SAPPHIRE POV
KINABUKASAN na gising ako dahil sa ingay sa labas kaya agad akong napatayo at nag linis. Pagka baba ko ay naabutan kong nag sisigawan parin sila dito sa may salas.
“I already broke up with you, Darcy!" may kalakasang ani Axell.
Ang taray may show!
Wala bang popcorn dito sa malapit?
"Oo! Nakipag hiwalay ka sa akin dahil sa babaeng iyon!" aniya sabay turo sa'kin.
Halla! Bakit nadamay ako?
"Ginagawa ko sa inyo? Kayo na nga itong nag iingay! Idadamay niyo pa ako!" inis kong sabi saka nag walkout.
Dumiretso ako sa may garden kung saan lagi kong nararamdaman ang kapayapaan. Naalala ko 'yong napag usapan namin ni Maya, nakakasakit sa bangs gadddnesss!!!
PAGKA pasok kong muli ay pigura ni Maya ang bumungad sa akin.
P-trages na dyosang ‘to?! Kaysa wala akong sakit sa puso ay magkakaroon nalang dahil sa kaniya.
"Nababasa ko nasa isip mo hunghang!," aniya na mukhang gusto na makipag rambol sa akin pero dahil mabait ako ngayon ay hindi nalang kapag sinipag nalang siguro ulit ako.
"I know naman—teka!? Ano bang need mo?" pa-conyo kong tanong. Okay lang, atleast bagay sa akin ‘no!
"May misyon akong nais ipagawa sa iyo na dapat mong matapos bago muling magpakita ang mga bwan, at aalis ka as soon as possible," sagot nito kaya mas kumunot ang nuo ko.
"Sige ipaliwanag mo ang mga kailangan kong gawin," ani ko saka umupo sa aking higaan.
Nag simula siyang mag paliwanag at dahil easy learner naman ako ay naintindihan ko rin naman kaya ay napa tango-tango nalang ako habang ipinapaliwanag niya ang lahat at matapos no'n ay umalis nadin siya bigla.
Hindi naman halatang minamadali niya ako ano? Napag buntong ako ng malalim—'wag niyo nang sisirin, masyadong malalim.
"HOY!!"
"AY! KABAYONG BUNDAT!" napapahawak sa dibdib na sabi ko dahil sa gulat.
Nilingon ko kung sino ang may gawa no'n, "siraulo ka talaga 'no?" may inis na sabi ko.
"Ito naman, peace tayo eh at saka, hindi ko naman sinasadya," paghingi niya ng paumanhin ng may pagtataray narin.
Napairap naman ako dahil sa sinabi niya, kung wala lang ako sa wisʼyo ay nasapuk ko na siya ngayon.
"Teka nga! Anong atin at ganiyang nakabusangot ka, ke aga-aga?"
"Kase.. Maya gives me a mission—alone."
"Ay! Weh? Pero teka—bakit ikaw lang?"
"Kase may ibibigay rin akong mission sa inyong dalawa ni Dundee—speaking of Dundee? Nasaan ang pusang iyon?" nagtatakang tanong ko.
"Malay ko?"
"Oh? Bakit naririnig ko ang pangalan ko?" tanong ng kararating lang na taong pusa. "Gano'n naba ako ka-gwapo kaya ayaw ninyong mawala ako sa paningin ninyo," preskong sabi niya pa na nagpa taas ng kilay ko.
"Huy! P-ny-wa ka! Kapag ako hindi makapag pigil ako mismo ang mag tatapon sa'yo kay Áplistos!" nababanas na sabi ko.
"Kamahalan, parang 'di ka naman mabiro eh, hehe.." napapakamot sa batok na sabi niya saka umupo sa may harapan ko.
Napairap ako bago ibinaling ang tigin kay Shirley. "Parehas ko kayong bibigyan ng misyon habang wala ako," anunsiyo ko.
"Bakit? Saan ka paroroon?" tanong ni Dundee.

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...