Sa huli ay sinamahan ako ni brie. Inalok ko pa nga siya ng inumin ngunit tinanggihan niya kaya hindi na ako nag pumilit dahil baka makulitan siya sa 'kin. Ayaw kong magalit sa'kin ang bebe ko.
Sabay din kaming pumasok sa gym. Kahit tahimik kami ay masaya ako. Ewan pero ang gaan sa pakiramdam na kasama siya, na parang ito yung matagal ko nang pangarap na bigla kong naabot. Yung makasama siya.
Kahit wala ng feelings, okay na, basta nandiyan siya. Dati sinasabi ko sa sarili na kuntento na akong makita siya sa malayo pero parang niloloko ko lang ang sarili dahil sa tuwing nakikita ko sila ni aira ay parang may patalim na tumutusok sa puso ko.
Nakakatawa kasi nahulog ako sakaniya dati kahit hindi niya alam na nage-exist ako. Kahit 'di ko alam ang rason kung bakit bigla niya nalang akong pinansin makiki-go with the flow nalang ako.
"Good luck, brie!" Malakas kong sigaw kay brie na papunta na sa court. Nilingon niya naman ako kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti na kaniyang sinuklian bago tuluyang mag lakad papunta sa coach nila.
Hindi pa naman nag sisimula ang game kaya nags-stretching pa lang ang mga players. Umupo ako kung saan nagku-kumpulan ang mga classmate ko. Katabi ko pa si shane na kasama si verryl.
"Lume-level up, ah?" Siniko niya ako kaya napatingin ako sakaniya na nagtataka.
"Ha?"
Nginuso niya ang suot kong jersey na may kasamang pag taas baba ng dalawang kilay. "Kayo na?" Pinamulahan ako sa naging tanong niya.
"Hindi pa ah!" Tanggi ko pero mas lalo niya lang akong inasar. "Verryl si Shane, oh!" Sumbong ko sa katabi niyang si verryl pero tinawanan lang ako nito kaya humaba ang nguso ko.
Hindi pa naman kami, eh. Hindi pa sa ngayon.
"Pwedeng maki-upo?" Napatigil kami at napatingin kay aira. I can feel Shane glance at me pero para akong napako habang nakatingin sa suot na jersey ni aira. Katulad din 'yon ng akin pero ang numero ay twenty three.
Nakita ko ang marahang pag tango ni shane kaya nakayuko itong nag lakad patungo sa upuan na bakante sa tabi ko. Nang maka lagpas siya sa'kin ay hindi ko maiwasang makita ang pamilyar na apelyido sa likod ng jersey na suot niya.
Sallista.
Iniwas ko ang tingin ng makaupo ito. May ibang sallista naman sa team, katulad ni brion. Baka pinahiram niya lang si aira, bait pa naman no'n. Umiling ako upang iwala sa isip ko 'yon.
I tried to focus on the game na nagawa ko naman. Halos mawalan ako ng boses sa kaka-cheer kay brie. Tuwing magsh-shoot siya ng tres ay napapasigaw talaga ako.
Shooter ang brie ko!
Natapos ang first half na lamang sila brie ng 10 points. Lahat ng players namin magagaling lalo na si brie na puro tres at brion na ang lakas makahu ng rebounds.
Sallista nga naman.
Magaling din naman ang kabilang team at namukhaan ko pa yung isang player na naka away ni brie na masama ang tingin sa magkapatid na sallista habang nagpapahinga. Aba, dukutin ko mata niyan eh!
I throw him glares at naramdaman niya siguro 'yon kaya tumingin siya sa'kin at kumindat ngunit sinuklian ko lang ito ng irap. Kapal ng face mo, boy.
"Uy," napabaling ang atensyon ko kay Shane nang sikuhin niya ulit ako. Nginuso niya ang court sa ibaba kaya napatingin ako doon. Natagpuan ko ang mala buwan na mata ni brie na nakatingin sa 'kin.
Sa 'kin nga ba?
May tuwalya sa leeg niya and I can see from here kung paano nag taas baba ang dibdib niya at pa tulo ng pawis niya papunta sakaniyang leeg. Bakit ang gwapo kahit pawisan?
Masyado ng atang malakas ang tama ko sa 'yo, brie.
The second half started at na kay brie lang ang atensyon ko na minsan ay tinatapunan ng mga tingin ang pwesto namin. Nararamdaman ko ang kuryente tuwing magtatagpo ang mata namin.
Pinasa ng isang player ang bola kay brie na nasa gitna ng court. He shoot it before meeting my gaze. Nag tagal nag pagtititigan namin hanggang sa mag hiyawan at mag-cheer ang students galing sa school namin.
Una akong bumitaw ng tingin at ibinaling ang atensyon kay brion na seryosong nakatingin kay brie. Pinutol niya ang tingin sa kapatid bago tumingin sa gawi namin kaya kumaway ako dito at ngumiti na agad niyang sinuklian kahit bakas ang gulat sa mukha.
Nagpatuloy ang laro pero napansing kong parang nag aagawan sa bola si brie at brion mukhang napansin 'yon ng coach kaya hindi na sila pina laro sa fourth quarter. Dahil magagaling din ang players namin ay nanalo ang team namin.
Nagsimulang magsi-alisan ang ibang students habang may onting natira kasama na kami. Naunang bumaba si shane at verryl para i-congrats ang ibang players at ang pinsan ni shane na isa ding basketball player sa school namin.
Nanatili ako sa upuan kasama si aira dahil hinihintay ko din sina shane at verryl. Medyo awkward nga pero nanahimik nalang ako. I slide my hand inside my pocket at kinuha ang cellphone ko nang mag-vibrate 'yon.
Nakita ko ang mensahe galing kay brie. Nilagay ko na din ang pangalan niya kaya mas madaling malaman na siya 'yon.
Bri3 qOuH~
Baba ka :'>
Nanlaki ang mata ko at napatingin sakaniya kaya natagpuan ko ang kulay abo niyang mata. Kumaway siya sa'kin at binigyan ako ng isang ngiti. Nag pabalik balik ang tingin ko sa mensahe niya at sakaniya bago kagatin ang labi upang pigilan ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Chasing The Moon
Romance2024 Version. Iris Chienne Alvarez has always been famous for being the black sheep of her family. Pasang awang grades, laging linked sa mga iba't ibang lalaki. A girl who's trying so hard to cope up with the feeling of loneliness in the dark-which...