Kabanata 15

93 7 1
                                    

"Una ka na," ani ko kay brion na mukhang malalim ang iniisip. Lumingon siya sa'kin kaya binigyan ko siya ng ngiti kaya wala sa sariling nag lakad ito papasok sa gym. Ten thirty kasi ang simula ng laro at kailangan pa nilang mag-stretching.

Pumunta ako sa malapit na vending machine. Nag hulog ako ng coin doon at pinindot ang gusto kong inumin. Bumili ako ng isang bottle water at isang coffee. Alas diyes pa lang kasi ng umaga at hanggang ngayon ay inaantok pa ako dahil nahirapan akong matulog ulit kagabi.

Napag alaman ko din na na-cancel ang art competition ngayon at bukas na itutuloy. Pwede na nga akong matulog buong araw ngayon ngunit kailangan kong masilayan ang aking brie.

Binuksan ko ang coffee bottle bago mag lakad papunta sa gymnasium. I drink the coffee while walking kaya hindi ko namalayan na may makakasalubong ako't pareho kaming natapunan ng kapeng hawak.

Napasinghap ako ngunit agad ding napaubo dahil sa kape. Putcha naman. Ramdam ko ng lagkit ng kape at ang basa kong damit. "Sorry, chie..." Napatingin ako kay aira na nakayuko ngayon at marahang pinapagpagan ang nabasa niya ding damit.

"Pasyensya na din...nabasa ka tuloy." Pag papaumanhin ko kahit hindi ko nagustuhan ang kaniyang presensya. Marunong naman akong babaan ang pride lalo na't pag may kasalanan ako.

"A-Ayos lang...una n-na 'ko." Bago pa ako makapag salita ay bigla siyang tumakbo pero hindi nakatakas sa paningin ko ang maliit na ngisi niya palayo.

Ang mga papasok sa gym ay napapatingin sakaniya. Teka, bakit sa gymnasium siya papunta? Inilingan ko nalang ito at iniisip ang sarili.

Basa yung damit ko at wala akong dalang pamalit. Paano 'to? Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang laro pero hindi din naman pwedeng humarap ako kay brie na ganito ang hitsura.

Huminga ako ng malalim at pinili nalang bumalik sa hotel upang makapag palit. Tumalikod ako at hahakbang na sana pero nahagip ng mata ko si brie na papalapit sa'king gawi habang may bitbit na itim na bag. Mag kasalubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa damit kong namantsahan.

Kumabog ang dibdib ko nang tumigil siya sa harap ko at nakakunot pa rin ang nuo. Hindi siya nag salita kaya tumikhim ako at naagaw naman niyo ang kaniyang atensyon. Ngumiti ako sakaniya kahit ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Hello, brie..." Kakasabi ko lang na ayokong humarap sakaniya na ganto ang lagay pero nandito agad siya sa harap ko.

"Manonood ka?" Tanong niya nang hindi pa rin naalis ang pag kasalubong ng kilay. Normal pa bang magwapuhan sakaniya kahit mukhang galit siya?

Tumango ako. "Oo kaso babalik ulit ako sa hotel...Wala kasi akong pamalit na damit eh." Napatingin muli siya sa basang damit ko at tumango bago buksan ang bag niya at may kinuha roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya nag stay nalang ako, para na din makasama ko siya kahit ngayon lang.

"Here. You...can use it, uh..." Dahan dahan nitong inabot sa'kin ang isang jersey na kulay pula. Bahagya niyang iniwas ang tingin at kita ko ang pag pula ng kaniyang mukha.

"It will take a minutes if you come back to hotel...baka mag simula ang laro at hindi mo masimulan at saka mainit na din." Napaawang ang labi ko sa pagtatagalog niya. Ba't ang sarap sa ears?

Humigpit ang hawak ko sa water bottle at binasa ang pang ibabang labi upang pigilan ang kilig. Nakangiting dyosa ko namang tinanggap ang kaniyang jersey. Ito yung jersey na ginagamit nila tuwing practice.

"Salamat, brie..." Ani ko. Tumango siya at nginitian ako na halos ikahulog ng puso ko. Pumunta kami sa cr na malapit. Sinamahan pa nga niya ako patungo sa cr kahit na tinanggihan ko siya dahil baka ma-late ma siya sa laro.

Hinintay ako ni brie sa labas habang ako ay inaamoy amoy pa ang jersey niya bago tuluyang suotin.

Tinignan ko ang likod sa repleksyon ng salamin. Number twenty two ang nakasulat na numero sa likod at harap at may nakasulat naman na apelyido ni brie sa likod.

Sallista.

I giggled. Damit lang naman ang pinalitan pero pwede namang pati yung apelyido ko na din. Ti-nuck in ko yun sa pantalon ko. Itinali ko rin ang buhok ng messy bun at nag hugas ng kamay. Habang nag huhugas ay tinitignan ko ang sarili sa salamin.

Lumabas ako ng cr nang makitang pwede ng ma-inlove so brie sa kagandahan ko. Pag labas ay nakitang ko siyang nakasandal sa pader. Naka-side view siya pero kitang kita pa rin ang kagwapuhan niya.

Napa ayos siya ng tayo nang makita akong lumabas. His lips parted a little habang nakatingin sa 'kin. I mentally smirked. Ganda ko 'di ba?

Tumikhim siya at iniwas ang tingin habang namumula ang pisngi. "Tara na?" Tumango ito at pina una akong mag lakad. Tahimik lang kami habang nag lakad at halos rinig ko na rin ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Bigla akong napahinto ako sa tapat ng vending machine. Lumingon ako Kay brie na napatigil din. "Uh...bibili pa kasi ako ng inumin pwede ka nang mauna...baka mag simula na ang game," saad ko na nakaramdam ng kaunting panghihinayang.

Gusto ko pa siya makasama ng matagal.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon