Chapter 27

825 38 2
                                    

SAPPHIRE POV

  Si....

ÁPLISTOS.


Oo, si Áplistos lang naman ang babaeng lukaret na tumatawa-tawa na nakasakay sa pinuno yata ng mga worm.

“Nagagalak akong makita ka, KAMAHALAN,” pag bati niya sa akin ng may diin sa dulo.

“Sorry, we’re not in a same page—hindi ako nagahalak na nakita o kahit makita ka lang,” may lahong pamimilosopong sabi ko naman.

“Tsk, manang-mana ka talaga sa lola mong pilosopa,” sabi nito na lahata namang nangiinis lang.

“Malamang kase lola ko siya—anong gusto mo, sa’yo ako mag mamana? Hah! Edi sana hindi nalang ako ipinanganak,” pag mamaldita ko.

“Ayan ang gusto ko sa’yo eh, masyado kang palaban,” aniya.

“Kesa naman maging duwag na gaya mo,” taas kilay kong sabi.

“Duwag? HAHAHA! Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo kung sino ang nasa harapan mo, ALLISHA.”

“Baka gusto mo ring malaman na WALA AKONG PAKE.”

“ISA KANG WALANG HIYA! MGA KAMPON! SUGURIN SIYA!!” utos nito at nag palabas ng mga anino saka tumugod sa akin, “hanggang sa susunod na pag haharap, Allisha,” paalam pa niya bago bigla nalang nawala.

Siraulo iyon ah? Nakipag trashtalk-an lang sa ‘kin..

Hindi ko na muling inintindi pa si Áplistos at agad nalang na tinapos ang kaniyang mga mahihinang alagad kasama ang mga uod gamit ang bolang apoy at para hindi masunog ang lugar ay nag paulan ako.

Tinungo ko na ang lugar kung saan nag papahinga ang mga lumaban sa mga halimaw na uod.

“KAMAHALAN!” tawag sa akin ng babaeng isa sa mga itinalaga kong hineral.

“Anong meron?” kaswal kong tanong.

“Nagamot na po ang lahat ng may mga sugat at bali, ang iba naman po na nawalan ng malay-tao ay nagising na,” balita nito sa akin.

“Mabuti kung gano’n,” patango-tango kong saad.

“Salamat hong muli, kamahalan,” pasasalaamat nito.

“No, hindi.. hindi pa tapos kailangan kong makaharap ang dalawang pinuno,” ani ko.

“Ipapatawag ko po agad kamahalan,” agad na sagot niya bago nag paalam na aalis.

Umikot lang ang paningin ko sa mga taong naka upo at nakahiga habang pinag sisilbihin ng mga kababaihan. Ang iba ay kausap ang kaniyang mga kapamilya at natutuwa sa katapangang ipinakita kanina.

Malamang, ako ang coach ng mga iyan eh...

(^v ¯ )

Patuloy akong nag mumuni-muni ng marinig ang pag ubo mula sa king likuran.

“Kamahalan, naandito na po ang mga pinuno,” aniya kaya tumango bago umalis.

“Anong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko.

“Ikaw ang nagpa tawag sa akin, hindi ba?” ani ng pinuno ng Ánthiszoún.

“Sigurado ka bang siya ang nag ligtas sa mga kawal ko?” rinig ko namang bulong ng pinuno ng mga Anthropoi of thálassas sa kaniyang kanang kamay.

“Siya nga po, pinuno,” sagot nalang nito.

“.....”

(6_6)????

“Ay! Ipag paumanhin ninyo mga ginoo, ako’y nakalimot sa aking naiutos,” may siseridad kahit papaanong paumanhin ko.

“Walang anuman iyon kamahalan,” sabi naman ng kanang kamay ng kabilang kupunan.

“Ang galang mo naman, mabuti ka pa,” ani saka taas kilay na tiningnan ang akala mo siga na alalay ng pinuno ng mga Ánthiszoún.

“Aba’t—” susugurin sana ako nito ng iharang ng pinuno ang kaniyang kamay sa dibdib nito.

“Mag tigil ka Esmael,” saway ng pinuno, “ano naman ang iyong nais ngayon, Babaeng TAGAPAG LIGTAS?” tanong nito sa akin na may diin kaya napataas ako ng aking kilay na mataray.

“Bakit pakiramdam ko lagi kang may gagawing masama?” sarkastikong tanong ko.

“Pinuno, mag hunos dili kayo,” pag papakalma naman ng kanang kamay ng pinuno ng mga Anthropoi of thálassas.

“Okay, okay na ako,” sabi ko matapos malalim na bumuntong hininga.

Kung ang Lucas na ito parang may gagawing masama itong alalay naman ng kabilang kampo eh, parang cho-chop-chopin kang patalikod.

“Tara doon tayo sa may pwedeng upuan,” saad ko saka nag paunang mag lakad.

Pagkarating namin sa pwesto ay nag siupo na sila ngunit sobrang layo ng agwatan ng mga pwesto.

“Baka naman gusto ninyong lumapit ano? Kase masakit na ang lalamunan ko para sumigaw-sigaw pa ulit,” may halong pananaray kong wika pero ang mga matanda ay akala mo’y walang naririnig.

Sige, mapride kayo?

“Lalapit kayo o ako mismo ang mag didikit sa inyo sa isa’t isa?” pananakot kong tanong at mukha namang gumana dahil dali-daling nag tabi ang dalawa.

Tss, kailangan pang takutin bago sumunod eh.

“Okay, mabuti naman at madali na lang kayong kausap,” sabi ko saka inosente silang nginitian, “pinatawag ko kayong dalawa dahil may gusto akong itanong—lalo na sa’yo Ialha.” kita ko ang kaba sa kaniyang mga mata.

The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon