Chapter 7

2 2 1
                                    

Running away tonight from Yohan brought me back on the night I ran away from him alone were we ended up fighting at the dog pound which I first met Cherry’s dad. And now, I’m running away with him.

I can’t help but feel amused at how street smart he is. Alam niya ang bawat pasikot-sikot dito sa downtown para makalayo kami sa highway. Para tuloy siyang si Aladdin minus the monkey part.

Paano niya kaya mauutakan si Yohan, e magaling din ‘yon sa daan at may access pa sa mga CCTV?

Kung magbibike, malayo-layo talaga ang apartment ko mula sa sports complex lalo ma siguro kung takbo-lakad lang. Kalahating oras na rin ang adventure namin at pinagpapawisan na ako. Humihinto lang kami sa tuwing hinihingal at babalik ulit sa paglakad-takbo kung may naiipon ng hangin.

Ang ikinabahala ko lang ay nang mapadaan kami sa isang estero na sobrang kipot ng daan. Masangsang pa ang amoy kaya inayos ko talaga ang paglalakad para maiwasang mahulog. Habang ang kasama ko ay parang wala lang. Tuloy-tuloy lang ang kanyang paglalakad hanggang sa makaabot na siya sa dulo at ako’y nasa gitna pa. I should’ve just face Yohan than getting drowned on this polluted water.

“Eww...” iyak ko nang makatapak ng dumi ng aso. The smell was utterly disgusting and had the audacity to penetrate inside my nose. “Ayoko na!” I announced while wiping tears on my face. How dare this dog poop make me cry?!

When Cherry’s dad felt that I was not able to catch up with him, he turned his back to look for me. “And‘yan ka pa?” hindi makapaniwalang tanong niya at kinumpas ang kamay para papuntahin ako sa kanya. “Bilisan mo!”

“I stepped on a poop!” anunsyo ko. Nakakunot ang noo niya, halatang hindi naintindihan ang sinabi ko.

“Ha?” he mouthed.

“I stepped on a poop!” I repeated what I said earlier, this time a little louder.

“Eh ano naman ngayon?” saad niya habang naglalakad pabalik sa akin, nanatiling nakakunot ang noo.

He made it as if it’s not a big deal for him to step on a dog’s poop. Porke’t sanay siya ay i-invalidate niya ang feelings ko?

I can’t help but feel rage at his remark. Actually, this is all his fault! Kung sana ay hinuli niya lahat ang mga stray dogs at nilagay sa dog pound, my shoes and nose will never suffer from the disgusting poop.

“FYI, I bought these shoes for twenty thousand and first time ko pa lang ‘to sinuot.” I told him. He slightly stilled for a moment before he looked down to my shoes.

He heaved a tiring sigh. “Wala akong twenty thousand para pambayad sa sapatos po pero pwede muna kitang pahiramin nitong sapatos na suot ko.”

I did not expect him to say something like that. Akala ko ay may sasabihin na naman siyang hindi maganda sa akin. I am even more surprised when he started to take off his shoes and socks leaving him barefooted.

Inilagay niya sa tabi ko ang sapatos at lumuhod para tanggalin ang sapatos ko. “Ako na!” protesta ko nang hawakan niya ang binti ko.

“S-sige...” sagot niya at inilayo ang kamay sa akin.

Nang tanggalin ko ang kanang sapatos ko ay isinuot ko naman ang kanang sapatos niya. Ganoon din ang ginawa ko kaliwa.

“Please tell me that your feet are odor free.” I closed my eyes and hoped that he’ll answer a yes.

“Oo, hindi mabaho ang paa ko at hindi rin nagpapawis. May suot din akong medyas kaya safe ang paa mo. Kung aarte ka pa, wala na akong ibang magagawa.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot niya. Pinulot niya ang sapatos ko pero pinigilan ko siya. “You can leave that there ‘cause I won’t wear that smelly shoes again.”

DOWN IN THE DUMPSWhere stories live. Discover now