Kabanata 21

171 6 0
                                    

Para akong napako sa tingin niya. Madilim, madiin, at may bahid na emosyong ‘di ko mapangalanan.

"Pinapa-tawag ka ni coach." Mas lalong lumamig tingin niya nang bumaling ito kay Brion kaya ngayo'y nagsusukatan sila ng tingin. Seryoso lang ang mukha nilang dalawa ngunit kita ang talim ng kanilang pagti-titigan.

Lumambot ang tingin niya nang bumaba yon sa 'kin. May bahid na pagtatampo pero nakakatunaw ang kaniyang tingin. "Ah, sige." Kinalas ni Brion ang hawak sa 'kin at sinulyapan ako.

"Una na 'ko, ah?" Ginulo nito ang buhok ko at tanging tango lang ang naging tugon ko dahil parang naging yelo ang bibig ko sa lamig ng titig ni Brie. Nais kong mapakamot sa ulo dahil sa sobrang awkward pero 'di ako makagalaw sa tension.

"Uhh, hi?" I smiled, trying to lessen the awkwardness after Brion left. Naging hilaw ang ngiti ko nang nilagpasan niya lang ako; Hindi man lang ako tinapunan ng tingin samantalang kanina ay pa-tingin tingin siya sa 'kin.

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya habang siya, sa tingin ko, ay kumuha ng inumin sa vending machine dahil sa tunog na nalaglag na lata. An air of silence surround us for a few seconds until he speak.

"How..." Mahina iyon ngunit rinig ko dahil kami lang ang nandito. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago siya harapin na dapat pala ay hindi ko ginawa! He's freaking wiping the sweats on his forehead using his jersey and his abs! His abs are showing!

Napamaang ako habang naka-glue pa rin ang paningin sa abs niyang basa dahil sa pawis at hindi ko napansin na nakatingin pala siya sa'kin. Kinagat ko ang ibabang labi sa kahihiyan.

Pumeke siya ng ubo. "How's the art competition?" Tanong niya at binuksan ang can drink. Bigla akong nabalik sa reyalidad ng marinig ang pag tikim niya. Focus, Chie!

"Ah..." Napalunok ako dahil parang naipon ang salita sa lalamunan ko nang linagok niya ang inuming hawak.

"Ah, ano, okay lang..." Sinubukan kong ikalma ang sarili sa titig niya. His eyes are like hypnotizing me and it never fail to make me fall for him more. His eyes are full of emotion I can't name.

"Chie..." He called me. Parang nahulog ang puso ko doon. The way he called my name while his voice are so soft that it can make me fall asleep. Grabe na talaga ang apekto mo sa 'kin, Brie.

I know I'm falling and it's scary because I'm afraid I might fall into an illusion of us.

"Chie!" Pareho kaming napatingin Kay Verryl na ngayong nakaawang ang bibig habang palipat lipat ang tingin sa 'min ni Brie. "Bakit, Verryl?" I ask, breaking the air of silence.

"Mag sisimula na daw kasi ulit..." Sumulyap siya kay Brie pero agad na bumaba sa sapatos niya ang kaniyang tingin. "Pinuntahan kita kasi wala ka pa..."

Nakatulala ako sa mukha ni Brie na ginuhit ko kanina. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ang ginuhit ko. Ang sabi kasi draw someone you admire raw.

"Ayan! Kumpleto na ang ating mga kalahok kaya ipagpatuloy na natin ang kompetisyon." Ani ng host. He explained everything we need to know. Itinabi naman ang mga ginuhit namin kanina habang nagpapa-liwanag ang host.

Ang Art competition kasi ay may dalawang concept. Ang unang ay yung ginawa namin kanina, draw someone you admire that's why si Brie ang naguhit ko. The second is draw your greatest dream at i-explain kung bakit iyon ang greatest dream namin.

Nasa amin na daw kung paano namin gagawin basta pasok sa nasabing konsepto. My dream is to become a painter but that's not my greatest dream. Kasi ang greatest dream ko ay magkaroon ng masayang pamilya katulad ng dati.

I bit my lower lip. Sumulyap ako sa pwesto nila Mrs. Marinchisse. I saw them laughing. Para silang may sariling mundo. Parang walang iniwang anak.

Siguro nga...ako na lang yung naglulugmok sa nangyari? Ako na lang yung hindi maka-move on na sira na yung tunay kong pamilya?

Pinikit ko nang mariin ang mata at pinilig ang ulo. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano ano ngayon.
Nag simula na kaming mag-guhit.

Dinrawing ko ang sarili ko na nagpi-pinta. My greatest dream is a happy complete family but I think it's better kung sa'kin na lamang iyon.

Ayaw kong mag mukhang kawawa. Tama na yung nangyari sa banyo kasama si Mrs. Marinchisse. Siguro sapat na yon para tumigil na 'ko kahit may kirot pa rin sa dibdib tuwing inaalala ko ang panahon na ang turing niya pa sa 'kin ay anak.

Sumibol ang maliit na ngiti sa labi ko nang ma-satisfied sa outcome ng gawa ko. Naglagay lang ako ng onting details and tapos na. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer.

The host went in and started asking us about our drawings or paintings.

"Wow, a handsome man," anito sa drawing ko kay Brie. "Pwede mo bang sabihin kung bakit ang gwapong binata na 'to ang dinrawing mo?"

Binigyan ako nito ng mic. Kinuha ko yon at tinapat sa labi ko. "Uh, kasi... I admire him po." Nag sigawan ang mga katulad kong student na manonood.

Napatango tango naman ang host habang may ngiti sa labi. "I see. Pwede ba naming malaman ang pangalan nitong ina-admire mo?" Tumaas taas ang kilay niya.

Nag-hiyawan ang lahat, karamihan ay babae. May narinig pa akong sinigaw ang pangalan ni Brie. "That's Brie po," sagot ko na lang. Hindi kasi talaga ako komportable tuwing tinatanong ako sa harap ng madaming tao.

Hindi naman ako introvert. Hindi lang talaga komportable kapag madaming tao nakatingin sa 'yo tapos nagsasabi ka pa tungkol sa crush mo.

Nag-tanong pa siya ng kung ano ano tungkol sa unang drawing ko hanggang sa dumako iyon sa pangalawa. "My greatest dream is to be a painter. It's the only thing that I can say na magaling ako but sadly, I can't be."

Pangarap ko naman talaga maging painter pero iba ang greatest dream ko. Napasulyap tuloy ako sa gawi nila Aira and I saw her staring at our direction pero ang tinitignan niya ay ang mukha ni Brie na dinrawing ko.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon