2024 version
Chasing The Moon
Mabibigat ang mga hiningang pinakawalan ko habang nanlulumong nakatingin sa hawak na card. Parang gusto ko tuloy isumpa ang mga kaibigan ko dahil aya sila nang aya last week, di tuloy ako nakapag review.
Pero kasalanan ko din naman. Nagpa-impluwensya ako sa mga bad influence. At kahit hindi sila mag-aya, 'di pa rin naman ako makakapag-review.
"Bes!" Rinig kong tawag ng pamilyar na boses at ang maiingay na hakbang papalapit sa kinauupuan ko. Naramdaman ko na lang ang pag-upo nito sa bakanteng upuan sa tabi ko habang ako ay nanatili ang titig ko sa card ko.
"May practice game daw bukas basketball. Nood tayo!"
Tatlo lamang ang dos, the rest ay tres na. Bwisit, rest in peace na lang sa allowance ko.
"Bes!" Irita kong nilingon ang bruha nang yugyugin ako nito. "Ano ba?" Inangatan ako nito ng isang kilay nang marinig ang kamalditahan sa boses ko. Pansin siguro nito ang papel na mahigpit kong hawak. She leaned closer to fully see what's the content.
Nang makita ay umayos muli siya ng upo at tinapik tapik ang balikat ko, animo'y pinapagaan ang loob ko. "Okay lang 'yan, bawi ka next sem. Bobohan mo pa."
I scoffed and raised my middle finger at her. Vacant namin ngayon dahil may meeting ang mga prof ng department namin kaya siguro ako ang ginugulo nito. Tinupi ko na lang ang report card ko dahil 'di naman yon ang original copy saka ito nilagay sa bag.
"Ano na naman kailangan mo?" Baling ko kay Lui. Ngumisi siya sa 'kin.
"May practice game sa basketball bukas. Kasama kabilang school, yung school nung pinapormahan mo. Manood tayo, gwapo din daw teammates n'on..."
Nangunot ang noo ko. Iniisip kung sino ang tinutukoy niya.
"Gaga ka, 'di mo natandaan? Si Jonathan, sa st. Lorenz! Last week lang baliw na baliw ka doon, bwisit ka. May bago ka na naman sigurong crush?" Pinaglaruan ko ang dulo ng mahaba at straight kong buhok. I bit my lips when I remember the name. Jonathan.
"Tange, wala. Study first na 'ko ngayon. Bawal na distraction." She threw a judgemental look at me.
"Maniwala. Para ka ngang mauubusan oxygen kapag wala kang crush!" Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Medyo true naman, ang boring kaya pag walang crush. Feeling ko ang tuyot ng buhay ko.
"Ano ba nangyari sa inyo ni Jonathan? Basted ka na naman?" Inirapan ko si Lui na nakasunod sa 'king humanap ng table habang kapwa kami may bitbit ng tray. Medyo crowded ang cafeteria kaya nahirapan pa kami.
"Ang chismosa mo talaga," ani ko at inilapag ang tray na hawak sa malinis na table. Ganoon din ang ginawa niya bago umupo. "'Di na kasi ang nagparamdam. Mga taga-saint Lorenz kasi, ghoster daw. Inunahan ko lang."
Sa totoo lang, siya talaga nang-ghost sa 'kin. Kapal ng mukha, ako na 'to oh.
"Gaga! Nawalan ka kamo ng interes!" Pabirong binato ako nito ng tissue. Tinawanan ko lang at nilantakan ang pag kain ko. Nagpatuloy lang kami hanggang dumating si Chloe at Mitch. Ang gagang si Lui ay inaya din ang dalawang manuod ng game bukas. Sakto din naman dahil tapos na ang klase naming lahat pag nagsimula ang game.
The day goes on just normal. Matapos ang oras ng klase ay sabay sabay kaming lumabas saka ako nag paalam nang makita ang sundo. I boredly watch the usual scenery outside, boring looking building, people passing by, sky turning blue. Nothing new.
"Iris Chienne!" Natigil ako sa pagsubo nang marinig ang malakas na sigaw ni Dad kasabay ang mga yapak na papunta sa dining area kung na saan ako. I put down the spoon and wait for them to arrive.
Dad, in his attire suit, walked inside with a furrowed eyebrows, eyes full of anger. A sophisticated looking woman in her fifties followed him with her cunning expression, this demon step-mother of mine would surely fit a kontrabia role. licked my lips and leaned on my seat.
"What are you doing in your life, Chie?! Are you wasting your life partying instead of studying for a better future?!" My Dad's voice thundered around the room. But it didn't strike me enough. "You're bringing shame on my name! Kulang na lang gayahin mo ang nanay mo—"
Padabog akong tumayo. I rammed my hand on the table. Gumalaw ang mga nasa ibabaw n'on. I can feel the impact on my hand, halos mamanhid. "Wag mo idamay si Mom. Insulting me is enough, but not my Mom, Dad."
Gusto ko pa siyang sumbatan ngunit kinontrol ko ang sarili ko. Endure it. Swallow the words like you used to, hide your anger like you always do, Chie. You're good at that.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Romance2024 Version. Iris Chienne Alvarez has always been famous for being the black sheep of her family. Pasang awang grades, laging linked sa mga iba't ibang lalaki. A girl who's trying so hard to cope up with the feeling of loneliness in the dark-which...