kabanata 14

83 8 0
                                    

She walked away. Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko, hindi matigil ang luhang bumubuhos sa mata ko. Gusto ko nang umuwi, gusto kong lumayo sa lahat ng tao.

Pumasok ako sa loob ng cubicle dahil sa narinig na yapak at pinigilan ang sariling gumawa ng ingay kahit patuloy sa pag tulo ang luha galing sa aking mata. Hindi pwedeng may makakita sa'kin ng ganito dahil maapektuhan non ang image ni papa.

Ayaw ko na mangyari 'yon.

Hindi ko na nabilang kung ilang oras akong nasa cr basta pag labas ko tapos mag hilamos ay bilang nalang sa daliri ang nasa loob ng event room. Ang iba sakanila ay mga staffs pa na nag liligpit.

Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa ginagawa na ipinagsasalamat ko. Dumiretso ako sa hotel room ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Alam ko namang ayaw sa'kin ni mama...pero masakit kasi sakaniya ko mismo narinig. Alam din kaya ni papa na nandito si mama? Kaya niya ako pinayagan?

Sumisinghot singhot na inabot ko ang cellphone ko nang mag vibrate ito. Tinignan ko kung sino ang caller pero unknown ito kaya hindi ko sinagot. Isinubsob ko muli ang mukha sa unan at kahit medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ay walang kumakawalang luha sa mata ko.

Naubos na yata.

I just closed my eyes again and let the darkness eat me.

Nakita ko ang batang babaeng itinulak ang isang bata pang babae na lumuhula na ngayon. Natumba ang batang babae pero hindi nag patinag ang tumulak dito at sumigaw pa, naluluha na din ito.

"Bakit mo ibinigay 'yung picture kay papa ko, aira?! Sabi ko sa 'yo secret lang natin 'yon kasi matagal na 'yon! Nag aaway sila ni mama dahil doon! Bakit mo kasi ginawa 'yon?" Napako ako sa kinatatayuan ko. Unti unti luminaw ang paningin ko at nakita ang luhaang mukha ng dalawang bata.

"K–Kala ko kasi 'yun 'yung picture mo. Ibibigay ko sana kay Tito pero hindi ko alam na ibang picture pala ang naibigay ko." 

"Hindi ko sinasadya, promise Chie. Hindi ko talaga sinasadya 'yun."

"Mga palusot mo bulok! Bakit ba malas lang dala mo sa'kin?
Ikaw na nga yung laging pinapansin ni mama ko tapos pinag away mo pa sila ni papa!

"Sana hindi nalang kita naging kaibigan! Hate na hate kita!"

This...

This was the beginning of my misery.

Because of you, aira.

Napabalikwas ako ng bangon. Puno ng pinag halong pawis at luha ang mukha ko. A small sob left my mouth. Inangat ko ang sarili at ipinatong sa headboard ang likod. Tignan ko ang oarasan at nakitang alas tres palang ng umaga.

I cried again as the memories played in my mind like a movie. Yung pang aabuso ni papa kay mama, ako na halos lang limos sa atensyon nila similar mangyari ang trahedyang 'yon.

Yung pag hihiwalay nila.

Sa bawat hikbi na pinapakawalan ko ay siyang paninikib din ng dibdib ko. Every sobs that escaped from my mouth has no sound but my heart is screaming how painful it is hearing those words from my own mother.

Bukas pa naman ang art competition so I think it's okay kung dito na muna ako buong araw.

I don't feel like standing up. Pero...si brie. Ngayon 'yung basketball game nila. Ano gagawin ko? Nakaligtaan ko na nga ang quiz bee niya kahapon tapos hindi pa ako manonood ng game niya ngayon?

I know he doesn't need me there but I wanna see him. Marupok na kung marupok pero gusto ko siyang makita. I groaned when my stomach growl. Hindi nga pala ako kumain kagabi.

Napailing nalang ako't kinuha ang cellphone. My forehead creased sa mga messages na na-received ko from an unknown number. May mga miss calls rin.

Unknown number
+639*********

Where are you?
5:23 PM

Kumain ka na?
8:10 PM

This is brie. Kinuha ko phone number mo kay brion.
8:12 PM

Hey. :(
8:13 PM

Natawa ako ng mahina sa huling message niya. It somehow made the heavy feeling fade.

I typed for a reply but I can't find the courage to click the send button. Sa huli ay hindi ko na si-nend ang mensahe. In-off ko nalang Ang cellphone at pumunta sa kusina ng hotel room ko para kumain tapos ay bumalik muli sa pag tulog.

"So, bakit ka nandito?" Nakataas ang isang kilay kong tanong sa lalaking nasa harapan ko. Brion smile widely as he scratch the back of his head.

"Pinapunta ako ni Coach kagabi. Nabalian kasi ng buto yung dalawang player na mag lalaro sa game mamaya." Napatango tango ako't ibinaling ang tingin sa dagat. Nasa loob kami ng isang kubo kung saan tanaw na tanaw ang mga students na galing sa mga iba't ibang schools.

"Madami namang players na pwedeng ipamalit, ah. Bakit pinapunta ka pa?" Baling ko dito. Inayos ko pa ang suot kong shades dahil sa namamaga kong mata sa drama ko kahapon.

"Madami pero hindi magagaling," aniya habang may nakapaskil na ngisi sa labi. Pabirong inikutan ko ito ng mata at sinabing, "yabang." Sabay kaming natawa at patuloy sa pag uusap.

"Brie asked for your number. Hindi ko nga sana ibibigay, eh kaso masyado akong mabait kaya sa huli binigay ko na," si Brion habang papalabas na kami ng kubo. "Nakakapanibago nga, eh. Minsan lang yon mag hingi ng tulong sa'kin tapos tungkol pa sa babae." Tuwang tuwa pa siya habang nagkwe-kwento. I shook my head.

Parang noong nasa condo niya kami at hindi sila nagtataliman ng tingin ah.

Lumingon ako sa ibang direksyon upang itago ang namumula kong pisngi ngunit natagpuan ko si aira na masama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa'min mula sa di kalayuan.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon