kabanata 12

101 10 0
                                    

Mulat na mulat pa Rin ang aking mata habang nakatingin sa ceiling. I can't sleep!

Tuwing pinipikit ko ang mata ko nagre-replay lang sa utak ko Yung ginawang pag halik sa'kin ni brie kanina! Paano kumalma? OMG!

Napag-desisyonan ko nalang ba lumabas muna. It's cold outside kaya nagsisi akong 'di ako nagdala ng jacket, pero 'di na 'ko nag abalang bumalik.

Umupo nalang ako sa isang bench na may katabing puno. Dala ko ang cellphone ko kaya dahil minsan ay tumatawag sila Chloe ng ganitong oras.

I just look up at the moon.

Inangat ko ang kamay ko na parang hinahawakan ang buwan pero binaba ko agad ito nang mangalay.  I felt someone sit beside me. ‘Di ako nag abalang balingan ito ng tingin at umosog ng konti upang dumistansya.

Tumingin ako dito nang peke itong umubo pero agad kong iniwas ang tingin nang makitang si brie ito. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang ginawa nitong pag halik sa pisngi ko kanina kaya nag init ang mga pisngi ko.

Umiiwas ako nang tingin ngunit hinawakan nito ang pisngi ko at pinaharap sakaniya. I was caught off guard. Nakatingin ako sakaniya habang maliit na nakaawang ang labi.

Napapikit ako nang dahan dahan nitong ilapit ang mukha sa'kin. I was waiting for his lips to touch mine pero napamulat ako nang mata dahil sa ingay ng alarm clock.

Inis na ginulo ko ang buhok nang mapagtantong panaginip lang. Panaginip lang pala, hindi manlang pinag lapat 'yung lips namin ni brie eh. Bigla akong namula sa kung anong nasa isip ko. Gosh.

Inalis ko nalang ang panaginip na 'yun sa isip ko at nagsimula ng mag ayos para mamayang alas dyes. Mamaya na kasi ang quiz bee nila brie kalaban ang mga taga ibang schools. Syempre dahil supportive ako, 'di ako pwede mawala.

Meron kasing mga hindi nanonood dahil daw boring. Pero walang boring boring sa'kin lalo na pag kasama ko si brie. Sinuot ko ang blue na t-shirt na may logo at pangalan ng school, tinack-in ko ito sa itim na skirt. Nag suot na rin ako ng navy blue na rubber shoes. Naglagay din ako ng konting Liptint sa labi ko at blush on na rin dahil mukha akong multo sa kaputlaan. Grr, kulang sa tulog.

Nasa mag kaparehong floor kami ng iba kong schoolmates kaya nakasalubong ko din si Shane at Isa pang babae na Hindi pamilyar sa'kin. Pareho din nilang suot ang blue t-shirt na may logo ng school pero naka skinny jeans silang pareho.

"Oh, Chie, manonood ka?" Tumango ako sa tanong niya. "Sa bagay nandoon pala si brie." She chuckled, "Tara sabay na tayo."

"This is verryl, kaibigan ko. Verryl, si Chie, 'yung kapatid ng crush mo na si persues." Pakilala sa'kin ni Shane nang makapasok kami sa elevator. Namula pa si verryl nang banggitin ni Shane ang pangalan ni kuya.

"S-shane!" Nahihiyang saway ni verryl pero tawa lang ang naging tugon ni Shane. Inayos ni verryl ang salamin na suot at nahihiyang umiwas ng tingin.

"Hi, nice to meet you." Ngumiti ako at nilahad ang kamay para makipag shake hands. May ngiti din sa labi niyang tinanggap 'yon. "You can call me very or ryl." Mahinhin ang boses niya ng sabihin niya 'yon, namumula pa ang kaniyang pisngi.

Sa First floor ng hotel ay nandoon ang event room kung saan gaganapin ang quiz bee. Bongga din ng hotel, eh. Actually, madaming benefits pag sumali sa tournament festival. Pwede kang magkaroon scholarship sa ibang school dahil minsan ay nago-offer ang iba lalo na pag may nakikita silang talento. Sunod, pwedeng kang manalo ng one hundred thousand pesos.

Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni nebo si papa. Well, kaibigan din kasi ni kuya Perseus 'yon.

"Mauna na kayo sa loob, Shane. Cr lang ako." Tinanguan ako ni Shane kaya dumeretso ako sa Cr. Ginawa ko ang pakay ko don at inayos ang sarili lumabas ako nang sa tingin ko ay okay na.

I was smiling while walking at the hallway, habang palapit nang palapit ay bumibilis ang pintig ng puso ko. I don't know if it's just because I'm excited to see brie or something else.

Madami ng tao sa event room nang makarating ako, may mga waiter na nag bibigay ng pag kain at inumin sa ibang grupong estudyanteng naka upo sa bawat lamesa.

"Chie, dito!" Napabaling ako kay Shane, kinakaway nito ang kamay. Pansin ko din ang isang babaeng nakatalikod sa'kin at naka upo sa table nila. Hindi naka suot ang babaeng 'yun ng kahit anong t-shirt na may logo ng bawat school kaya sa tingin ko Isa itong sa mga guests o anak ng isang guests, naka-floral dress ito at naka ponytail ang buhok.

"Hi..." Mahinang Bati ko nang nakalapit pero ang ngiting kaninang nakapaskil sa labi ay napawi nang makilala ang babaeng naka pony tail.

"Aira..." Smiling, she turned her gaze to me.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon