Chapter 25

861 44 2
                                    

SAPPHIRE POINT OF VIEW


     SA NGAYON ay tinuturuan ko silang ipatama ang mga pana sa bullseye na gawa sa uling na naka pinta sa mga puno kami mismo ni Jack ang gumawa.

Ramdam ko ang kanilang mararamdaman sa mga oras na ito, hindi ako nahirapang maramdaman iyon lalo naʼt sobrang lakas ng mga nararamdaman nilang wariʼy nag gu-grupo-grupo.

Puro mga nasa labing walo pataas ang mga edad na pinag pipipili ko dahil ang mga kabataang lalaki o babae ay itinago muna namin. Ayokong masilayan nila ang mga gagawin naming may halong karahasan.

May mga nag aalangan dahil baka matamaan ako. May mga nag bitaw naman dahil sa takot—takot na nag tatangal sa kanila ng tiwala sa kanilang sarili.

“Kung sa pagsasanay palang natatakot na kayo, paano nalang kapag bumalik ang mga iyon?” seryosong tanong ko sa kanila.

“N-ngunit h-hindi kami a-ang mga k-kalalakihan...”

Napalingon ako sa nag salita ng may malakas na awra na para sa mga namumuno. “‘Yon na nga eh, pero may nakikita ba kayong kalalakihan dito?”

Nagsi lingon ang mga ito kay Jack na naka upo sa may gilid habang nakain ng prutas. Tinuro nila ito saka nag wika, “Siya.”

Napahinto sa pagkain saka inosenteng tiningnan ang mga babae. “Baʼt niyo ako tinitingnan ng ganiyan...?”

Hinilod ko ang aking sintido bago sila tingnan. “Hindi siya kasapi sa inyo kaya hindi niyo siya pwedeng ituro,” nag papaliwag na sabi ko.

Ang mga ito naman ay ibinaba ang tingin sa lupa kasabay ng kanilang mga kamay na pinanturo.

“Alam niyo bang ang mga babae ay kaya ring gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kalalakihan káya.. kung kaya nilang lumaban kaya niyo rin iyon,” pag bibigay ko sa kanila ng lakas ng loob.

“Naks, nag momotivate na siya,” may pang aasar na sabi ni Jack.

Manahimik ka, nang gigigil ako sa’yong nyeta ka!!!

“Totoo ba ang inyong tinuran, kamahan?” tanong ng isang dalaga.

“Oo naman, wala ba kayong tiwala sa akin?” may pagtatanong sa kanilang tiwang sabi ko.

“Syempre po, meron.”

“Oo nga po, kayo lang ang sumasagot-sagot sa pinuno.”

“Nakakausap niyo rin ang dyosang Maya.”

‘Push, maliit na bagay!ʼ

“Opo kamahalan, nag titiwala kaming mga kababaihan sa inyo gaya ng pag tatawala ng Inang!”

Sabay-sabay na nagsitango ang mga ito na may ngiti sa kanilang mga labi.

“MAG HANDA!” sigaw ko at sila ay nag si-ayos ng tayo. Seryoso ang kanilang awrahan ngayon kesa kanina. Ramdam ko na ang kanilang tiwala sa sarili, hindi man ganoon kalakas at least kahit papaano ay natututo na silang maging matapang.

Inayos nila ang kanilang mga pana at ipinuwesto nila ang kanilang mga pana at itinutok ito sa bullseye.

“TATLO....

DALAWA....

ISA...

TIRA!!!!”

Kasabay ng aking huling sinabi ay ang pag lipat ng mga pana sa aking dinaraanan tungo sa bullseye na aming ginawa.

Matapos ang ilang pangpagtira ay inalam na ni Jack kung sino ang may pinaka maraming nakuhang bilang. Hindi naman kase lahat silang lahat ay tuturuang pumana, ‘yong iba ay tuturuan naman ni Jack kung pano makipag espadahan dahil sa larangang iyon siya magaling mula pa noon.

“Look, Sha! Madami sa kanila ang nakaabot sa napili mong bilang, bali... 56 ang nakakuha ng 8-15 bullseye,” balita niya sa akin.

“Magaling! Kung gano’n ang 56 na kababaihang iyon ang ating ihahalal sa pagpana at ang iba ay ang sa combat at pag espada.”

“UNANG galaw!” rinig kong malakas na sabi ni Jack sa mga kababaihang tinuturuan niyang humawak ng espada.

Katatapos ko lang na turuan ang mga naka lagay sa pamamana at didiretso na ako sa mga mag cocombat.

Kung bakit nakasama ito? Isang simpleng dahilan lang, dahil mas mapoprotektahan nila ang kanilang sarili sa kalaban lalo na’t iiiwan namin sila dito para magbantay. Mas maganda naring aware sila kahit walang hawak na kahit na anong armas sa katawan.

