OBAMB 14

191 5 1
                                    

Jae POV

After kong makuha yung informations ni Del Rosario hindi na ako nagdalawang isip na pumunta agad sa baguio.

Sigurado mga gabi na ako makakarating doon, hindi na ako nagsama ng ibang tao.

Ako nalang din magdadrive ng sasakyan. Gusto ko kasi na mismong ako ang makakahuli sa siraulong lalaking yon.

Habang nagdadrive na ako pinatugtog ko yung playlist ng EXO para naman hindi ako antukin.

Napaisip ulit ako na hindi pa pala patay si Kreesa. Jusko ilang luha din binagsak sa mata ko tapos buhay ka lang palang gaga ka.

Di ko pa rin talaga maisip na hawak lang pala ng gunggong yun si Kreesa. Isa din tong isip bata amp.

"Boss on the way na ako sa baguio, uuwi ako na dala si Del Rosario don't worry *heart emoticon."

Sent

Ugali ko talaga asarin si Maxwell kapag ganitong sitwasyon. Ewan trip ko lang talaga.

1 unread message.

"Gago." Maxwell

Tumawa nalang ako alam kong asar na asar na naman tong si Maxwell.

Nako kreesa makauwi ka lang talaga pupunta na tayo sa Seoul ilulunod kita sa mga concerts na gusto mo.

Namimiss ka na namin. Namimiss kana ni Maxwell. Kasal na talaga mangyayari neto pagkauwi mo.

Van calling....

"Yes bro." sagot ko kaagad sa tawag nya. Ano nanaman kaya gustong sabihin ng lalaking inlove na to.

"Wow bro fuck. Anyway sabi ni Maxwell may aasikasuhin tayo about sa shipment ni Ferrer." saad ni Van

"Bilisan mo hulihin yung gagong yan. Tinatamad akong kumilos mag isa." dagdag nya pa.

Itong si Van kung anong gwapo sya naman tamad. Bat ba namin kaibigan to ni Maxwell?

"Noted sir." Sagot ko nalang sabay patay ng tawag.

Kapag itong si Del Rosario di sumama ng maayos walang buhay ko tong maidadala sa manila.

Bwisit.

-------

Vanessa POV

2am na ng madaling araw pero wala pa rin si Kristoffer. Simula kaninang umaga na pag alis nya hindi pa rin sya bumabalik.

"Iha bat hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba si Kristoffer?"

Napatingin ako sa gawing banda ng marinig ko ang boses ni nanang. Nagising ko ata sya sa ingay ko.

"Opo nanang. Hindi pa po kasi sya bumabalik." sagot ko.

"Nako baka bukas pa yun makakauwi. Mauna kana matulog. Sige na at magpahinga kana." yaya nya sa akin.

"Hindi po kaya ko naman. Kukuha nalang po ako ng kape sa kusina."

Pupunta na sana ako sa kusina ng maalala ko.

"Nanang nung kinasal po ba kami ni Kristoffer nandun po ba kayo?" bigla kong tanong sa kanya.

Siguro naman kahit si nanang nalang ang makakasagot sa akin patungkol sa bagay na to. Never ko kasing nakausap si Ferrer about sa akin. Lagi nalang nya akong iniiwasan kapag nagtatanong na ako o kaya nagagalit sya sa akin.

Wala naman sigurong masama kung malaman ko yung past ko. Para lang kasi akong singaw na lumitaw at nagising tapos ayon na kahit ni isa wala akong maalala.

OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon