"Look who's here..." Yohan teasingly said as he saw Cherry's dad standing near the apartment building's gate, holding Cherry's leash.
"Think what you want to think but I want to make myself clear before you assume things. I don't want to involve myself any longer to you and that Ady girl, okay?" paglilinaw ko sa kanya. Nagrehistro ang pagkadismaya niya sa kanyang mukha pero agad din namang nawala iyon at napalitan ng ngiti.
"And I'm still on a deal with your mom so just be yourself," I said sarcastically.
Tinapunan lang ako ni Yohan ng isang bored na tingin. "Ginawa mo lang talaga akong driver, 'no?"
"Ano pa nga ba?" sagot ko sakanya at bumaba na ng kotse.
Sumunod sa pagbaba sa akin si Yohan at nauna pang bumati kay Cherry's dad.
"Hey bro!" masiglang bati ni Yohan sa nag-zozone out na si Cherry's dad. Pati pala mga lalaki ay marunong makipagplastikan. Si Cherry ang sumagot kay Yohan sa pamamagitan ng pagtahol at napaatras si Yohan dahil sa gulat. Deserve.
Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko nang magkunyaring hindi nagulat si Yohan.
"Ang friendly pala nitong aso mo," turo niya kay Cherry at kinawayan ito. "Hi doggy!"
Hinampas ko si Yohan sa braso para isalba siya sa kahihiyan sa harap ni Cherry's dad. Patay-malisya niya lang akong tinignan pabalik.
My eyes met Cherry's dad eyes and it was so awkward. I can feel the awkwardness in his stare too! Para siyang napilitan nang bigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Isang tipid na ngiti rin ang iginawad ko sa kanya.
"Uh... Hi," bati niya sa amin ni Yohan, sabay kamot sa batok niya. "Nandito pala ako para kunin ang ibon mo," sabi niya sa akin at napatingin kay Yohan.
Napahagalpak ako nang tawa nang mag-iba ang itsura ni Yohan mula sa sinabi niya. And I laughed harder when I thought about how Yohan interpreted the bird statement from Cherry's dad.
After a few seconds, I heard Yohan's laugh too when he realized I was laughing at him. Si Cherry's dad ay mukha namang out of place sa amin. Mabuti pa si Cherry dahil nakisabay pa sa tawanan namin.
"Akala ko talaga na 'yong ibon niya ang tinutukoy niya," pag-amin ni Yohan habang taas-baba ang balikat niya dahil sa pagtawa.
"Gago... hahahahaha!" sabay hampas ko sa braso niya.
"Ang sakit 'nun ah!" reklamo ni Yohan at hinimas ang brasong hinampas ko.
"Nanliligaw ka ba kay Axis, bro?" patay malisyang tanong ni Yohan. Nahampas ko ulit siya dahil sa tanong niya. "Ang sakit mo talagang humampas," saad niya na may ngiti sa labi.
Bigla akong nakaramdam ng kaba habang hinihintay ang sagot ni Cherry's dad. I already know the answer why he's here but the anticipation to hear his answer is there.
Yohan is extremely cunning. Gusto niya talagang masigurado kung anong ginagawa ni Cherry's dad dito para malaman kung may lugar pa ba siya sa puso ni Ady girl.
Tumikhim si Cherry's dad at ngumiti ng pilit. "May ipapagawa lang si Axis kaya nandito ako... Wala kang dapat ipag-alala." he sincerely answered with a genuine smile.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. He's clearly drawing the line between us which I find unnecessary. Plus, he's too oblivious not to read between the lines or even read the room. Alam na niya ang presence ni Yohan sa kay Ady. Or probably, is this his way of telling Yohan to back off from Ady?
I faked a laugh to release the tension between the three of us. I'm butting in before their conversation turns completely.
"I think we need food." I said and led the way to my apartment.

YOU ARE READING
DOWN IN THE DUMPS
Fiksyen RemajaLeaving from home entails settling for the better. However, Axis left her home for Milea Bay and did not settle for the better. Instead, she made Milea Bay her wicked ground. Despite being wicked, two people came to her life. One who's always there...