Hindi sasabihing ‘sana’ dahil alam kong mag tatagumpay kami sa planong ito. Dahil wala narin namang ibang paraan, hindi naman pwedeng hayaan ko nalang na maging mahina ang mga gaya nila.

Ilang na namin silang sinasanay at sinasabi kong talagang humuhusay na sila, minsan sa pangangaso ay sila ang nauutusan kong maghanap ng pagkain at natutuwa naman akong hindi sila kumukuha ng mga nilalang  na nag nilikha kung hindi ay naghahanap talaga sila ng mga makakaing masusustansiya. Ika nga, ‘Girl knows the best’.

MATAPOS ang ilang araw na training na ngayon na. Ito na ang huling araw kung kailangan nila makikitang mahina ang kanilang mga sarili dahil pagkatapos ng digmaan ay hindi na nila kailangang maging isang nilalang na papasok sa kweba hanggang sa matapos ang labanan. HINDI NA.

“Ngayong araw, sa oras na ito mismo ay bibigyan ko lamang kayo ng kakaunting oras para mag handa mag lalakbay tayo pag takip ng dilim,” anunsiyo ko sa kanilang lahat.

Sila ay mga nakaupo at nag papahinga matapos ang mahaba-habang pag eensayo sa kanilang mga larangan.

“Masusunod, kamahalan!” sabay-sabay nilang pag sang-ayon saka nagsitayo para pumunta sa kani-kanilang mga tahanan.

Bumaba naman ako sa isang entablado para makapag handa narin. Nang may tumawag sa akin.

“Kamahalan, maaari ba kitang makausap?” tanong nito.

“Bakit naman hindi,” sagot ko naman.

Nag tungo kami sa lugar kung saan kami unang nakapag usap ng masinsinan. Umupo kami sa pwesto gaya noon.

“Ano’ng nais mong itanong?”

“Kamahalan, h-hindi ko alam kung saan mag uumpisa...” nakatungo nitong saad.

“Pwede mong simulan sa pasasalamat..” suwestiyon ko, “walang anuman, maliit na bagay,” ani ko saka isinenyas ang aking kamay.

‘ang hangin mo naman, Kamahalan.’ Sabi ni sa isip.

(o。O#)

Dahil sa narinig ko ay nahampas ko siya, hindi naman gano’n kalakas—medyo lang.

“Hoy! Narinig ko iyon ha!” nanlalaki ang matang sabi ko.

“P-paumanhin po k-kamahalan,” nakayukong aniya na mukhang natakot ko.

“Huy, ano kaba biro lang naman—parang ‘di  ka naman mabiro,” sabi ko saka mahinang humagikgik na parang lasing sa kanto.

Napatigil ako sa pag hagikgik ng mapatingin sa kaniya, doon ko lang napansing naka ngiti pala siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko siya narinig na naka sabay sa pag hagikgik ko.

“Bakit mukha kang may dinaramdam? May sakit kaba? Nahihilo ka? Ano na? Bakut ‘di ka makapag salita?” sunod-sunod kong tanong.

“Wala po, gusto ko po munang mag pasalamat sa lahat ng inyong naitulong sa aming nayon, lalo na sa mga kababaihang noo’y namumuhay sa takot hanggang sa ikaw ay dumating at tinulungan silang tumapang at mag tiwala sa kanilang mga sarili,” naka ngiting aniya habang iniisip ang mga pangyayaring iyon.

“Ano kaba, wala iyon. Hindi ninyo naman ako pinilit iyong gawin dahil nag kusang loob ako,” sagot ko naman.

“Maraming talaga, kamahalan. At siya nga pala, paumanhin din sa mga kanayon ko at muntik ka na nilang maipakain sa hayop na nasa bangin,” napapakamot sa batok niyang paumanhin.

“Ahhh... Tungkol do’n, kalimutan nalang natin dahil ayoko nang maalala ang bagay na iyon.”

“Gano’n ka—

“—kamahalan, Inang, handa sa pag sugod ang ating mga kababahin,” nag bibigay galang niyang sabi.

“Kung gano’n ay hahayo na tayo. Lucial, inaasahan kitang magpapaiwan dito,” sabi ko, “Wala kang dapat ipag alala dahil may mga iiwan kaming mga kababaihang patuloy na mag babantay sa inyong nayon,” sabi ko saka nag paalam sa kaniya.

Pagkarating namin sa gate ng nayon ay maayos nang nakapila ang mga kababaihang kasama kong susugod sa mga kalaban.

“HANDA NA BA ANG LAHAT!” may kalakasang tanong ko para marinig nilang lahat.

“HANDA NANG MAKIPAG TUNGGALI KAMAHALAN!” sabay-sabay nilang sagot.

“KUNG GANOʼN TAYOʼY HUMAYO NA!”

The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon