SAPPHIRE POV
"SAPPHIRE!!" sabay kaming napalingon sa pinang galingan ng sigaw.
"C-Clarence..." mahinang saad ko sa pangalan niya. "...a-anong—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla niya akong yakapin.
Para akong naistatwa dahil sa kaniyang ginawa.
"Ayos ka na ba?" may pag aalalang tanong niya ng maka bitaw sa pag kakayakap niya.
"Ahh... Oo, a-ayos lang ako," sagot ko habang hindi natingin sa kaniya.
"May problema ba?" may pag aalalang tanong niya.
"Ahhh... W-Wala, w-wala naman," medyo nauutal na sabi ko.
Self ano ba umayos ka nga!!!!
"Axell? Pwede mo bang tawagin ang mang gagamot?" mahinahon niyang pakiusap sa kapatid.
"Why me?" tanong ni Axell at itinuro pa ang sarili na para bang nag po-protesta.
"May iba pa bang naandito?" tanong ni Clarence sa kapatid.
"Ikaw nalang," sabi ni Axell sa kuya niya.
"Kuya mo ako Axell."
"So?" pag tataray naman ng isa.
"Kailangan mo akong sundin."
"Anong connect?"
Ano ba naman itong dalawang 'to! Nag aaway pa talaga sa harap ko ha?! At tyaka bakit ba hindi nalang umalis ang Axell na'to? Pinapahaba lang niya ang bangayan nilang mag kapatid eh.
"Pa'no kaya kung kayong dalawa nalang," biglang sabi ng lalaking kabubukas lang ng pinto.
"Hindi ako aalis dito!!" sabay na sabi ng mag kapatid at nag katinginan nalang kami ni Kuya Lance.
"Axell, hinahanap ka na ni kuya Cybee and you! Ipinapatawag ka ng aking amang Hari," utos niya sa dalawa kaya wala nang nagawa ang mga ito.
"I'll be back," sabi sa 'kin ni Clarence saka dinampian ng halik ang aking noo bago lumabas ng aking silid at sumunod narin si Axell.
"What's with you and Clarence??" tanong niya sa 'kin.
"Wala, ano ba dapat," pag tataray na sabi ko.
Seryoso itong nakatingin sa 'kin kaya hindi naman ako mag papatalo sa kaniya kaya mataman ko rin siyang tiningnan.
"Oh! May eye to eye fight palang ganap dito..." sabi ng kapapasok lang na si Shirley, "....na wrong timing yata ako," dag dag niya pa.
Bakit ba kung sino sino nalang napasok sa kwarto ko? Sa susunod lalagyan ko na talaga ng lock ang pinto ko, mga nyeta!!.
"Shirley, mabuti nandito ka, pwede mo bang ilabas ng silid ang aking ‘KUYA’" sabi ko na may pag diin sa huling salita.
"A-Ahh.... L-Lance?" nauutal na pag banggit niya sa pangalan nito.
"HMM.." tanging sagot ng kapatid kong hinaglihi sa sama ng loob.
"Tara?" alinlangang pag aaya niya.
"Saan?" may kapilyuhan namang tanong ni kuya Lance.
Halllaaaaaaa!!!!!!
(っOA0)っ!!!!!
"H-HOY?! KAYONG DALAWA! KUNG MAY GAGAWIN KAYO GUMAMIT KAYO NG PROTEKSYON HA! BATA PA AKO PARA MAGING TITA!" halos pasigaw kong sabi kay Shirley.
Kita ko naman ang pamumula sa kaniyang muka na nag pangisi lalo sa akin. Ako pa talaga ang tinanong ng lalaking 'to eh, sila pala ang dapat na tanungin ko?! Iba na talaga ang mundo ngayon. Tsk, tsk, tsk...

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantasySi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...