Chapter 8

3.5K 122 4
                                    

SAPPHIRE POV

        NAANDITO na kami ngayon sa cafeteria at hindi ko talaga nagugustuhan ang mga titig ng mga na'n dito sa 'kin.

"Oh bakit?" tanong ni Shirley habang nakain.

"Promise ang creepy nilang lahat," kinikilabutang sabi ko.

"Bigyan mo ng bangungut mamayang gabi, hihi!" bumubungis ngis na sagot ng gaga sa 'kin.

"Kung ikaw kaya mabangungot mamayang gabi?!" banta ko na kinalaki ng mata niya.

"Hehe... Ito naman binibiro lang, sige kain kana dito, oh!" sabi niya at nilalagyan ng pag kain ang plato ko.

"Ano ba kaseng klaseng pagkain 'yan? Feel kong masuka sa itsura palang, tingnan mo oh! Mas kadiri pa yata yan sa pagkain ng baboy eh!" diring diri na sabi ko sa inorder niyang pagkain.

"Haha! Kaya nga ako nag order niyan para masanay ka diba, lalo na sa mga adventure na puro ganiyan lang ang kakainin mo," paliwanag niya.

"I have my own way to make my dishes!" mag mamalaki ko.

"Edi! nawa'y lahat!" sabi pa niya saka bumalik sa pagkain.

"Iwan muna kita rito, kakausapin ko lang si Maya," paalam ko.

"Sige, ikamusta mo na rin ako," pahabol na sabi niya.

Actually hindi talaga Shirley ang name niya eh! Wala lang talaga siyang magagawa dahil inutusan lang siya at ang kaluluwa niya ay sumapi sa isang taong nag ngangalang Shirley. Kung tatanungin nyo ko kung anong realname niya? 'Yon lang ang hindi ko muna masasabi sa ngayon dahil marami pa kaming dapat ayusin dito.

Sabi niya ay nawalan siya ng ala-ala sa dati niyang buhay dahil gano'n naman daw kase talaga kapag namamatay ang mga royalty/ies na gaya niya.

Basta dati rin siyang prinsesa na naging diwata no'ng namatay na habang ako ito mas naging nakakahilo ang ganap sa buhay.

Nang makakita ng magandang pagpup'westuhan ay umupo ako sa gilid ng punong iyon at ipinikit ang mga mata.

    NAGISING ako sa isang kagandang lugar na hindi pamilyar. Maaliwalas ang kapaligiran pero wala ni isang kahit anong bagay naandito.

"Maligayang pagdating sa aking lugar, Allisha!" galing sa isang liwanag nag pakita ang aking hinahanap.

"Bakit ganito dito Maya? masilaw tapos wala manlang kahit anong gamit?" tanong ko.

"Ito kasi ang lugar ko munting Princess," sagot niya sa'kin.

"Eh? Pa'no ako??" tanong ko.

"Ano namang paano ka?" takang sabi niya.

"Saan naman yung lugar ko?" may pagmamaktol kong tanong.

"Mukhang bilog nanaman ang buwan ngayong gabi," nasabi nalang ni Maya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Wala, sige na, makaka alis kana," mahinahong sabi ni Maya.

"Oh sige, aalis na ako, bye! bye!" paaalam ko sa kanya.

The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon