"C-chie..." Peke akong ngumiti at bumaling kay Shane.
"Doon nalang ako kanila sheriff." Hindi pa ako nakakaalis ay tumayo na sa pag kakaupo si aira.
"Uhm...d-dito ka na." Napalunok siya, "Doon nalang ako sa table nila...papa." oh, I forgot. Isa nga pala ang papa niya sa mga sponsor.
Nginitian niya kami bago tuluyang umalis. "Sorry...did I interrupt something?" Pag hingi ko kay tawad kanila Shane. They are having fun earlier until Shane called me.
Umiling silang dalawa. "Hindi naman." Si ryl. Umupo ako sa tabi ng inupuan ni aira kanina. Nag simula na mag salita ang emcee. Akmang iinom ako ngunit nabitin sa ere ang kamay kong may hawak ng baso.
"And last but definitely not the least, the perfect couple of the year, mr.maranchisse and mrs.maranchisse!"
Nanuyo ang lalamunan ko. Nakaramdam ako ng pang hihina kaya dahan dahan kong naibaba ang baso. Nag palakpakan ang lahat kasabay nang pag akyat ng dalawang tao sa stage.
Nangilid ang luha sa mata ko nang makita ang may edad na ginang na naka kapit sa braso ng papa ni aira. Hindu katulad nang dati na puro pasa siya mukha siyang maayos at lumabas ang kagandahan niya sa suot niyang red dress na hanggang talampakan ang haba.
Medyo kulobot na ang balat niya ngunit hindi maitatangging maganda siya. Many things changed to her. She smiled widely as mr.maranchisse assist her and hold her waist. She seemed so happy and contented.
"And let's not forget! Their one and only beautiful daughter, Aira Lucy Maranchisse!" Nag hiyawan ang lahat. Umakyat si aira sa stage at pumagitna sa mag asawa.
"The perfect family, everyone!"
Everyone cheered while I'm here sitting with a heavy heart. Watching the three of them...being so happy. Watching my mom from the first time smiling widely and purely.
A perfect and a happy family. Indeed.
I'm surprised that I managed not to burst out crying. Sa sobrang bigat ng dibdib ko wala na akong ibang naramdaman. Paulit ulit na inaalala nag nangyari kanina.
Nag simula ang quiz bee pero wala pa rin ako sa sarili. Lumipad ang oras hanggang sa 15 minutes break muli sa quiz bee at sa susunod na round ay finals na.
Nahagip ng mata ko si brie na papalapit sa table namin ngunit tumalikod ulit siya. Sinundan ko siya ng tingin at mas lalong bumigat ang nararamdaman nang makitang pumunta siya sa table nila aira.
Nililigawan niya nga pala si aira. Sumikip ang dibdib ko sa naisip.
Umupo siya sa tabi ni aira. Pinanood ko silang mag tawanan na nag pabigat lalo sa dibdib ko. Agad kong iniwas ang tingin nang tumingin si mama sa gawi ko.
"Sorry, Chie. Mauna na kami ito kasing si ryl may kailangan pa daw kitain." Tinanguan ko lang si Shane. Mag isa nalang ako sa table pero hindi ko 'yon pinansin. Tumitig lang ako sa basong may lamang ice tea.
May nagbabadyang luha muling tutulo sa mata ko pero pinigilan ko ito. Bakit lahat ng taong espesyal sa'kin...laging si aira ang pinipili?
Mabigat ang dibdib na tumayo ako at pumunta sa CR. Pag ka pasok ko sa isang cubicle ay nag uunahang tumulo ang luha ko. Parang agos ng tubig at hindi matigil sa pag tulo.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad at pinigilan ang pag hikbi. Pinilit ko ang sariling tumigil sa pag iyak ngunit patuloy lang sa pag tulo ang luha sa mata ko. Paniguradong mamumugto ang mata ko nito mamaya.
Maraming luha ang kumawala sa mata ko pero hindi pa rin nababawasan ang bigat ng dibdib ko at mas nadadagdagan tuwing naaalala si mama.
I tried to relax myself. Ilang minuto bago ako tuluyang tumigil sa pag iyak. Pinunasan ko ng panyo ang basang pisngi, inayos ko din ang nagulo kong buhok.
Huminga ako ng malalim bago lumabas sa cubicle pero naestatwa sa may edad na Babaeng nananalamin.
Nanghina muli ang tuhod ko at mas sumikip ang dibdib."Ma...mama." tumingin ito sa repleksyon ko sa salamin. Unti unting nabasa muli ang gilid ng mata ko. Gusto kong lumapit sakaniya at yakapin siya pero nanghihina ang tuhod ko at parang isang hakbang nalang ay bibigay na.
Nanatiling seryoso ang mukha niya hindi kagaya kanina na abot tenga ang kaniyang ngiti. Tumikhim siya at nagsimulang mag salita, "Chie, I know that you hated aira but please, wag mo na sana kaming guluhin."
My lips parted. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Anak kita Chie pero simula nang mag hiwalay kami ng papa mo...hindi na kita tinuring bilang anak ko." Dahan dahang tumulo ang luha ko hanggang sa magsunod sunod ang pag tulo nito. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
"Kaya sana, sana simula ngayon...wag mo na din akong ituring bilang Ina mo. May bagong asawa na si fernan at siya na ang papalit sa responsibilidad ko sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Romance2024 Version. Iris Chienne Alvarez has always been famous for being the black sheep of her family. Pasang awang grades, laging linked sa mga iba't ibang lalaki. A girl who's trying so hard to cope up with the feeling of loneliness in the dark-which...