi niya sa sarili.
"Maya, baka gusto mo naman akong tulungan dito!?" mataray na sabi niya ng maramdaman ang presensya ng dyosa ng lahat.
Marahan na tumawa ang dyosa nang mag pakita ito. Ang Dyosang si Maya ay kilala bilang isang seryoso at may dignidad na dyosa siya ang pinaka mataas na antas sa mga katulad niya.
Alam niya ang sekretong mayroon kay Allisha dahil nabanggit ito ng tumatayong Dyosa ng mga Panaginip sa kanya noon.
"Sige lang Maya, tawanan mo lang ako!" naiinis na sabi niya sa Dyosa.
Maswerte si Allisha dahil pormal ang lang usap niya kay Maya dahil kung tutuusin ay Diwata palang siya sa katayuan niya ngayon.
"Allisha, alam mo kahit naman hindi kita tulungan ay magagawa mong makaalis diyan dahil isang royalty ang may-ari ng katawang iyan," malumanay na sabi ng dyosang si Maya.
"I know right and I also know na walang kapangyarihan ang nag mamay-ari ng katawang ito," mataray namang sagot ni Allisha.
"Baka nakakalimutan mong ang may ari lang nang katawan na iyan ang walang kapangyarihan at hindi ka basta-bastang tao lamang dahil apo ka parin ni Malensia," sabi ng Dyosa na nag pagulat sa kanya.
"Paano mo iyon nalaman?" tanong niya sa dyosa ngunit bigla nalang itong nag laho.
Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang kanang kamay ng Hari ng Dark Kingdom na anak din niya.
"Sinong kinakausap mo?" tanong nito.
"May nakikita ka ba?!" sarkastikong sagot niya.
"Siguraduhin mo lang kung hindi ay hindi kana magtatagal sa mundi at gigilitan na kita ng leeg," pag babanta ng binata.
Tama siya! Hindi lang isang ordinaryong babae si Allisha. Dahil siya ay apo ng isang dyosa at sa dugo niya dumadaloy ang pagiging isang makapangharihang nilalang.
Nagulantang ang lalaki ng makita niyang natanggal ang mahika na ginamit pantali sa kanya.
"Anong ginawa mo?" nagugulang tanong ng lalaki.
Hindi siya sumagot at mabilis na lumapit sa lalaki at hinigit ang sandata ng lalaki na nasa baywang nito saka niya ito tinanggalan ng ulo kaya sumirit ang dugo nito at natalsikan pa siya.
"Hinding hindi mo magagawa sa akin ang sinasabi mo," sabi niya saka lumabas ng silid at iniwan ang nakahandusay na lalaking wala nang ulo ngayon.
Sinadya niyang gawin iyon para mabigyan ng warning ng mga kinalaban siya dahil sa pag kidnap sa kanya.
Habang nag lalakad sa halway paalis ay sinusugod din siya ng mga darkens kaya natatagalan siya sa oras dahil sa pakikipag laban.
May mga ginilitan siya ng leeg may binatuhan ng kotsilyo gamit ang sandatang pinanggamit sa kanya ngunit napipigilan niya ito.
Wala na siyang pinapalagpas na Darkens na nadadaanan, kahit nakahandusay na basta humihinga pa ay tinutuluyan na niya isama pa ang nakakakilabot na awra niya ngayon na animo'y isang bangungut na hinding hindi mo gugustuhing makasalubong.
May mga darkens pa na nasunog ng gamitin niya ang kanyang kapangyarihan dahil nga isang dyosa ang lola niya na naipasa sa kanya ang kapangyarihan nito na dito niya lang magagamit sa bagong mundong ginagalawan niya.
Mas marami pa ang darkens na nakalaban niya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng pintuan, hindi ito alam ng Hari ng Dark Kingdom dahil nasa ibang lugar pa ito.
SHINGG~~
BUGSHH~~
"AHHHHH!!"
"WAHHH!"
"HUKK!"
"AHHHHHH!!"
"AHHHHHHHHHH!"
BUGSHH~~
SHINGG~~
Puro tunog ng espada, pagsipa, at pag sigaw ng mga darkens na napapatay niya. Pumunta siya kung saan naroroon ang mga dragon ng Dark Kingdom na natutulog ngunit nagisng ang mga ito at nag simulang mag ingay.
"TAHIMIK!!" sigaw niya kaya natahimik ang mga Dragon na akala mo'y maamong tupa.
Lumapit siya sa dargon na kulay itim na megyo makintab na nag papalabas ng kanyang magandang kulay.
Ito ang pinaka mabangis na dragon sa Mystic World. Na hindi mapapaamo ng kahit na sinong Hari at Reyna ng Kahit anong kingdom dahil siya ay dragon ng Dyosa ng kasakiman at mga dyos, dyosa at ang itinakda lang ang pupwedeng sumakay sa mga katulad niya.
Lumapit siya dito at walang ano anong sinakyan ito.
'Saan mo gustong pumunta kamahalan?' tanong ng dragon gamit ang kanyang isip.
