When I dream about you 2

897 35 3
                                    


Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni Sam for breakfast, habang siya ay busy sa panonood ng kdrama sa netflix.

"Team Taek na talaga ako!" She said.

Natawa naman ako sakanya, ang tagal tagal na ng kdrama na to pero ngayon niya palang pinapanood. More on western kasi ang hilig niya kaya nagtataka ako na bigla siyang nagshift sa kdrama.

"Mas bagay sila ni Junghwan" I said.

Napanood ko na kasi tong Reply 1988 ilang beses na at hindi parin ako makamove on kahit na alam ko namang character talaga ni Bo Geum ang makakatuluyan ni doeksun.

"Duh! Ang torpe kaya ni Junghwan mo, mauunahan siya dito ni taek for sure!" She said.

Umiling nalang ako dahil tama naman siya. Pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng pinggan. Im on my the last plate ng mag ring nanaman ang cellphone ni Sam. I look at her, nakita ko siyang nakatingin lang sa phone niya at bumuntong hininga.

I know they're not okay, Marco and Sam. Wala pa ring kasi siyang nakwekwento sakin kung bakit sila LQ ngayon, basta nakita ko nalang siya na nakaupo sa harapan ng gate ko around 11 pm. Napaisip ako kung anong ginagawa niya sa bahay ko ng ganung oras at bakit hindi man lang ito tumawag muna or magtext sakin na pupunta siya.

Ganun kasi si sam, always dapat naka plan. Hindi siya yung happy go lucky at go with the flow. Medyo OC siya i think?

"Sagutin mo na yan Sam, pangatlong ring na yan ang ingay" pabiro kong sabi dito.

"Oh bat hindi ikaw ang sumagot?" Sabi nito at inabot sakin ang phone niya.

"Bakit ako? Ako ba jowa niya?" I said.

I see her frowning and she rejected the call then turn it off.

"Anong bang problema this time Sam?" I asked.

Humiga ito sa couch ko at nagtakip ng unan sa ulo. Nagpunas muna ako ng kamay at saka muna pinatay ang tv at umupo sa isa pang upuan na katabi ng couch na pinaghihigaan niya.

"Hey, you know na andito lang ako for you di ba? So spill the tea Sis" I said.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng unan sa mukha nito at umupo ng maayos. She tap the space beside her, so lumipat ako at umupo sa tabi niya.

"Marco lied at me Ly" she said. Naka poker face lang ito. Hindi ko na siya mababasa kapag nakapoker face si Sam.

"He lied about what?" I asked.

"Remember nung nag bora sila ng friends niya?" She said. Tumango lang ako bilang tugon.

"Of course, halos maglumpasay ka nga sa harap ko dahil gusto mong sumama sa kanila" I said.

"Kasama pala nila yung babaeng yon sa bora Ly! Hindi niya sinabi sakin yon, at nalaman ko lang nung nakita ko sa insta yung group picture nila na post ni Rick" She said, i saw her eyes she's hurt.

"Ano naman kung kasama nila si Trish, eh birthday yon ni Rick, trish is her sister right?" I said. She look at me, nanlilisik yung mata niya.

Oh no, naalala ko bigla kung bakit ganun nalang ang inis neto kay trisha.

"Oh wag ka sakin magalit ah hindi ako si Marco, Im sorry I forgot na naging issue nyo nga pala si Trisha" I said.

Nagbuntong hininga naman ito at saka naglean sa balikat ko.

"Nagusap na ba kayo ni Marco about this? I mean wala naman sigurong nangyari ulit sakanila right?" I asked. Yes naging third party nila si trisha before.

"No, hindi ko pa siya kinakausap after ko marinig mismo sakanya yung pisteng sorry niya" Sam said.

"Ly, I don't know kung anong gagawin ko kay Marco if nagcheat nanaman siya sakin. Tama na yung isang beses." She said. Ang plain ng pagkakasabi nito so hindi ko maramdam kung nasasaktan ba siya or immune na siya.

SamLy | A collection of short stories |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon