***
Inabot ko ang nakalahad nyang kamay at ngitian sya. "Salamat," ani ko.
"Nasan ang koste mo?" Tanong ko nang makitang walang nakaparadang kotse. I mean, hindi naman s’ya nagco-comute right?
Napakamot naman ito sa batok at umiwas ng tingin na tila ba nahihiya. "W-wala akong kotse, eh. Trycicle lang." Turo nito sa trycicle na nakaparada sa tabi.
Ngayon ko lang napansin. may dala pala s’yang traysikel. I bit my lower lip to suppress my smile. Sa mga nababasang kong nobela mga kotse ang ginagamit ng nga male lead upang ihatid sundo yung mga girlfriend nila pero kakaiba si Brion. Trycicle. Saka hindi n’ya din naman ako girlfriend.
I find that cute. I mean, kakaunti o wala nga siguro ang gumagamit na ganyan dito sa school. Siya lang.
"T-tara na?" Tanong nya, na-utal pa dahil siguro sa lamig. Tumango ako at hinila s’ya patungo sa nakaparadang trycicle. Pumasok ako sa loob habang s’ya naman ay nag-drive.
Wonder why he choose to have trycicle than having a car. Ang alam ko kasi mayaman ang pamilya ni Brion, well, base on humors. But that's not my business anymore.
I should be thankful instead. Hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako kung hindi dumating si Brion.
"Chie, sa condo ko muna ikaw tumoloy, kung okay lang sayo? Masyadong delikado ang daan papunta sainyo at maulan pa," Aniya ng Hindi inaalis Ang tingin sa daan. Napaisip naman ako. Totoong delikado ang daan papunta sa'min pero paano nya nalaman yon? Hindi pa naman Sya nakakapunta doon.
Aish, bahala na. "A-ah, sige. Salamat Brion." I sincerely said. Napanguso naman ito, nagpipigil ngumiti.
"Nandito na po tayo, madame." Magalang na anito at bumaba saka ako pinuntahan. Kinuha nya ang bag ko at tinulungan pa akong lumabas. Pabiro Kong hinampas ang braso.
"Masyadong gentle man, baka ma-fall naman ako niyan." Biro ko pero umiwas lang sya ng tingin, mas pumula ang mapula nyang pisngi at mahina ding tumawa.
"Wag ka mag-alala sasaluhin naman kita," biro din nito. Inaya na nya akong pumasok sa lob dahil malakas pa rin ang ulan.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng kanyang condo. Kulay puti ang ding ding at kisame, habang messy white tiles naman ang sahig. Hindi masaydong malaki Ang condo ngunit Hindi din ganoon kaliit. Sakto lang.
Napadako ang tingin ko sa tv na kaharap ko. Malaki ito, kasing laki ng tv ko sa kwarto. Mas napahigpit ang hawak ko sa tuwalya na nakabalot sa'kin ng manginig ako sa lamig. Hindi naman ako basa, medyo lang.
May dalawang ding pinto sa loob. Isang cr at isang kwarto siguro. Mag-isa lang sya dito?
"I live alone." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Nanlalaki Ang matang napatingin ako kay Brion na nakabihis pang bahay na. Napatawa naman ito sa reaction ko.
"Tara, kumain muna tayo." Yaya nito. Tumango naman ako at ngumiti sakanya. Ang bait talaga. Tatayo na Sana ako ngunit biglang umikot ang aking paningin kasabay ng pagkirot ng sintido ko.
"Chie!" Ang aking Huling narinig bago mandilim Ang paligid.
"Hindi ko magagawa yon sayo! Alam mo yan fernan!" Sigaw ng pamilyar na boses. Boses ni....mama? Nasaan ako?
Napatingin ako sa dalawang pamilyar na Pigura. Mukha silang mag-aaway. Napababa Ang aking tingin hanggang sa dumako ito sa batang nakatago at nakasilip sa likod ng sofa. Ang batang 'yon....ako yon. kitang kita ang takot sa kanyang inosenteng mata.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Romance2024 Version. Iris Chienne Alvarez has always been famous for being the black sheep of her family. Pasang awang grades, laging linked sa mga iba't ibang lalaki. A girl who's trying so hard to cope up with the feeling of loneliness in the dark-which...