'Dalhin mo ko sa palasyo!' ma awtoridad na sabi niya na medyo nanghihina na dahil sa nangyari.
'Masusunod,' pag sunod ng dragon gamit ang isip saka na lumipad papaalis sa lugar.
NANG makarating siya sa kanilang palasyo ay naka sandal na siya sa likod ng dragon at mahimbing na natutulog. Nakita naman ng mga Knight ng palasyo ang Prinsesa kaya ipinaalam nila ito sa hari.
Dali daling lumabas ang hari ng Cristal Kingdom at ng iba pang kingdom sa Mystic World.
"SAPPHIRE!" tawag ng hari ng makita ang kalagayan ng anak na kalong ng isa sa mga Knight.
"HALLA!"
"O! MY!"
"ANONG NANGYARI?"
"ANG DRAGON!!"
"ANG ITIM NA DRAGON!!"
"BAKIT SIYA NARIYAN?"
Samutsaring pag tataka na sabi ng ibang hari at Reyna. Dinala ng Knight ang walang malay na si Princess Sapphire sa kanyang silid. At ang dragon ng dyosa naman ay umalis nalang ng biglaan.
TAYO NAMAN ay dumako sa pag lalakbay ng mga Royalties para iligtas ang Prinsesang hindi nila alam na naka uwi na pala sa kaharian.
Paglipas ng ilang oras ay narating na ng mga Royalties ang Dark Kingdom. Pag kalapag ng mga dragon ay namataan nila na naka handusay na ang mga Darkes.
'Anong nangyari dito?' tanong ni Prince Axell sa isip.
Nagkatinginan lamang sila dahil sa gulat.
Akala mo kase ay may digmaang naganap sa lugar at puro mga patay ang pumuno sa mga daan.
"Bakit naging ganito na rito?" takang tanong ni Prince Xymon.
"Sino naman kaya ang makakagawa ng ganitong bagay?" tanong ni Princess Mellinne.
"Kung sino man iyon ay magkakasundo kami," sabi naman ni Princess Krisha at ngumisi.
"O MY GOD! Ang daming bloods!!" maarting sabi naman ni Darcy na diring diri sa nakikita.
"Hayaan niyo na ang mga 'yan! Hahanapin na natin si Princess Sapphire," sabi ni Prince Cybee at nauna nang pumasok sa lugar.
Bawat pasilyong kanilang nadadaanan ay hindi nawawalan ng walang buhay na mga Darkers at may mga tilamsik ng mga dugo sa bawat dingding.
"TÉ...RAS" pabulong na sabi ng isang Darkes bago tuluyang malagutan ng hininga.
Translation: Monster
"TÉRAS? NASA'N?" tanong ni Krisha at luminga-linga para hanapin kung nasa'n ang Téras.
"Wala naman akong makita?" sabi ni Xymon at pinag masdan ang paligid.
"Mga Baliw! Halina nga kayo, baka may mangyari pang hindi maganda sa kapatid ko, malilintikan talaga kayo sa'kin!" halos pasigaw na, na sabi ni Cybee.
Tinuloy na nila ang pag lalakad hanggang sa makapunta sila sa silid na sinabi ng sulat na ibinigay sa Hari.
Nag taka pa sila ng makitang nakabukas ang pinto at ng tuluyan nang makarating do'n sa pintuan ay nagulantang sila ng makita ang Prinsipe ng Dark Kingdom.
"O! MY! GODD!" gulat na sabi ni Princess Mellinne at napatakip pa ng bibig.
"SHHTT!" sabi naman ni Prince Lance at napa pikit pa.
"WAHHHH!!!!" sigaw ni Princess Darcy na ngayon ay pinipigilan lang na maluha dahil sa sinapit ng lalaki.
'megálos aderfós!' tawag niya sa lalaki sa kanyang isip.
Pumasok si Prince Axell sa loob ng silid ngunit wala siyang makitang Sapphire.
"WALA SIYA DITO!" sigaw niya sa mga kasama.
"ANO?? PANO NANGYARI 'YON!!?" tanong ni Prince Lance na kanina pa tahimik dahil wala nga daw siya pakealam kay Sapphire.
"Hindi kaya ay may ibang kumuha sa kaniya," tiyorya ni Princess Krisha.
"Kailangan malaman ito agad nila ama!" sabi ni Prince Cybee.
Sumang ayon ang lahat, agad silang bumalik sa kanilang sari-sariling mga dragon at lumipad paalis ng Dark Kingdom.
Ang dating Mystic World ay may tatlong kingdom. Ang Cristal Kingdom kung saan pinamumunuan ito ng mga Maliofe. Ang Dark Kingdom kung saan pinamumunuan ito ng kanilang kalaban na angkan ang mga Greefen. Ang pinaka makapangyarihang kingdom na nawasak daang taon na ang nakakaraan.
Doon din naka tayo ang puno ng buhay na gustong putulin ng mga taga shadow kingdom kaya sila pinarusahan at ang kanilang tinitirhan na ngayon ay nanatiling sarado at protektado ng Dalawa sa pinaka makapangyarihang Dyosa at isa na doon si Maya.

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...