Kyle POV
After namin mag inom tatlo nila Jae at Van napili ko na dito nalang din magpahinga.
Medyo masakit ang ulo ko pagkagising ko, medyo naparami kami ng inom dahil sa mga nalaman namin sa lalaking yon kagabi.
I knew na maraming galit sa akin pero bat naman sabay sabay silang magplano para gawin yon?
Fuck them.
Iniisip ko ulit na ako pa rin talaga ang puno't dulo ng nangyari kay Kreesa. Ginamit nila si Kreesa para mapabagsak ako.
Tangina.
"Sir glad to see na di ka pa umalis, that guy need something to tell to you." bungad sa akin ni blake pagkalabas ko ng kwarto ko sa hideout.
"Ano pang sasabihin nya? Nasabi nya sino ang mga nagplano lahat ano pa ang--"
"Its about Kreesa Llenado sir."
-
Bigla akong kinabahan, patungkol kay Kreesa? Ano pang alam nya?
Di ako mapakali habang hinihintay ni Blake na ilabas ang lalaking yun.
Mayamaya nakatayo na nga sa gilid ko silang dalawa ni Blake.
"Sit down. Simulan mo na kung anong sasabihin mo." pag umpisa ko.
Tumingin muna sya sa akin ng malalim bago nagsalita.
"Just promise me one thing." sagot nya.
"What?" irita ko namang sagot.
"Promise me na tutulungan mo ako na makalayo sa kanila kasama ang pamilya ko." pagmamakaawa nya sa akin.
"Paano ko masisigurado na magsasabi ka sa akin ng totoo?" paninigurado ko.
"Maniwala ka lang sa akin, tsaka mo hanapin si Mark Del Rosario. Sya ang magsasabi ng iba pang detalye sayo."
"Hindi talaga namin sya balak patayin. Gusto lang namin syang kunin at ipalabas na patay. Yun ang plano ng pangatlong kampo na galit sayo." pagsisimula nya.
What the fuck?
----
Nasa may bahay na ako pero pilit ko pa din iniintindi yung sinabi ng lalaking yon sa akin kanina.
Hindi nila balak patayin si kreesa, balak lang nilang palabasin na patay si kreesa para masaktan ako at maging miserable?
"Maxwell maniwala ka, isa ako sa mga tauhan ni Mark Del Rosario na napag utusan na kunin si Kreesa sa kwarto nya at palitan ng ibang katawan pagkatapos ay sunugin."
"Ginawa namin yun pagkatapos namin bugbugin si Jae. Nakaplano lahat yon alam namin na wala ka at nasa ibang bansa."
"Pagkatapos namin bugbugin si Jae dun na namin kinuha ang pagkakataon na palitan ang katawan na nasa kwarto."
"Sigurado ako dahil ako ang nagdala sa katawan ni Kreesa sa sasakyan ni Mark Del Rosario. Kitang kita ko kung paano umalis ang sasakyan nya dala ang babaeng pinakamamahal mo Maxwell. Totoo ang sinasabi ko hanapin mo si Del Rosario alam ko sya ang magbibigay kay Mr. Ferrer."
"Anong koneksyon ni Ferrer kay Del Rosario?"
"May malaking utang si Sir Mark kay Ferrer. Yun ang hininging kapalit ni Ferrer sa kanya pagkatapos ay lulubayan na sya. Yan ang pagkakaalam ko."
"Hindi ko na alam kung paano nya binigay o nasaan man si Ferrer at si Kreesa. Di ko na din alam kung nasaan si Del Rosario. Basta sigurado ako na ganon ang plano Maxwell."
BINABASA MO ANG
OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)
AzioneI live with a peaceful life. Simpleng babae na naghahangad lang na makita sa personal ang pinakamamahal nyang EXO. Then I met him Everything change. Nagulo. At naging rason para muntikan nang matapos ang buhay na meron ako. "She's fvxking mine. Only...