Chapter 5

3 2 1
                                        

“Hi Yorkie!” Kinawayan ko ang alaga kong ibon na nasa loob ng birdcage. Winasiwas nito ang kanyang mga pakpak para batiin ako pabalik. Kumpara noong huli ko siyang nakita, masigla na ulit si Yorkie ngayon. Isang linggo ko rin siyang hindi nakasama dahil dinala ko siya isang avian vet para ipagamot ang pakpak niyang may bali.

From the paperbag that I brought, kinuha ko ang maliit na container kung saan nakalagay ang Cockatiel bird food ni Yorkie. Naglagay ako ng iilang piraso sa palad ko para makakain siya. Mula sa mga pagitan ng birdcage ay doon pinapalabas ni Yorkie ang beak niya para kainin ang pagkain niyang nasa palad ko.

Everytime na tumutuka si Yorkie sa palad ko ay napapangiwi ako sa maliit na sakit na dala nito. I really miss Yorkie’s free tuka massage on me.

“Hi Miss Ax! Namiss ka nito ni Yorkie.” Lumapit sa akin ang isang attendant ng vet clinic at pinat ang ulo ni Yorkie gamit ang index finger niya. Natigil tuloy sa pagkain si Yorkie.

“I know, ako amo niya e.” I blocked her from Yorkie’s cage kaya napaatras siya. Medyo nahilaw pa ang mukha niyang hugis mangga.

“Asikasuhin ko muna ’yung discharge paper ni Yorkie. Nabilin naman na sa akin ni Doc ang mga kailangan ni Yorkie.”

***

Habang naglalakad pauwi sa apartment ko ay nakaramdam ako ng ngalay dahil sa pagbibitbit sa birdcage ni Yorkie. Ayaw ko rin munang magtaxi dahil hihinto pa ako sa isang café kung saan may binigay sa akin si Vice M special golden card para ma-avail ko ng free ang mga products nila.

Binaba ko muna ang birdcage nang makakita ng isang wooden bench na napapasilongan ng puno ng acacia. The sun has been hiding the whole morning behind the clouds kaya hindi masyadong mainit. I raked my eyes around at halos mga bata ang nakikita ko. When I spotted a kindergarten school, I nodded in realization.

Kids are cute but most of the time, they are annoying as hell. Madali din silang makakita ng kung ano anong bagay lalo na kapag animals. Which are the reasons why I don’t like kids.

Three children saw Yorkie at panay ang turo nila rito sa mga mommies nila — na para bang gusto nilang lapitan o kunin si Yorkie.

As a defense, inusog ko ng kaunti si Yorkie para hindi nila masyadong makita. If only I’m not tired, I’ll walk out right away leaving them crying in distress.

Nagulat nalang ako ng may dalawang bata nang lumapit sa akin. Nakasquat na sila at panay tusok kay Yorkie gamit ang mga maliliit nilang daliri.

“Hep hep! My bird is not friendly, children. Nangangagat yan,” pananakot ko sakanila. I extended my right arm in front of them para hindi na sila makalapit pa.

Deep inside, napapasimangot ako dahil mga lalaki ang mga batang lumapit. Boys are more annoying than girls and they are very persistent!

“But birds don’t have teeth just beaks right?” The boy with a cap asked with a confused look. Tumango naman ang isa at biglang ngumisi na parang naka-isip ng bright idea.

“Can we see your bird’s teeth?” Hyper na saad ng batang may super fluffy cheeks.

A kid’s curiosity is one of my pet peeve. Masyado silang curious sa lahat ng bagay at I don’t think they’ll get satisfied with just one answer. Kapag may sagot ka na, tatanungin ka pa rin nila tungkol sa sinagot mo.

“No.” Matigas kong saad na ikinasimangot nila.

They looked at Yorkie with sadness but the kid in a cap looked at me with great enthusiasm.

“Ate, have you eaten a bird? My classmate said a bird tastes the same as chicken!”

And his question was the sign that I should leave before I’ll see Yorkie in a frying pan. Bastos na mga bata, binibigyan ako ng idea!

DOWN IN THE DUMPSWhere stories live. Discover now