SAPPHIRE POV
ANG kaninang tawa ko bago pumasok ang unang propesor ay naging kunot noo ng malaman ang aming sunod na gagawin sa pangalawang mag tuturo. Kasama ang buong klase ay papunta kami ngayon sa malawak na karagatan kung saan kailangan naming sumisid sa napaka lalim na bahagi ng dagat.
"Naan dito na tayo," sabi ng propesor ng maka hinto saglit saka nag handa na kami sa pag landing, naka sakay kase kami sa aming mga dragon para daw ma practice iyon.
Pag kalanding feeling ko parang mas magandang nasa himpapawid nalang kase malamig di gaya ngayon, ang init init.
"Ito ang mga panuto, kailangang sisirin ng bawat isa sa inyo ang ilalim at kumuha ng makintab na asul na batong makikita lamang sa pinakamalalim na bahagi ngunit alam kong mayroong mga fire bender sa inyo," aniya saka lumingon sakin.
Pag fire bender ako kaagad? Ayy! Grabe siya!?
"Maganda ang oporunidad na ito para malaman ang hangganan ng inyong mga kapangyarihan, 'wag kayong mag alala kapag naramdaman kong nahina kayo ay agaran ko kayong iaalis sa tubig pero hindi parin kayo exempted nag kakaintindihan ba tayong lahat?" mahabang paliwanag nito.
"Paniguradong lulubog ako kaagad mamaya," mataray pero may kahinaang saad ng nasa tabi ko.
"Bigat-bigat mo kase," kantiyaw ko naman.
"Hindi ako mabigat, dala lang 'yon ng ability ko," bulong niya sakin.
"Gano'n narin 'yon," sabi ko.
"Ngayon ay pumikit na kayo at mag bilang hanggang tatlo bago ninyo idilat ang inyong mga mata," paalala nito na sinunod din naman namin kaagad.
1..
2....
3......
Padilat palang ako pero ramdam ko na ang pagka basa ng aking katawan. Pag kadilat ng aking mata ay sumalubong agad sa akin ang maasul na kapaligiran, may mga isa pang napapadaan sa gilid ko at maingay na nag uusap usap.
‘Pwede ko ba kayong matanong?’ patanong na sabi ko sa grupo ng isdang kararating lang sa pinupwestuhan ko.
‘Anong kailangan mo samin?’
‘Pano niya tayo naririnig?’
‘Baka water bender siya?’
‘Baka animal creation?’
‘Baka ability niya iyon?ʼ
Sunod sunod na pag uusap ng mga ito kaya napa kunot noo nalang ako. "SASAGUTIN NIYO BA AKO NG MAAYOS O HINDI?" may katarayang sabi ko.
‘Nakakapag salita siya sa tubig.’
‘Sabi sa inyo serena siya eh.’
‘Ano kaba wala siyang buntot ano!?’
Isang may katandaang isda ang pumunta sa aking harapan at ito ay nag sabing. ‘Mahal na dyosa patawad sa aming kalapastanganan, maaari ko bang malaman ang inyong kailangan?’
‘Isa pala siyang dyosa?’
‘Oo, nga maganda siya!?’
‘Bakit hindi natin siya kilala?’
‘Magsi tahimik kayo!’ saway ng pinuno yata nila. ʼSabihin niyo na po ang inyong kailangan,ʼ
‘Gaano ba ito kalalim?’ patanong na sabi ko.
‘Mga isang daang talampakan ho kataas taasan,ʼ magalang na sagot niya.
‘Ganun ba? Salamat sa iyong inpormasyon.’

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...