I blew the last smoke I got from my cigarette resulting for the smoke to dance together with the wind. Pati ang nakalugay ko na buhok ay sumasayaw din. Itinapon ko ang upos na sigarilyo sa dagat at napangiti nang mapagmasdan ang matingkad na buwan.
Casual smoker lang ako at naninigarilyo kapag bored or stressed. It's bad for the health pero ginawa ata talaga ang sigarilyo para sa mga taong gustong takasan ang boredom at stress. Stress that I get from the people of Milea Bay who are utterly dumb. Perfect na sana ang Milea Bay kung hindi lang sa mga taong iyon.
The Milea Bay cliff is my go-to whenever I feel so stressed until it becomes my habit to go here every night. I've never seen the beauty of this cliff while the sun is up, although a lot of people have witness its beauty. Mas komportable akong pumunta rito tuwing gabi dahil wala nang bumibista rito kapag gabi na. Kailangan pa kasing sadyain ang daan papunta rito.
Mahangin ang gabi at malakas ang bawat paghampas ng alon sa ibaba ng cliff. The sound is not disturbing at all, but rather healing. Pumikit ako at ninanamnam ang tranquility na binibigay sa akin ng nature. The moon, the salty breeze, the sound of the waves, the cliff and myself are the only perfect combination I know in this world. Kung puwede lang na dito ako tumira ay hindi ako tatanggi.
The salty cold air from the sea made me shiver. Malapit ng mag 12 am kaya nag-iba na ang temperature ng hangin. Ang suot kong mint green sweater at sweatpants ay hindi nakatulong para hindi ako ginawin. Sanay naman na sana ako sa apartment ko na parating naka-on ang aircon pero kapag dito na ay hindi ko na mapigilang ginawin.
Napakurap ako nang tumama sa mukha ko ang ilaw na nangagaling sa right side ko. Nang tignan ko iyon ay tinutukan pala ako ng flashlight ni Donato, ang guard sa lighthouse na hindi naman kalayuan sa pinipuwestuhan ko.
“Umuwi ka na!” Sigaw niya na dalawang metro ang layo mula sa akin. I turned on the flashlight from my phone at kinaway iyon as a sign na ayaw ko.
“Tapos na ang shift ko! Iba na ang magbabantay baka i-report ka pa!” Pagpapaalala niya.
Oo nga pala. Sinabihan niya pala ako kahapon na hanggang 12 am lang ang pagbabantay niya sa lighthouse simula ngayong araw dahil namatay ang kapatid niya.
Hindi na napigilan ni Donato na lumapit sa akin at pinaalala ulit ang dahilan kung bakit hanggang 12 am lang siya.
“I know,” sagot ko sa kanya. “Puwede mo namang sabihin sa bagong guard na nandito pa ako. Common sense nga!” paki-usap ko sa kanya. Eto talagang si Donato baka malagay ko pa siya sa hate list ko.
“Naku! Mamaya pa ang dating ‘nun kaya hindi ko siya masasabihan. Wala rin akong number kaya mas mabuting umuwi ka nalang,” pagdadahilan niya.
Bago pa siya umalis ay inabutan ko siya ng sobre na naglalaman ng pera bilang suhol ng hindi pagpapaalis sa akin. Bawal kasi ang magtambay dito dahil baka biglang tumalon mula rito sa cliff. Matagal na itong pinapatupad ng gobyerno rito sa Milea Bay simula ng may mangyaring disgrasya two decades ago. Ayaw lang nilang maulit iyon dahil ayaw nilang maging death cliff ang tawag dito.
Ilang minuto bago tumalikod si Donato ay tumayo na rin ako para umalis. It's already Monday at may pasok pa ako mamayang umaga. Kailangan ko pang matulog ng seven hours dahil kung hindi ay magiging lutang ako buong araw. Bahala na kung aabsent ako sa unang subject. Nasanay na naman sa akin ang teacher namin.
Napahikab ako ng makaramdam ng antok. Napangiwi ako ng maamoy ang sariling hininga na amoy sigarilyo. Kinapa ko ang bulsa para kumain ng mint candy.
Tinanaw ko ang lighthouse at wala pa nga rito ang bagong guard. Makikipag-negotiate sana ako katulad ng ginawa ko kay Donato para hindi ako mapaalis sa tuwing nag-me-me time ako sa cliff. Wala namang hindi nagagawa ang pera e.

YOU ARE READING
DOWN IN THE DUMPS
Fiksi RemajaLeaving from home entails settling for the better. However, Axis left her home for Milea Bay and did not settle for the better. Instead, she made Milea Bay her wicked ground. Despite being wicked, two people came to her life. One who's always there...