OBAMB 9

199 6 0
                                    

Jae POV

Habang papunta ako sa hideout iniisip ko pa din yung babae na dwende and boses na kaparehas ng boses ni Kreesa.

Hindi talaga ako nagkakamali, alam na alam ko yung tono ng babaeng yon eh. Ilang beses na ba naman kami nanuod ng MV ng EXO may pa fanchant pa kami.

Sa mga oras na ginagawa namin yan patago dahil iiksian ni Maxwell ang buhay ko kapag ganon kami kaclose ni Kreesa nya.

Napangiti nalang ako kapag naaalala ko yung mga panahon na hinuhuli namin ni Van si boss about sa nararamdaman nya kay Kreesa.

Matapang tapang kuno pero tumba naman pagdating kay kreesa. Maxwell sa dami ng pinatay mo at sa mga babaeng patay na patay sayo dun ka pa nagkagusto sa babaeng di naman patay na patay sayo.

Kase nga. Hindi ka member ng EXO. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA magdebut ka na din Maxwell tangina ka.

Tawang tawa pa din ako, hay kreesa bumalik kana, sana ikaw nalang yun narinig ko kanina.

Habang nakangiti ako iniisip ang kagaguhan namin ni Van kay boss biglang may nareceived akong message kay boss.

"Call Van, papuntahin mo sa hideout. Magsasalita na daw sya."

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko ng makita ko yung message.

Ngayon malalaman na namin ano ba talaga ang nangyari kay Kreesa sa araw na yon. Anong dahilan at sino ang pumatay kay Kreesa.

Agad agad kong tinawagan si Van at sinabi na pumunta sa hideout. Narinig ko boses ni Amanda, nako boi ayusin mo magpaalam.

Isa lang masasabi ko.

Sana all inlove.

Sa tutuusin sinabihan na namin si Van. Kung desidido ba sya kay Amanda. Alam naman nya yung mundong kinagagalawan namin.

Its either kami ang mapapahamak or sila. Lahat sila damay. Pwedeng may mangyari.

Nung una napagpasyahan na naming tatlo na kami nalang talaga magsama sama eh.

Atleast walang inosenteng buhay ang madadamay. Kahit gago naman kami may parte pa naman sa konsensya namin na maawa sa mga inosenteng tao.

Pagkaparada ko ng sasakyan, eh saktong dating din nitong si Van. Bilis talaga netong mokong na ito.

Sabagay kaming tatlo gigil na malaman ang totoo at gumanti sa mga gumawa ng katarantaduhan kay Kreesa.

"Hey, on the way na si boss pasok na tayo sa loob." Yaya ko kay Van.

"Buti magsasalita na ang siraulong yon." Saad naman nya.

"Di ko alam at biglaan lang din. Anyway paano ka nakatakas kay Amanda?" Biro kong sabi kay Van na halatang inlove na inlove.

"Gago. Tara na." bwisit nyang sagot.

Ngumiti nalang ako at sabay kaming pumasok. Di mo akalain na sa simpleng apartment na to. Eh may nakatagong basement kung saan nangyayari at umiikot ang kakaibang mundo naming tatlo.

Pagpasok namin ni Van sa office nakaupo na yung lalaking magsasalita patungkol sa  nangyari kay Kreesa.

"Mukha kang takot na takot, wag kang mag alala walang mangyayaring masama sa pamilya mo." saad ni Van sa lalaking nasa harap namin na mukhang takot na takot.

Tumingin lang sya na mukhang ni Van sinisigurado na totoo ang sinasabi nya.

"Sana naman sa oras na to, magsalita ka at sabihin mo lahat. Sinasabi ko sayo kung ikakatuwa at may mapapala kami sa sasabihin mo ngayong araw. Baka may magandang mangyari sa buhay mo." paalala ko sa kanya.

OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon