Ilang beses na akong paulit-ulit na chinecheck ang bawat sulok ng apartment ko but to no avail, I can’t find the raincoat Cherry’s dad lent to me. Iyong panyo rin ay hindi ko mahagilap.
“Saan ko kaya iyon nailagay?”
Nahagilap ko ang maliit na trashbin sa ilalim ng sink kaya binuksan ko iyon. Nadismaya ako ng wala roon ang hinahanap ko.
Tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng table. Isang mensahe mula sa suki kong laundry shop ang dumating saying I need to pick up my laundry I sent a few days ago. There’s a possibility na naisama ko sa laundry ang panyo at raincoat.
Suot ang isang Adidas white tee at cycling shorts, lumabas na ako ng apartment.
“Magandang gabi ho ma’am,” bati ng may-ari nang makapasok ako sa laundry shop niya. “Mag-pipick up po kayo?”
“Oo, Axis Laurier. Wala na ba ‘yong delivery services niyo?”
“Meron pa ma’am. Baka nakaligtaan niyo pong lagyan ng check ang resibo na delivery pabalik sa inyo ang laundry mo. Dala niyo po ba resibo niyo ma’am?”
Kinapa ko ang cycling shorts ko para sa resibo na sinabi niya pero walang bulsa at tanging phone lang ang dala ko.
“Mukha po ba akong nagdadala ng resibo?” saad ko na lamang. Medyo hindi niya inasahan ang magiging sagot ko sakanya kaya napangisi nalang siya ng hilaw.
Nang inilagay niya sa counter ang laundry ko na nakalagay sa isang clear cellophane ay agad ko itong binuksan para hanapin ang raincoat at panyo. Ano nga bang itsura ng panyo niya?
“Magsasara na ako ng laundry shop ma’am, baka pwedeng pag-uwi niyo nalang tignan ang mga damit ninyo. Nasisiguro ko pong malinis niyan.”
“Saka na ‘pag tapos na ako manong!” Sagot ko habang hindi pa rin tumitigil sa paghahanap. “Badtrip!” Naitapon ko sa sahig ang mga damit ng walang makitang raincoat at panyo.
“Manong, ba’t kulang ‘yong nandito? Nasaan ang raincaot at panyo ko?” Bulyaw ko sakanya at tinuro pa ang mga damit na nasa sahig.
His face gets confused to my question. “Gaya ng dati, ako talaga mismo ang naglalaba ng damit mo ma’am pero wala akong naalalang may raincoat na kasama sa pinalabhan mo,” aniya at isa-isang pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig.
“Bastos!” Sigaw ko ng pulutin niya ang panty ko. “Akin na nga ‘yan!” Inagaw ko sa kanya ang panty at ako na mismo ang pumulot sa iba ko pang mga underwear na nakakalat.
***
Napapatabon ako sa mukha kapag tumatama sa akin ang hininga ng kaklase kong nagsasalita.“Ang dami talagang babaeng nalilink kay Dr. Jose Rizal, ‘no? Sa tingin ko bagay kay Axis si Josephine Bracken. End game kumbaga,” saad niya na parang walang nagiging uncomfortable sa pagsasalita niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Sino muna si Josephine Bracken?” I asked curiously. This is the first time I heard this woman’s name and I want to know what kind of woman she was before I’ll accept the role. “Baka ale ‘yan ha na binibilhan niya ng lambanog.”
They all looked at me with pure indidference as if I just asked an absurd question. Required bang kilala firsthand si Josephine Bracken?
Lumingon ako sa bintana nang tumama na naman ang hininga ng kaklase ko. There are five of us in the group; one sitting beside me while the three are sitting in front of us. That’s why their breaths directly touch our faces.
“Magandang binibini si Josephine Bracken Ax. Isa siyang Irish at siya ay iniibig ni Dr. Jose Rizal. In short, siya ang leading lady sa play natin. Okay na ba?”

YOU ARE READING
DOWN IN THE DUMPS
Teen FictionLeaving from home entails settling for the better. However, Axis left her home for Milea Bay and did not settle for the better. Instead, she made Milea Bay her wicked ground. Despite being wicked, two people came to her life. One who's always there...