Chapter 2

25 3 0
                                    

Forbidden Descendants

Chapter 2

 

 

“Laa….” Nangangatog kong sambit. Lumapit sa akin si Lola tsaka kumurap at hinawakan ako sa noo.

“Okay ka lang ba, apo?” Tanong niya at tumabi sa akin.

Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya.. Pero color black na ito. Napa-iling na lang ako. Baka kasi namalikmata lang ako.

“Bumaba na ang lagnat mo, nasa tabi mo na ang sopas na niluto ko. Kumain ka anak ha? May pupuntahan lang ako.” Sabi niya tsaka tumayo. Tumango na lang ako at umupo sa gilid ng kama. Nang makasigurado ako na wala na si Lola, tumayo na ako at dumiretso sa CR. May pasok pa ako, better LATE than NEVER. Kaya pagkatapos kong gawin ang ritwal ko, pumasok na ako sa School.

Papasok na sana ako sa gate ng school pero sinita ako ng lalaki na naka-suit and tie. Hindi ko alam kung sino to. Baka naman trabahante lang?

“Hey! Stop!” Kaya napahinto ako.

Nilingon ko siya. May katandaan na siya at may dala-dalang coffee and case.

Hindi ko alam kung ano pero iba ang nararamdaman ko eh. Biglang sumakit yung gilid ng ulo ko at napatutok sa kanya.

“May ipapadala sana ako sa loob, ineng. Kung pwede lang.” sabi niya. Pero nagdududa ako eh.

“P-Po? P-Pero.. Ma-Male-late na po kasi ako eh.” Angal ko naman.

“Sige na. Wala namang masamang magaganap, eh. Ipapahatid ko lang ito sa loob ng campus niyo.” Magalang niyang sabi. Pero hindi ako Bobo o tanga na amniniwala sa front niya. Dahil alam kong pina-plastik niya ako.

“A-Ayaw ko po..” Sa ko at tumalikod.

“Saglit lang talaga ito.” Pamimilit niya.

“Pa-pasensya na po kayo pero…” Hinila niya ako paharap sa kanya at pinandilatan ako ng kanyang mga mata.

“Dadalhin mo ba ito sa loob? O hindi?” Dahan-dahan niyang tanong sa akin.

Habang nakatitig ako sa mga mata niya, dahan-dahan niyang iniaabot ang case na dala-dala niya.

Yung mga mata niya. Nakakahumaling. Parang tinatawag ka. Parang inuutusan ka. Parang kung anong gusto niyang sabihin, gagawin mo dapat. Naghihipnotismo!

Yung mga mata niya nanghihipnotismo!

Pero…

“Pa-pasensya na po talag. Ngmamadali na po ako.” Sabi ko at binitawan ang Case na dala niya.

“Pa-Paanong-?!” Hindi makapaniwalang bulyaw ng tao sa akin. Ngunit hindi ito natapos dahil may sumigaw mula sa likuran ko.

“Guards! Seize him!!”

 

Nagsitakbuhan naman ang mga Guards papalapit sa amin at tinalikuran na ako ng matanda habang nabitawan ang case na dala niya.

“Hija. Okay ka lang ba?” Tanong sa akin ng lalaki na Professor ata rito sa eskwelahang ito.

Habang nasa likuran ko siya at hinawakan niya ang kanang balikat ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi bigla ko na lang nilapitan ang case na nasa semento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon