Note: THANK YOU SA LAHAT NG NAGPAPALAMON! HAHAHAHAHA
3:30 AM
Hindi ko namalayan yung oras, ang sarap niya kasing kausap, ang daldal pero may sense. We're here at All home eating some rice meal with instant coffee. Nawala narin yung lalaking humahabol sakanya. At ito na nga ang chika mga sis.Hindi niya daw kilala yung lalaki, lumabas lang din daw siya ng condo unit niya to buy some foods and papasok palang daw siya ng store ng harangin siya neto. At yayaing sumama sakanya. So mali pala ang conclusion ko, hindi parin pala ganun ka safe ang BGC. May mga tao paring may masamang hangarin sa buhay.
Habang nagkwekwento siya kanina halata mo yung kaba, at takot. nNakapiglas daw siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya at saka tumakbo pabalik ng condo niya at dun niya na nga ako nabangga at nasira ang nagiisang kong earphone. At ang liit nga naman ng BGC, same building same floor. Tadhana ba to?
I can't help myself but to stare. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti ito abot hanggang tenga. Kanina lang ang lungkot niya pa pero ngayon ramdam ko na, na okay na siya. Nakakatawa na nga eh with hampas pa ang sadista naman ng babaeng to.
You're my crush
Can't you see the way I blush
But I don't want to rush things to quick
With you,
You're my baby boo,
Oh darling I love you."Ly, hindi ka naman nakikinig eh, naboboring ka na bang kausap ako?" Sam
Humigop muna ako sa kape ko bago ko siya sagutin, mahirap na baka kung ano nanaman ang masabi ko.
"Nakikinig kaya ako, andon na tayo sa pagsali mo ng Binibining Pilipinas di ba." I said.
"Saka di ka nakakaboring kausap, kahit buong araw pa ata kitang kasama hinding hindi ako magsasawa." I said sa utak ko but when i look at her, putangina. Alam ko na.
"Crush mo talaga ako noh? Aminin mo na, tanggap ko naman ano kaba! Sa ganda kong to, saka i will let you naman to have a crush on me" sabi niya at saka ako kinindatan.
Ang hilig kumindat ng babaeng to may lahing sa ipis ba to pero kakain ko lang nagwawala nanaman mga alaga ko sa tyan.
"Ang yabang mo, saka di kita type no!" I said
I saw her right kilay na tumaas at nag crossed arms.
"Ah ganun? So sino ba type mo?" She said. Nakakatakot naman tumingin tong babaeng to. Nakakalusaw.
"Basta yung hindi high maintenance like you. Yung katulad ko lang na average person" i said
Totoo naman, hindi ko pinangarap na magkaroon ng romantic relationship sa mga taong alam kong hindi ko kasing taas ng level sa buhay. Wala nga akong crush na artista eh.
BINABASA MO ANG
SamLy | A collection of short stories |
FanfictionThe story of Alyssa and Sam. Fanfic. Just to be clear, this Story is made up of several sub-stories based on what I've written. If the title is different, it means you're reading a different story. In short, this is a collection of short stories fea...