OBAMB 13

211 8 2
                                    

Kristoffer POV

"What did you say?! Are you fucking serious Gabriel Santiago? Ano yung report mo sa akin na maayos na nakadaong yung shipment sa Malaysia?" galit kong tanong kay gabriel.

Hindi pwedeng hindi matuloy yung transaction na yun, malaking halaga ang mawawala sa akin pati na din ng tiwala ng mga ka-transaction ko.

"Sir hindi ko rin po alam na biglang pinapabalik nila ang mga gamit. Ang sabi nila may nakuha daw po silang mas mababa at maayos na kalidad na gamit." sagot naman nya.

"Anong hindi mo alam? Inutusan ba kita sa trabaho na yan para sabihin mo ko na hindi mo alam? Ginagago mo ba ako Santiago? At anong may nakuha sila na ibang gamit?"

"According to the information na nakuha ko na isa sa mga tauhan nila. Galing daw kalila Maxwell ang mga offer."

Putangina, paanong nalaman ni Maxwell na may transaction ako sa Malaysia? Nalaman na ba nya na nasa akin si Kreesa?

Pinatay ko agad ang tawag ni Gabriel saka ko tinawagan agad si Maxwell. Hindi ko to palalagpasin Maxwell. Sinisimulan mo talaga akong hayop ka.

Sa lahat pa naman ng ayaw ko ang pinapakialaman ako sa mga transaction ko.

--------

Kyle POV

"Maxwell, natawagan ko kaagad yung ka transaction nila Ferrer sa malaysia. Mabuti nalang at naabutan ko pa binababa na nila yung mga gamit nung natawagan ko."

"And then? Did they accept our offer?" tanong ko naman kay Van.

"Yes." Aniya

"Good. How about Mark Del Rosario?" tanong ko naman kay Jae na busy sa kapipindot ng laptop nya.

Pagkatapos namin mag usap usap sa bahay napagdesisyunan na namin na bumalik sa may hideout para magplano sa gagawin naming pag bawi kay Kreesa.

"Ang sabi dito, lumipad sya papuntang Paris Maxwell, pero medyo nagdududa ako dahil may rest house sya sa may Baguio. At ang sabi may nakakita daw kay Del Rosario na namamalagi doon." sagot naman ni Jae

"In that case, i need to go in Baguio to get Del Rosario." sagot ko naman sa report ni Jae.

Kailangan kong makuha si Del Rosario to make sure na hawak ni Ferrer si Kreesa.

He will be my Alas on this game. Kaya kailangan makuha agad ang gagong yun.

"No boss, ako na ang kukuha sa kulugong yun. Ngayon na nasira ang transaction ni Ferrer sa Malaysia. Guguluhin st guguluhin ka nya." ani ni Jae habang patuloy sa pagkalikot sa laptop nya.

"Ok! Hintayin mo kong bwisit ka." sigaw bigla ni Jae

"Nakuha ko na yung address nya, aalis na ako baka makatakas pa ang gagong yun. Bye boss!" paalam ni Jae at agad agad na tumayo  at lumabas ng office.

"So anong sunod na plano Maxwell? Paano kung mapatunayan mo na buhay si Kreesa?" biglang tanong sa akin ni Van.

"That time na malaman kong hawak nya talaga si Kreesa. Ferrer needs to be careful with his actions. Hindi ko sya titigilan" sagot ko habang nakayukom ang mga kamay ko.

Kapag hindi nya pa binalik sa akin si Kreesa ng maayos.

Babaha ng dugo sa mismong kinatatayuan nya.

Phone ringing

Ferrer

"Maxwell i think he already know na tayo ang may pakana ng pagka sira ng transaction nya." saad ni Van ng makita sino ang tumatawag sa akin.

OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon