OBAMB 10

220 9 1
                                    

Van POV

Nagulat nalang din ako biglang nagpatawag tong si Maxwell sa hideout. Yun pala willing ng magsalita yung lalaking nautusan na pumatay kay Kreesa.

Himala pagkalipas ng ilang buwan magsasalita na ang gago.

Sa ilang buwan na dumaan madami nangyari. Madaming nabago simula nung nawala si Kreesa sa amin.

Sa ilang buwan na dumaan, nakilala ko din si Amanda. Ang babaeng nagmahal sa akin at nagbigay ng stress. Ewan kambal na ata yun.

Mabilis lahat ang nangyari, parang kailan lang nung niligtas namin sya sa bidding na ginawa ni Steve.

Yung mga araw na nagstay sya bahay dahil wala nga daw syang matuluyan. At yung araw na umamin sya patungkol sa sarili nya.

Na binenta sya ng sarili nyang Ama sa lalaking balak naman syang bugbugin.

She's so innocent, halatang walang laban sa mananakit sa kanya. Nagising nalang ako na gusto ko syang ilayo sa mga taong mananakit sa kanya.

Gusto ko syang nakikita, dahil alam kong ligtas sya kapag nasa tabi ko sya.

Mabuti nalang at di one sided love. Putangina pahirapan kung ganon. Pero tiwala din naman ako sa sarili ko.

Habulin kaya ako ng babae. Si Jae lang naman tong habulin ng aso. Hahahaha

Sa ilang buwan din na pagstay nya sa akin walang paramdam dun sa Paul na dapat ikakasal sa kanya at sa ama nya na pilit syang pinapakasal sa lalaking yon.

Anong klaseng ama ba yun?

"BABE WALA KA NANAMAN SA SARILI MOOOO." sigaw nanaman ng babaeng to.

Hay kahit ganyan ka. Mahal kitang babae ka. Parang nakalunok ng mike bwisit.

"Babe please pwede ba sa sunod medyo icalm mo boses mo. Parang ang layo ko eh." pagkakatwiran ko naman.

"Wow parang kasalanan ko ah, kanina pa kaya ako sige tawag sayo." Sagot naman nya.

Kailan ba ako nanalo kay Amanda? Wala akong matandaan.

"Gusto mo gamitin ko ulit yung way para mapacalm yang boses mo?" nakangisi kong sagot ulit sa kanya.

Biglang pula nanaman ng pagmumukha.

Hay my innocent baby.

"Tse, bat bihis ka? Saan ka pupunta?" pag iibang topic nya.

"Babe pinapatawag kami ni boss sa hideout. Magsasalita na daw yung lalaking nautusan." Sagot ko sa kanya.

Yes alam ni Amanda yung about sa akin, about sa pagiging parte ng organisasyon.

Well i'm happy na tanggap lahat ni amanda yon.

"Really? Umalis kana. Para malaman nyo na kung anong nangyari talaga kay Kreesa."

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Nagprepare na ako para sa pagpunta sa hideout.

"Babe dito ka mag dinner?" tanong ni Amanda bago ako makalabas ng bahay.

"I'll send you message babe. Baka medyo mapatagal kasi yung pag uusap don. I'll go now. Remember pindutin mo yung-----

"Alam ko na Mr. Lee ano ka ba ilang buwan mo na paulit ulit yan." pagputol ni Amanda sa sasabihin ko.

"I just want you to be safe while I'm not around. Okay?" paglalambing kong sagot sabay halik sa noo nya.

"I know sir. Go now maybe hinhintay ka na nila."

OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon